Mhelcah's POV "Baby," rinig kong tawag sa akin ni Simon kaya mabilis kong ipinasok sa loob ng bag ko ang envelope. "S-Sandali lang baby ha," sagot ko sa kanya. Mabilis kong pinunasan ng panyo ang mga mata ko. Inayos ko ang mga gamit ko at isinara ko na ang locker ko. Lumapit ako sa kanya ng may ngiti sa labi. "Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. Siguro ay nagtataka ito kung bakit ganito ang mga mata ko. "Okay lang ako baby, may pumasok lang na insekto kanina." Sagot ko sa kanya. Hindi ko puwedeng sabibin sa kanya ang dahilan dahil masyado itong personal at hindi ko kayang balikan ang nakaraan. Ayaw ko rin na mag-alala siya sa akin. Pinipilit ko rin na kumilos nang normal sa harapan niya. Ayaw kong masira ang date namin ngayon gabi. Pero nagtataka ako kung sino ba ang naglagay ng