Chapter 12: Pagmamahal sa Sarili HALOS dalawang oras din silang nagbabad sa dagat nang kanilang mapagtanto na sobrang sarap nito. Hindi na minit ang araw at malamig na ito. Ngunit sa kanilang pag-ahon ay lahat sila nangingitim na. Ngunit bumagay pa rin sa kanila ang pagkakaroon ng morenong balat. Hindi na muna sila umuwi. Bagkus ay nagtungo sila sa restaurant ng beach. Sabay-sabay silang nag-order ng kani-kanilang pagkain. Pagkaraan ng ilang sandali ay sabay-sabay na silang kumain. Enjoy na enjoy sila sa kanilang ginagawa hanggang sa hindi na nila namamalayan ang oras. Kumakagat na ang dilim kung kaya't umuwi na sila. Pagdating sa malaking rest house ay nandoon na ang mama at papa ni Jonito. Nandoon na rin ang lahat ng kasambahay. Pansamantala ay doon na muna titira ang mga iro. Ngunit