Mhelcah's POV Kinilabutan ako sa uri ng ngisi na ibinigay niya sa akin. Pero hindi ako puwedeng magpatinag na lang sa kanya. Tinignan ko siya ng masama pero ngumiti lang ito sa akin ng nakakaloko. "Sigura—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako bigla sa labi. Hindi naman nagtagal ang halik at lumabas ito sa kwarto habang pasipol-sipol pa. Naiinis na talaga ako sa kanya. Ang lakas kasi ng tib*k ng puso ko. "Hoy! Puso tumigil ka nga!" Saway ko dito. Napadako ang tingin ko sa mga paperbag na sabi niya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa mga paperbags na nasa gilid. Paika-ika na naman akong maglakad. Iniisip ko kung paano ba ako papasok bukas, kung ganito pa rin ako. Napangiti ako dahil ang gaganda ng mga damit pero nahihiya akong isuot dahil alam kong mamaha