“To hell with that.” Napatingin ako sa kanya, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin na para bang ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ko. “Seryoso ako kuya Gun. Hindi lang kita ni-reject agad dahil ayokong masaktan ang damdamin mo, pero ayoko namang paasahin ka ng matagal kaya sinabi ko na sa 'yo ngayon,” dire diretsong sabi ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sa akin gawin nito. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya gusto, alam kong hindi ko gusto si kuya Gun. Gusto ko lang siyang maging kapatid kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? “I told you, we'll take things slow. I won't force you to love me back right now. I'll work for it, paghihirapan ko para mahalin mo 'ko. H-hindi ko naman sinabi na ngayon agad, maghihintay naman ako,” sabi n