Chapter 19: Pagkaawa PAGKAUWI ni Hezekiah mula sa restaurant ay nakahanda na ang kanilang hapunan ni Jonito. As expected, nagulat ito nang makita kung ano ang kanyang dala. Nanlaki talaga ang mga mata ni Jonito. “Bakit isang buong lechon ang binili mo?” tanong nito at sinalubong siya para kunin ang isa pang dalang fried chicken. “Wala lang, trip ko lang na kumain ngayon ng lechon,” sagot niya at inilapag ang buong lechon sa mesa. “Grabe, paano natin ‘yan mauubos? Ang laki pa. Pwede namang tatlong kilo lang ang bilhin mo.” “Nabili ko na, e. At isa pa, hindi na ito pwedeng ibalik kasi pagkain ito hindi dry goods.” “Diyos ko, parang ako yata ang na-stress habang tinitingnan ang lechon na iyan. Iri-ref nalang natin iyan at ang mga tira ay gagawin nating lechon paksiw. Sayang din kung ma