Avery’s POV
“Huh? Bakit ka naman matutuwa kung ganun,” I said while eating my baked mac. Medyo lumayo na ako sa kanya para naman makakain.
“Dapat nga eh tulungan mo kung sino man ‘yan. Mahirap kaya yun no!” Dagdag ko pa while pointing him using my fork. No manners ba? Hehe. Ice lang ‘yan kay Christian.
“Do you think it’s better if I’ll help him?” Christian said while smiling— meaningfully. What’s with him ba ngayon? Parang may pinaplano eh.
“Ah! O–oo.” Napakamot ako ng ulo ko. “Teka nga, sino ba ‘yang tinutukoy mo?” Gulo niya.
“Sec–ret.” He replied in a sing-song voice. Nakangisi na naman siya. “Oh! Let’s invite Boss Raven here in our table. Pansin ko siya lang mag–isa kasi dun.” He said then pointed Raven who was still eating his, well, baked mac. Same kasi kami ng favorite food. I smiled at the thought of it. May pinagkakasunduan rin naman kami ng asawa ko.
“Okay.” I said plainly as if my heart is not throbbing to death! Hindi na nga ako halos makahinga just by the mere thought na magkakasama kami sa iisang table dito sa school. You know hindi naman kami “ganun” ka magkakilala dito sa school.
Christian smiled at me then he stood up to approach Raven. I sighed. Sana pumayag siya.
Tinapik niya ang balikat ni Raven at ito namang si Raven tumango lang without even smiling. Palibhasa precious ang smile n’yan. Psh.
Itinuro ni Christian ang table namin at agad nagtama ang mga mata namin ni Raven. Akala ko di siya papayag but I was surprised when he stood up, carried effortlessly his things, and the next thing I knew he’s now walking towards the table we’re in! Oh goodness.
“Hey, Av. Here’s Raven. Diba magkakilala na kayo?” Christian said while still wearing his “meaningful” smile. Kainis na ‘to ha. Kanina pa ‘to eh.
“Uh yeah.” Tipid na sagot ko na hindi man lang siya tinitignan. Kumakain lang ako kahit wala naman na talaga akong gana.
Tumikhim si Christian at nagulat ako nang tumabi siya sa akin! Patay ako nito. Naalala ko pa kasi ‘yung sinabi ni Raven sa akin na ‘wag daw ako magpapaligaw sa kahit na sino, lalo na kay Christian. Eh baka ma–misinterpret ‘to ni Raven.
I quickly looked at him to say na wala lang ‘to but he just stared at me without any expression shown.
“Boss may itatanong sana ko eh.” Sabi ni Christian na napakamot pa sa kanyang ulo. Raven and I looked questioningly at him.
“What?” Kalmado pero in a suplado way ‘yun sinabi ni Raven. Bossy tsaka snob talaga ‘to!
Christian smiled at me before answering Raven. He winked too! Wait. Parang alam ko na ‘to ah?!
“Uh. I would like to ask if okay lang ba ligawan si Avery.” The hell with this man?! What is he doing?! He shyly smiled na ikinataas naman ng kilay ni Raven. Damn. “Coz’ you know, expert ka na sa pagkilatis ng mga girls. I’d like to ask your opinion about Avery. Mas maganda kasi kung nandito si Avery para marinig niyang gusto ko sana siyang ligawan.”
Sasapakin ko talaga sana ‘to si Christian kung wala lang talagang tao dito sa Canteen. Worse, nasa harap pa talaga si Raven! Si Raven Lim na asawa ko!
Matagal bago nakasagot si Raven at kinakabahan rin ako sa sagot niya. Baka ipamigay ako nito eh! Kutusan ko ‘to pag nagkataon. I mean, okay lang naman si Christian but diba nga, may asawa na ako. Tsaka honestly speaking mas nakasanayan ko na ang attitude ni Raven kaya I’ll choose him kung papipiliin ako sa dalawa. We waited for Raven to answer. Pa–suspense ha! He sighed.
“You can’t have her.” Mahinahon pero may diin na sabi ni Raven na nagpatalon sa puso ko nang bongga. Sasabihin niya na ba na hindi pwede dahil kasal na ako sa kanya? Nagiging possessive na ba siya? Oh my—
“Masyado siyang maliit, cute lang ang ilong niya hindi matangos, ‘yung buhok niya at buhok mo di bagay pag nagsama, wala siyang dibdib flat–chested pa. She’s not a good catch. Kaya maghanap ka na lang ng iba.” Raven said in a bored tone.
ASDFGHJKL!!!!!!!
What the! Bwisit siya ah! Bwisit! Masyadong maliit? Eh ilang pulgada lang ang liniit ko sa kanila na 6’0 something nga sila eh! Yung ilong ko matangos pero maliit nga lang! Ang ganda din kaya ng blonde na buhok ko! Tsaka what the freak, ako flat–chested!? Hibang ba siya?! Ipameasure ko pa ‘to sa kanya!
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at nakita ko ang lihim na pagpipigil niya ng ngiti sa reaksyon ko. Marami akong gustong sabihin at ibanat pabalik pero parang nawalan ako ng lakas na makapagsalita! WALA SIYANG HIYA!
“Oy.” Christian butt-in. Smiling. “Boss talaga oh! Ang ganda kaya ni Avery. Tsaka di naman siya flat–chested ah—”
“Shut the f**k up, Christian. ‘Wag na ‘wag mong subukang tingnan ‘yan.” Raven said with a dark aura. Kung kanina lihim pa siyang ngumingisi, the moment Christian mentioned about that flat–chest, nagbago bigla ang timpla niya. Hindi naman tiningnan ni Christian ah? I covered my chest part. Mahirap na.
“Haha. Of course not, Boss!” He said while still laughing pero dark pa rin ang aura ng kausap niya. The fudge. “Ohh. Seems like ayaw ni Boss na ligawan kita Avery.” He said while winking at me. He turned to face Raven. “Mind if I ask you something, Boss Raven?”
“Again?” Parang naiirita na si Raven. Lol. Why so hot? I mean, why so hot–tempered? “What’s it this time?”
“Ano ba si Avery sa’yo?” Christian said and my eyes grew wide!
Lumunok muna si Raven bago nagsalita...