Chapter Four: #OneCondition

1101 Words
Avery’s POV Ngayong nalalapit na ang opening at welcoming festival ng school, mas lalo kaming naging busy ng SSC. Ang daming kailangan gawin, ang daming dapat ihanda. Minsan naiisip kong tumigil na lang sa pag-function as a leader pero hindi ko yun magagawa kahit kailan dahil naging masaya ako dito. Oo, nakakapagod, sobra, pero doble naman ang kasiyahang hatid ng ngiti ng mga estudyanteng natutulungan mo sa bawat araw. “Raven!” Mataginting ang boses na sigaw ko kay Raven mula dito sa kwarto ko. Nasa kwarto kasi siya ngayon, baka nag-iinternet na naman. Wala na talagang ibang ginawa yung lalaking yun dito sa bahay kundi ang mag computer. Bawing-bawi nga ako sa kagwapuhan at kakisigan niya, luging-lugi naman sa pagkababaero at pagkatamad niya! “Tsss. Ano?” Masungit na sigaw niya mula sa loob ng kanyang kwarto. Aba, ang sungit nito ngayon, ah? I mean, di naman siya laging nagsusungit. Pagngisi kasi ang kadalasan niyang ekspresyon sa mukha. Marami kasing kalokohan sa buhay! Kaya nakapagtataka na ang suplado niya ngayon. Hindi ko na lang siya sinagot dahilan upang sumigaw siya ulit. “Hoy, ano nga Avery? Istorbo ka masyado!” Ay, ang sungit niya. “Pumunta ka dito sa kwarto ko, bilis!” Sigaw ko sa kanya. Alipin! Natahimik bigla sa kabilang kwarto. Walang Raven na sumagot. Naningkit ang mga mata ko. Bwisit, tinulugan ba ako nun?! “Raven!” Ulit ko. Kainis 'tong lalaking 'to. Di ko man lang ba ito mauutusan?! Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagpihit niya sa pintuan ng kwarto ko at doon inilabas si Raven na naka-boxers lang at naka-sando ng puti. Napalunok ako. Kitang-kita ko ang braso niya. Medyo basa pa ang buhok ni Raven. Kanina pa siguro iyon naligo kasi medyo umuuga na. Kaya hindi ito ang sanhi kung bakit siya natagalan. “Ba't ang tagal mo?! Hindi mo ba alam na masamang pinaghihintay si Prinsesa Avery?” Halos matawa na ako sa sariling kalokohan ngunit pinanatili ko na lang seryoso ang aking mukha at tinaasan siya ng kilay. Napataas ang kilay niya sabay halukipkip. “What?” Medyo lumapit siya sa kama ko. Napaatras naman ako kahit medyo malayo pa siya sa akin. “Ano ba ang mga kayang gawin ng isang naiinip na prinsesa? Oh. On the second thought, hindi ka naman mukhang prinsesa ah?” Nakataas kilay pa rin siya habang sinasabi ito. “Duh. Don't care.” Inirapan ko siya. “Pero marami akong kayang gawin kapag ginagalit!” Nakasigaw na sabi ko. Napalunok ako sa kung gaano ka-intense ang titig niya. Yung parang tinitignan niya pati kaluluwa ko. Kumalabog ang puso ko habang nakatingin rin sa kanya. I gulped. Why is it that he's this good looking? Nakakainis! Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili kong mapatili. Urggh, ang gwapo ng lalaking ito! Nakakabwisit na ganito siya ka-gwapo. Naka-lip bite pa siya. Mas lumapit pa siya sa akin at ako naman ay unti-unting umaatras. “Like what, Avery?” His voice was husky. Yung tono ng boses niya nakaka--!!!!!!! Goodness, it's too sensual. His voice is too sensual. Tumayo na lang ako sa kama ko at kunwari kukunin ang MacBook. Err, ang totoo nyan, naasiwa ako sa presensya niya! I don't know what's happening with me. “Basta! Ah.. I don't know!” Shet. Tumikhim ako. “Anyway, may iuutos lang sana ako, Rave. Tungkol ito sa—“ “Ayoko.” Agad na sabi niya habang umiiling pang nakaupo sa kama ko! Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita, umayaw agad. Bwisit to ah. Hinarap ko siya nang naniningkit ang mga mata. “Anong sinabi mo?!” Nakataas pang kilay na tanong ko. Bwisit 'to! Minsan nga lang ako mag-utos sa kanya, tatanggihan pa. Walang hiya. “I told you, I won't help you.” Cool na cool lang siya habang sinasabi ito samantalang ako, halos mag-alburoto na sa inis! Kumag ka talaga, Raven Lim! “What? It's just a simple work to do, Lim! Why won't you help me?!” Napalapit na talaga ako sa kinauupuan niya kasi right now, gustong-gusto ko ng pagsasapakin ang 'sang 'to! Nakakairita. Sa mga babae niya, nakapaglalaan siya ng oras makipaglandian, pero kapag ako kaunting favor lang, wala siyang time?! Eh kung sinasapak ko kaya siya?! Sa halip na ngumisi siya ay tinaasan niya lang uli ako ng kilay tsaka nagsalita nang madiin. “Ah, that's just simple?” Nakaigting ang bagang niya habang binibigkas ito. “Kung kay Christian ka na lang kaya magpatulong?” Nagulat ako sa biglaang pagkasabi niya sa akin nito. Raven's not vocal. But how come nasabi niya yon? “Ha?” Nilapitan ko siya. “Bakit ba napunta ang usapang ito kay Christian? Hibang ka ba? Tungkol ito sa ipapa-type ko sana sa'yo!” Pagalit na sabi ko habang tinititigan ang kanyang mga matang nakatingin pabalik sa akin. Umiwas ako ng tingin. Bigla ba naman kasing bumilis ang t***k ng puso ko. At parang alam ko na kung bakit. Nakita ko ring umiwas siya ng tingin at kinagat niya ang kanyang labi. Jizz— Why can a man be so hot like this?! “W-wala!” Sigaw niya. Bakit ba sigaw nang sigaw 'to? Para naman tong laging galit. “Ang sinasabi ko lang, may asawa ka na, di ka na single, Avery! Kaya wag ka ng magpapalapit sa kung sinu-sinong lalaki dyan.” Seryosong utas niya. Anong connect nito sa ipapagawa ko sa kanya? This time, ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya sa kabila ng naghuhurumentado kong puso. “Excuse me, hindi lang kung sinu-sinong lalaki si Christian, no! Kaibigan mo siya!” I glared at him. “At tingnan mo nga naman,” Sarkastiko akong tumawa. “Bakit? Sino ba sa atin ang may babae, kumag ka! Diba ikaw?!” "Pwede ba Avery, hindi ako ang pinag-uusapan natin dito. Ikaw!” “So ganun?! Pag ikaw nambabae, okay lang. Pag ako manlalalaki, di pwede?!”Napasinghap ako. “Ang unfair mo naman ata! Moderno na ang mga panahon ngayon at kaming mga babae, di na kami yung tipong sunud-sunuran na sa mga walangyang lalaki sa mundong ito! At uulitin ko,” I glared at him, “Wala akong nilalapitang lalaki. Sila ang lumalapit sa akin!" Bigla siyang tumayo at kinuha ang Mac na hawak-hawak ko. “Sinasabi na nga ba.. Okay, fine.” Nagulat ako sa biglaang pagsuko niya. Masyadong guilty? “Gagawin ko ang lahat ng ito...” Tumigil muna siya at timitig sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Fudge. Di ko kayang makipagtitigan sa lalaking na 'to. “...sa isang kondisyon.” Kunwari iniirapan ko siya at inis na inis ako sa mga pakulo niya pero ang totoo, halos di na ko makahinga sa sobrang lapit namin! “ANO?!” Sigaw ko. Ang init... Seryoso niya akong tinitigan na para bang minimemorya niya ang bawat detalye ng mukha ko. “Wag kang magpapaligaw sa kahit sinong lalaki sa school.” Hinawakan niya ang kamay ko. Ang lakas-lakas na rin ng pintig ng puso ko na halos di na ko makahinga. “Naiintindihan mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD