Jhanelle's POV
Sa wakas ay isang linggo nalang ang pasok namin. Tiyak na malayo-layo ang mararating namin ng mga kabarkada ko ngayong darating na bakasyon. Gawain na kasi na mga kabarkada ko ang palaging nag o-out of town tuwing bakasyon. Saka, tama lang yun kasi ang hirap ng mga thesis na pinapagawa saamin. Nakakatuyot ng dugo. Kailangan mag relax-relax kami sa bakasyon namin ngayon, para naman kahit papaano eh, hindi puro hirap at pagod ang dinadanas namin.
Papalabas na ako ng school ng makita kong kompleto na sila sa sasakyan na van na dala ni Nel. Nag aya kasi si Joy na kumain sa labas.
Nang makapasok na ako sa loob ay naka kunot na ang noo ni Ada. Tiyak na pagagalitan na naman ako niyan at ang tagal ko. Napaka mainipin kasi niyang babaitang yan.
"Ang tagal mo haneloo!" Sambit ni ada. Haneloo ang palayaw ko na palaging tinatawag nila saakin.
"Eh, ang tagal magpalabas ng prof namin eh."
"Oh siya-siya, ayan kompleto na tayo. At hello, one week nalang, bakasyon na natin. Lets go na, pwede na nating pag usapan kung saan tayo pupunta ngayong bakasyon?" Hindi halatang excited si Joy. Napakahilig kasi nito sa mga out of town.
"Korek! Excited na akong mag relax. Saan nga ba ang punta natin ngayong bakasyon?" Pang saang ayon ni Nikki.
"I think, mag baguio tayo, then saka tayo tumuloy sa Sagada. Maganda daw dun." Ani ni Bethy.
"Hindi, sa baler tayo. Mas maganda dun." Sambit naman ni lester. Si lester ay isang half boy at half girl. Sa madaling salita ay binabae.
"Ay naku maganda yung may thrill. Gusto ko yung makakaramdam tayo ng takot. Sa tagaytay tayo," sambit naman ni Nel. Gaya din siya ni Lester na binabae.
"Gusto ko yang sinabi ni Nel. Maganda yung may thrill nga." Pang sasaang ayon ni Jessa.
"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Alam nyo naman na takot ako sa mga mumu na iyan! Hindi ako sasama pag ganyan!" Natawa nalang kami sa pag ka duwag ni nikki. Ganyan yan palagi. Napaka duwakang.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa baguio noong nakaraang bakasyon namin. Ang alam ko ay sa duwag lalo nag paparamdam ang mga ligaw na kaluluwa. Pero bakit pati akong matapang ay nadali nila. Nakarating kami sa baguio nun ng bandang mag aalas dyis na ng gabi. At dahil sa pagod kami sa biyahe ay agad agad na kaming nag hanap ng matutuluyan. Dahil sa madalian ay kahit pangit ang nakuha namin ay go, na kami dahil pagod nga. Pag dating namin sa bahay na kinuha namin nun, ay agad na kaming nag pahinga. Ilang saglit palang kaming nag papahinga ay tumili na si Nikki.
May humihila daw sa paa niya. Dahil sa pagod at wala kaming pake dahil antok na antok kami ay di na namin masyadong pinansin. Kakaidlip ko palang nang si Ada naman ang tumili. Tulad ng sabi ni Nikki, ganun din ang nangyari sa kanya. May humahatak din sa paa niya. Halos lahat kami nakaranas nun.
Lahat kami hinatak ang paa. Noon lang ako unang nakaranas ng mumu. Totoo pala. Ang sabi sabi kasi ay may namatay daw dun na babae. Ni rape daw at walang awang pinagsasakal hanggang sa malagutan ito ng hininga. Hanggang ngayon daw ay hindi matahimik ang kaluluwa niya.
"Hello, hanello! May problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Natigil na ako sa pag babalik ala ala ng sigawan ako ni Ada.
"Wala. Naalala ko lang yung sa baguio. Yung halos lahat tayo ay pinag laruan ng multo."
"Waahhhh! Pinaalala mo pa yun! Nakakatakot!" Umandar na naman si Nikki.
"Okay, final na ito. Doon tayo sa Vigan. Tiyak masisiyahan kayo doon dahil maraming pwedeng puntahan." Sambit ni Joy. Pag siya ang nag desisyon ay tiyak ay yun na ang masusunod. Bossy, kasi ito sa lahat ng tropa.
Sumang ayon naman ang lahat. At nang makarating kami sa kakainan namin ay walang ng usap usap. Kain kami kung kain. Pare-parehas kasing gutom na gutom.
Pag uwi sa bahay ay agad akong nag paalam kay Mommy. Gusto ko ng sabihin sa kanya para mapag handaan niya ang pag bigay ng pera saakin.
"Ang pretty pretty talaga ng Mommy Jasmin ko."
"Naku! Naku! Alam ko na iyang mga pakulong ganyan. Ano na naman? Anong hihingin mo?" Sambit niya at tinaasan ako ng kilay. Kahit kelan naman ay hindi ako nabibigo kay Mommy. Bibigyan at bibigyan niyan ako sa lahat ng gusto ko.
"Magbabakasyon po kasi kami ng mga kabarkada ko sa Vigan."
"Kelan ba ang alis nyo?"
"Next week po."
"Sige, sige. Kelan ba kita hindi pinayagan. Saka mag iingat kayo dun."
Sabi ko na nga ba eh. Kaya mahal na mahal ko iyan eh.
"Thank you, Mommy." Agad ko siyang niyakap. Naalala ko, kung nandito lang sana si papa ay di sana buo kami. Nasaan na kaya siya? Bakit kaya wala parin sinasabi saakin si Mommy na tungkol sa pagkawala niya.
"Naaala ko. Bakit ba wala parin tayong balita kay Papa? Patay na ba siya?"
"Jhanelle, ‘wag mo yung iniisip. ‘Wag mo na siyang pinapaalala. Baliw ang taong ‘yun. Baliw si Jamieson."
"Pero ‘diba magaling siyang doctor? Paano pong nabaliw?"
"Tama na! Tama na yung maling nagawa niya para sabihan ko siyang baliw. Hindi makatarungan ang ginawa niya kay Jaika." Nagtataka ako. Ngayon ko lang nakita na nagkaganto siya. Saka sino si Jaika? Saka ano yung maling nagawa ni Papa?
"Sinong Jaika?" Natataka kong tanong.
"Tama na, Jhanelle. Matulog na tayo at ayokong ma-strees. Matagal ko ng kinalimutan ‘yan. Ayoko ng maalala."
Hindi na ako nangulit. Pinabayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Nagulat kasi ako ng may luha siya sa kanyang mga mata. Baka mamaya pag pinagpatuloy ko ang pangungulit ay mapagbuhatan na ako ng kamay ni Mommy. Ayokong mangyari iyun.
Nang humiga ako sa aking kama ay iniisip isip ko parin yung mga napag usapan namin. Ano kaya iyung maling nagawa ni Papa Jamieson at ganun nalang ang galit ni Mommy. At saka sino nga ba si Jaika?