Mhelcah's POV Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Naiinip ako kahapon dahil gustong-gusto ko na talagang umuwi. Habang pauwi kami sa bahay hindi na maalis alis sa labi ko ang ngiti. Namamangha talaga ako sa bawat nadadaanan namin. Sobrang saya ko talaga dahil nakikita ko na ang mga tao sa paligid ko. Nakasakay kami sa kotse ni Doc. Sabi niya kasi ay idadaan niya kami sa bahay. Pauwi na rin kasi siya kaya isinabay na raw niya kami. Pero tumigil kami saglit sa isang malaking bahay, pero parang hindi rin. Kasi ang laki at ang taas nito. Siguro ito 'yung mall na sinasabi nila. "Inay, mall po ba iyan?" Tanong ko kay inay sabay turo doon. "Gusali iyan anak, diyan nagtatrabaho ang mga tao." Sagot niya sa akin. "Pasensiya na kayo ha. Daanan ko lang ang kuya ko kasi nasira ang sasakyan niya