Eliza's POV
Dinala niya ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, ito ang kauna-unahang lumabas ako ng aming mansion kaya't wala akong alam rito sa labas, I don't even know how to live outside.
Bago kami makapasok sa loob ay nabasa ko ang nasa itaas, "Madrigal's Five star hotel" ano iyon?
Marunong akong magbasa pero ano ang hotel? I've never been with that kind of place this is my first time.
Dire-diretso lamang kaming naglakad na para bang siya ang boss sa lugar na ito kaya naman tumahimik na lamang ako baka mamaya kung ano pa magawa or masabi kong hindi maganda.
Nagniningning na parang crystal ang mga mata ko habang nakapalibot ang tingin sa paligid, sobrang ganda kase rito, parang sa mansion lang namin kaso sa mansion namin ay medyo old style, dito kase parang modern na.
Nalampasan namin ang malaking chandelier ngunit kahit na nakalampas kami ay napako roon ang atensiyon ko, kaya napatigil pa ako.
Kaya naman napatigil sa paglalakad ang lalaking kasama ko.
Ryle's POV
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla siyang tumigil mabilis akong napalingon sa kaniyang direksiyon. napatitig ako sa kaniya, she was amazed with something, kaya naman ay mabilis kong sinundan ng tingin kung ano ang tinititigan niya.
Hindi ko napigilan ang mapatawa ng bahagya ng makita ko kung ano ang tinititigan niya, a chandelier.
Nakasabit kas siya dito sa reception area, kakalampas lang namin pero heto siya at titig na titig at manghang-mangha sa chandelier na iyan.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako or matatawa sa kaniya, it's obvious that it's her first time seeing like that.
"Wow, I've never seen such an elegant chandelier! sa mansion naman namin maganda rin kaso makaluma 'yung style." mahina niyang sambit ngunit hindi iyon nakatakas sa aking pandinig.
'Mansion?' wala sa sarili kong tanong.
So she's rich? napatitig ako mula paa hanggang ulo, makinis ang balat at maputi, halatang alaga siya.
Hindi ko napigilan ang mapangiti, bakit ba hindi iyon pumasok sa isip ko? sa ganda niyang 'to?
Napailing na lamang ako, for the first time. Nagdala ako ng babae sa hotel hindi para makipag-s*x, I can't take advantage of her innocence judging by her reaction, wala siyang kaalam-alam sa dahilan kung bakit ko siya dinala dito.
Nawala tuloy ang libog ko ng wala sa oras.
Nabalik ako sa wisyo ng bigla siyang humarap sa akin, napatulala ako. ang ganda niya kaseng pagmasdan, ngayon lang ako nakakita ng genuine smile, lahat kase ng nasa paligid ko ay mapagpanggap, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko naman na totoo ang mga ngiti niya.
"Let's go na!" masaya niyang sambit, halata mong sabik na sabik siya.
Muntik na akong mapatanong ng,' Saan?' sandali akong nawala sa aking sarili.
"Oh, right. let's go." wala sa sarili kong sambit.
Mabilis siyang kumuyapit sa aking braso, ito ang unang pagkaaktaon na may gumanon sa akin, medyo na-awkward-an ako ngunit hindi ko pinahalata sa kaniya.
Halos siya na ang nangunguna sa paglalakad sa amin, habang ako ay parang tanga na nakatulala sa kaniya.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito na lamangg ako umakto ngayong kasama ko siya, bakit nga ba parang nawawala ako sa sarili ko ngayon?
"Saan ba tayo pupunta?" cute niyang sambit.
Sandali akong napailing ng paulit-ulit,kingina ano bang nangyayari sa akin? Ng hindi ako sumagot ay nilingon niya ako, kaya naman natauhan ako.
"Ayos ka lang ba? namumula ka kase e..." mahina niyang sambit.
Sunod-sunod akong napalunok ng sarili kong laway.
'f**k, Ryle Ivan Madrigal! What the s**t is happening with you?' tanong ko sa sarili ko.
'Pull your f*****g shits together! Damn it! nakakahiya ka!'
Mariin akong napapikit kasabay ng pagbuntong hininga ko ng malalim.
Matapos iyon ay mabilis akong napadilat ng aking mga mata kasabay ng paglagay ko ng kamay niya sa kamay ko, mabili ko iyong pinagsiklop at nagpamauna sa paglalakad, sa pagkakataong ito ay siya naman ang namula, napangisi ako.
Hindi ko na lamang iyon pinansin.
___________
"Wow! ang ganda naman rito!" masayang sambit niya.
Hindi ko rin alam kung bakit may ganto-ganto pa akong nalalaman e, hindi ko rin maipaliwanag kung anong nagtulak sa akin para gawin ito.
Nagpaayos kase ako ng dinner table dito sa rooftop, pinaayos ko na din. and now here we are, at gaya ng kanina tay manghang-mangha siya sa ganda ng pagkakaayos rito.
Hindi ko napigilan muli ang sarili ko, She looks cute while she was mesmerized with something, lalo na kapag ako ang may dahilan. kakaiba sa pakiramdam.
I barely know her, Ngayong gabi ko lang siya nakilala pero bakit ganito? I feel attracted to her, Why is that? maybe she looks cute, yeah that's all. she just look cute kaya ako nagkakaganito.
"Ang ganda naman ritom ikaw ba nagpagawa nito?" manghang-mangha niya pa ring sambit, wala sa sariling napatikhim ako kasabay ng muli kong paglagok sa aking wine.
Inubos ko iyon at walang tinira.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin, kaya naman wala sa sariling napatitig rin ako sa kaniya. ang ganda ng mata niya, light brown.
Napangiti siya ngunit ako ay nakatulala lamang sa kaniya, sa hindi ko inaasahan ay mabilis niya akong niyakap, tumingkayad pa siya kasabay ng pagyakap niya sa akin sa leeg.
Natuod ako sa kinatatayuan ko, hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.
"Salamat ha? alam kong hindi mo naman ako kilala pero salamat at dinala mo ako sa magandang lugar gaya nito, medyo gumaan ang pakiramdam ko." mahinahon niyang sambit.
Wala akong magawa kung hindi ang nakatayo lamang na parang tanga.
Nasa ganoong posisyon kami ng biglang umakyat ang mga waitress at waiter na may dalang iba't ibang pagkain kaya naman ay sinenyasan ko sila ng palihim na umalis na muna.
Buti naman at nakuha nila ang ibig kong sabihin, dahil kung hindi, alam nila kung ano ang kalalagyan nila.
Nagulat ako ng bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin kasabay ng pagngiti niyang muli sa akin.
Napapatulala ako sa ganda niya, hindi naman siya 'yung pinaka magagandang babae na nakasama ko pero bakit parang gandang ganda ako sa kaniya? maybe she's genuine girl kaya siguro ako nagkakaganito sa kaniya.
tumabi siya ng tayo sa akin, napansin ko lang na nakatitig siya sa bote ng wine na nasa gilid ko.
"Do you want to taste some?" pag-aalok ko sa kaniya.
Sunod-sunod naman siyang napatango, masasabi kong para siyang bata or natural lang talaga sa kaniya na ganon kung kumilos? well, wala namang problema bagay naman sa kaniya, in fact she looks cute while acting like that.
Kinuha ko ang isang baso na nakataob sa gilid saka iyon sinalinan ng wine, kita ko pa sa gilid ng mata ko kung paano siya matakam, pfft! napangisi na lamang ako.
Dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang baso na may lamang kalahati, mahirap na baka malasing siya, hindi ko pa naman siya kilala at baka rin kung ano magawa ko sa kaniya.
Wala siyang sinayang na sandali kasabay ng paglagok niya sa wine, kita ko pa kung paano mangasim ang mukha niya haha, maasim kase ito na may pagkatamis ng kaunti. it's a pure grapes with a little bit of honey.
"Hmm! ang sarap pala, ngayon lang ako nakatikim niyan." sabi niya.
Bigla akong na-curious sa kaniya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.
"Bakit naman?"
"Ayaw kase ni mommy e,"
"Mommy?"
"Yeah, mahigpit masiyado sa akin si Mommy, madaming bawal which is irritate me the most!" may bahid ng pagkainis na sambit niya.
Pfft, even now she still looks cute for me.
"Sila lang ni Daddy ang nakikita kong umiinom niyan e, bata pa lang ako curious na ako kung anong lasa ng wine, ganito pala." muling sambit niya.
Napangiti na lamang ako at tumahimik,alam kong magpapatuloy iyan sa pagkukuwento, halata naman kase sa kaniya na madaldal siya.
"At ngayon na natikman ko na, pakiramdam ko isa itong biggest achievement sa akin!" proud niya pang sambit.
Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahalakhak, sa tagal ng panahon na hindi ako nakakatawa, masarap pala sa pakiramdam na tumawa ng bukal sa puso.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako natatawa, sa totoo lang wala namang nakakatuwa sa sinabi niya e, the way kung paano siya magkuwento, doon ako mas natatawa hahaha!
Sandali akong nawala sa sarili ko at nang mapagtanto ko kung anong ginawa ko ay napatigil ako bigla at napatikhim ng wala sa oras.
"Akala ko talaga hindi ka marunong tumawa, pero ngayon na nakikita kong natawa ka hindi ka na si bugnutin,"
"Huh?" wala sa sarili kong tanong.
"Wala hehe nevermind," pag-iiba niya ng topic.
Napailing na lamang ako.
Ngunit nawala ang pagkakangiti ko ng bigla siyang matahimik at mapatitig sa kalawakan ng kalangitan, wala sa sariling napatitig in ako doon.
"Napakaganda talaga ng kalangitan ano?" sambit niya habang nakatitig pa rin sa itaas at walang kurap pa rin na nakatitig sa kalangitan.
"Yeah," sang-ayon ko sa kaniya.
"Sa kuwarto ko lang napagmamasdan ng ganito ang maraming star sa langit, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinitignan ko sila na wala ako sa mansion namin." matamlay niyang sambit.
"It feels good though, bagaman na pareho lamang ang nakikita ko ngunit magkaiba ang pakiramdam, pakiramdam ko kase na may mabigat sa kung ano sa akin nung nasa mansion ako, ngunit ngayong nasa labas ako ay sobrang gaan sa pakiramdam ngunit kaakibat niyon ay ang takot." sambit pa niya.
Nakatitig lamang ako sa kaniya habang abala siya sa pagtitig sa kagandahan ng langit ngunit para sa akin ay mas maganda siyang titigan kaysa sa langit.
"All my life, I felt like I was a prisoner, hindi kase ako pinapayagan nila Mommy at Daddy na umalis e, kahit lumabas sa mansion namin bawal, well palagi akong natakas para maglaro noon kaso doon lang malapit sa park, kaso tumigil din ako nung nawalan ako ng kalaro, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakalayo ako sa amin."
"Bakit ka umalis sa inyo? Dahil ba sa hindi ka masaya?" tanong ko sa kaniya.
Sunod-sunod naman siyang napailing.
"Hindi naman, mahal ko ang magulang ko at alam kong may dahilan sila kung bakit nila ginagawa iyon sa akin, sa dalawampung taon na lumipas ng buhay ko, nagsunod sunuran ako sa kanila, I don't want to disobey them, kaya naman panay sunod lang ako. Kung lungkot ang dahilan kaya ako umalis sa amin, siguro bata pa lang ako umalis na ako sa bahay namin,"
Napatitig na lamang ako sa kaniya, kasabay ng pagkatapos niya ay ang pagharap niya sa akin, bahagya pa akong nagulat ng makita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya.
Pakiramdam ko tuloy ay gusto kong punasan ang luha nasa gilid ng mata niya.
Sandaling napaangat ang kamay ko ngunit agad ko ring ibinaba sa hindi ko malamang dahilan.
"My parents wanted me to marry someone who'm I don't even know..." sambit niya kasabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata niya.
" I don't want to get married yet, hindi ko pa nga nae-enjoy ang buhay ko mag-isa e, hindi pa ako handa magpakasal lalo na sa hindi ko pa kilala," sambit muli niya kasabay ng pagpunas niya sa luhang umalpas sa mata niya.
Mahigpit akong napakuyom, I wanted to wipe those tears away, kaso hindi ko alam kung paano.
"Siguro kahit naman ikaw ang nasa kalagayan ko, gagawin mo ang ginawa ko." sambit pa niya kasabay ng pagyuko niya.
Well I agree, hindi ako papayag na gawin sa akin iyon ng kahit na sino.
Wala sa sariling hinablot ni, wait ano nga ulit ang pangalan niya? I forget, hindi naman kase ako sanay na tandaan ang pangalan ng kahit siong babae.
Bago pa ako makapagtanong ay tinungga niya ang bote ng wine kaya naman gulat akong napatitig sa kaniya.
Napaawang ang labi ko sa gulat, this girl is unpredictable.
Bago pa niya maubos ang isang bote ay mabilis ko iyong sa kaniya.
Hinabol niya pa ang bote ngunit mabilis ko iyong itinago sa aking likuran.
Sandali siyang napatitig sa akin maya-maya ay napangiti siya.
Nagulat na lamang ako ng bigla siyang ngumiti ngunit mas nagulat ako ng matumba siya, mabuti na lamang at mabilis ko siya ng nahila palapit sa akin.
Walang malay siyang napahiga sa aking balikat, sandali akong natigilan. s**t, no I know what my problem is, my thing down there is getting hard now that she's on me.
Malalim akong napabuga ng hangin, mabilis ko siyang binuhat, nasalubong ko pa ang mga waiter, sinenyasan ko na lamang sila na ayusin iyon, this girl is drunk, hindi niya rin naman makikita pa ito.
I can't believe na sa ilang lagok ay nalasing agad siya.
Napailing na lamang ako ng sunod-sunod, tinahak ko ang daan papunta sa aking silid.
Nang makarating ay dahan-dahan ko siyang ibinaba sa higaan at inayos ang pakakahiga niya, sandali ko pang inalis ang sapatos niya. she's wearing an old style gown.
Para tuloy siyang prinsesa kung tignan, wala sa sariling napatitig ako sa kaniya, napunta sa kaniyang mapulang labi ang tingin ko at sa hindi malamang ay sunod-sunod akong napalunok ng sariling laway.
This was the first time I craved for something that I should't, This girl is different from any girl I've encountered, sa dami ng babaeng nakilala ko, siya lang ang namumukod tangi at siya pa lang ang kauna-unahang babae na pinatulog ko dito sa silid ko.
Sunod-sunod akong napailing kasabay ng mabilis kong pagpasok sa CR, dali-dali akong naghubad at nagbabad sa malamig na tubig, I need to cool myself down, nag-iinit ang buo kong katawan ko.
Simula kanina ng makasama ko ang babaeng estrangherong ito, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko, madaming bagay na rin akong nagawa sa kauna-unahang pagkakataon.
Na hindi man lang pumasok sa isipan kong magagawa ko, I felt goosebumps all over my body ny just thinking of it.
But the question is, What would I do with her?
To be Continued...
K.Y.