Avery’s POV “GO! GO! GO! RAVEN LIM! WE LOVE YOUUU!” Gusto ko na sanang takpan ang tenga ko ngayon kaya lang nasa may pinakaharap ako doon sa inuupuan ng mga players. Rinding–rindi na ko sa kasisigaw ng isang batalyong fans ni Raven. Seriously, practice lang ito ah? Ganyan talaga sila ka–supportive and dedicated kay Raven? Eh ako nga, ngayon lang nakapunta sa practice nila. “Three points for Lim.” Sabi ng announcer matapos maka–shoot si Raven. Di na ko magtataka kung bakit siya ang Captain ng MHAU Basketball Varsity Team. Napakagaling niya sa 3–point shot tsaka the way he dribbles the ball parang gamay na gamay niya na ang bola. Napakatangkad pa niya tsaka napakaguwapo! That’s why he’s perfect for that position. “RAVEN LIMMMMM! DAMN YOU’RE SO HOT!” Agad sigaw ng babae matapos hinawakan