Chapter 48: Agarang Desisyon SOBRANG bilis ng kanilang mga desisyon na nagawa nina Denzel at Hezekiah nang makausap nila sa Lauriate sa restaurant. Sinabi ng lalaki ang gusto nito na mangyari at pumayag naman ang kaibigan. Wala itong problema sa magiging trabaho na naman nito kasi nakasanayan na niya. At kanina nang malaman nilang sindikato ang nagpapanggap na investors ay naisip ni Lauraite na kailangan na muna nilang magpakalayo-layo upang maprotektahan ang kanilang mga sarili at ang image ng kompanya. Baka kasi madamay pa ito. “Nangangamba ako na baka sa Bohol ay susundan nila kayo? Paano kung desperado na ang mga iyon na makaganti?” nag-aalalang wika ni Lauriate habang nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanila. “Huwag kayong mag-aalala, maglalagay ako ng security sa bahay at mas dada