Chapter One: #MeetTheHusband (Prologue)
Avery’s POV
Halos maisara ko na ang talukap ng aking mga mata habang hinihintay dumating ang aking babaero, ubod ng yabang at malanding asawa. I waited here in the sala while lying on the couch and watching The Vampire Diaries for almost two hours and now it’s almost 12AM, hindi pa rin ito dumadating.
I know he’s with his ‘girls’ now, as what he always do. Mambabae siya kung gusto niya as long as umuuwi siya dito sa bahay nang maaga! Because if he wouldn’t, patay siya sa akin. I am already giving him the freedom to do whatever he wants in his life tapos aabusuhin niya pa?
Not good.
My eyes were almost half-closed that time pero narinig ko bigla ang pagbukas ng pintuan ng aming two-storey house na Mediterranean Revival ang istilo at sa mismong front door nito pumasok ang aking mahabaging asawa.
Nakasampay sa kanyang malalapad na balikat ang kanyang maroon overcoat.
He’s in his white polo uniform with matching black slacks. His dark blue tie was unfastened and the two buttons of his polo were opened, exposing the upper part of his chiseled torso. Cool lang itong naglakad papasok ng bahay, as he turned the lights on.
I arched my brow when Raven looked at me and right there and then, he knew that I was there, standing and was looking at him. He stared back at me then he smiled at unti-unting lumapit sa akin.
I arched my brow like a petty jealous wife. But of course, I’m not.
I rolled my eyes at him.
“So, ilang babae ang naikama mo ngayon, Lim?” Sarcastic na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo niya sandali as if processing what I’ve just said at ngumisi naman pagkatapos.
“Hey, why? Nagseselos na ba ang asawa ko?” Sarcastic din na sagot niya.
I rolled my eyes again at what he said. Me, jealous?! That would be a miracle.
“Asa,” sabi ko while my arms are crossed and my eyebrow raised, “You know Lim wala akong pake kung mambabae ka dyan, makabuntis ka or anything, perhaps it wouldn’t concern me anyway but what I’m implying is that, umuwi ka nang maaga, ungas ka!” Sigaw ko sa kanya. “Abuso ka na masyado! Uwian pa ba ng matinong lalaki ngayon? Sabagay hindi ka nga naman matino. What do I expect?”
Ibinaba niya ang kanyang overcoat sa headrest ng sofa at kasabay nito, dahan-dahan niyang binuksan ang dalawa pang butones ng kanyang puting polo at di gaya kanina, kitang-kita ko na ngayon halos lahat ng parte ng kanyang pinagmamalaking six-packed abs.
I gulped.
God, may plano bang mag-live show sa harap ko tong ungas na to?!
I shook my head with the idea of a live show-NO, don’t think about that, Av! Nakakasura, nakakadiri, nakakasuka!
But to my surprise hindi niya pala binuksan lahat ng buttons ng polo niya, so wala palang live-show na magaganap.
Pero kahit iyon lang parte ng malapad niyang dibdib ang aking nakikita, di ko maiwasang di tuluan ng laway. Shoot, nakakalandi naman ‘to nang di oras! Bwiset na Lim ‘to.
“Is it really just because of that? Huh?” He arched his brow. “At talaga bang okay lang sayo na makabuntis ako ng ibang babae liban sayo, Av?” He smiled playfully while saying those words right on my face.
Liban sayo.
Sht. Ang alam ko sa sarili ko, okay lang na makabuntis siya. Pero ba’t parang may mali? Hindi ko naman siya type.
But either way, sinagot ko ang tanong niya. “YES it’s just because of that and YES, okay lang na makabuntis ka.” Lumunok muna ako ng lakas ng loob para diretsang masabi ang mga salitang iyon.
“Basta kung magkakanak ka man sa iba, maghiwalay na tayo. Para naman maging malaya na ako at hindi maitali habang-buhay sa bwisit na katulad mo!”
There, I’ve said it.
Doon napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. He almost frowned but he managed to smirk again at me as if I’m so defenseless with what I’m talking about.
“O talaga? Kung kaya mong panindigan ang lahat ng sinabi mo at kung totoong magagawa mo ‘yan, then go. I don’t effin care.”
Seryosong sabi niya at tuloy-tuloy na naglakad paakyat ng hagdan habang nakapamulsa pa at nakapatong ang coat nito sa kaliwang balikat niya then he suddenly stopped without facing me.
“Pero alam ko, Avery. Hindi mo kaya. Why?” Seryosong tanong niya. Matalim ko siyang tiningnan. “You already know the answer to that, babe.” He smirked at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ng kwarto niya.
Ang hinayupak na ‘yon!