Chapter 28

2035 Words

Mhelcah's POV Naglakad ako palabas sa gate. Lalampasan ko sana siya nang bigla niyang hiniklat ang braso ko at bumaon ang kuko niya. "Huwag mo akong lalampasan na lang." Galit na sabi ni Antonette sa akin. "Ano po bang kailangan niyo?" Tanong ko sa kanya. "Sabihin mo sa akin. Ikaw ba ang babaeng kinababaliwan ngayon ni Simon?" Matapang na tanong niya sa akin. "Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," sagot ko sa kanya. "Liar!" Sabay lagapak ng isa niyang palad sa pisngi ko. Napapikit na lang ako sa sakit. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagkamuhi niya sa akin. "Wala akong alam sa mga sinasabi niyo. Mas mabuti na si Sir ang tanungin niyo," malamig na sabi ko sa kanya. Hindi ko nais magsinungaling pero wala akong magawa. Hindi ko puwedeng ipagkalolo ang sarili ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD