Chapter 2

1146 Words
Jhanelle's POV "Naipasa naba lahat ng thesis niyo? Sa mga nakapag pasa ay pwede na kayong lumabas." Sambit ng prof namin. Dahil sa nakapag pasa na ako ay lumabas na ako. Habang naglalakad ako ay napatigil ako dahil may tumawag saakin. "Jhanelle?" Pagtingin ko sa likuran ko ay si Aprille pala. Bestfriend ko dito sa School. "Oh, Aprille? Kamusta? Uy, malapit na bakasyon ah, anong plano mo? Baka gusto mong sumama saamin, pupunta kami sa Vigan." Mahaba kong sabi sa kanya. "Naku hindi bale nalang. Kaya nga ako lumapit sayo ay dahil may chika ako. Alam kong mahilig kayo sa out of town. May nabalitaan kasi akong magbabarkada na hindi na makita. Nawawala sila simula noong mag out of town sila. Siguro mag dadalawang buwan na daw. Nakakatakot! Ano kayang nangyari sa kanila? Saan kaya sila napunta? Kaya kayo best Hhanelle, mag iingat kayo sa pupuntahan nyo." "Salamat! Pero, teka, saan mo naman nabalitaan yan?" Nagtataka ako, napaka galing sasagap ng balita itong bestfriend ko. "Nabasa ko sa f*******:. Viral sila kasi may pinost yung isang babae na kasama sa nawawalang magkakabarkada. Nag post siya ng Picture. Duguan siya at ang sabi, tulungan nyo kami. Papatayin nila kami. Yung ang sabi at naku, yung magulang nung babae, iyak ng iyak ng makita yung picture ng anak niya." "Talaga? Katakot naman pala! Saan kaya sila napadpad? Sana naman makatakas sila at makaligtas." "Hoy, haneloo! Halika kana. Nakikipag chikahan kapa diyan, kanina pa kami naghihintay sa labas. Naiinis na naman sayo si Ada! Ang tagal mo daw…" Nagulat ako kay Joy. Sinundo na niya ako dito sa loob ng school ko. Diko pa nga pala nasasabi na magkakahiwalay kami ng school. “Nandyan na! Sorry!" Sambit ko kay Joy. "Sige na, best Aprille, mauna na kami. Saka nalang ulit tayo magchikahan Bye!" Pagdating namin sa loob ng van ay kinuwento ko sa kanila yung sinabi ni Aprille. "Kaya pala ang tagal tagal mo, nakipag chikahan kapa." Sambit ni Ada. "Naku, haneloo, hindi yan totoo. Mga nagpapasikat lang iyan sa Facebook." Sambit ni Bethy. "Sa bagay. May gumagawa nga ng kwento para mag Viral. Mga echusera talaga!" Natatawang sabi ni Nikki. Sabi lang niya yan, pero natatakot na yan. "Ay guys, nasabihan ko na parents ko. Pinayagan na nila ako." Masayang sambit ni Lester. "Ako din, pinayagan na nila." Sambit ni Jessa. "Ako din pinayagan na ni Mommy," sambit ko sa kanila. "Eh, ang papa mo, pinayagan ka din ba?" Tanong ni Ada. "Ano kaba, Ada. ‘Diba matagal ng wala ang Papa ni Jhanelle. Ay sabagay, bago ka lang sa tropa. Hindi mo nga pala alam." Sambit ni Joy. "Ay ganun ba? Eh, nasaan siya? Patay na ba? Sorry, Jhanelle," sambit ni Ada. "Hindi ko alam. Hindi pa siya patay. Hindi sinasabi ni Mommy kung nasaan siya at kung bakit kinamumuhian siya ni Mommy. Ang sabi niya lang. Baliw daw ang Papa ko." "Baliw? ‘Diba magaling na doctor ‘yun?" Tanong ni Bethy. "Oo nga eh, kaya nga nagtataka ako. Simula kasi nung mag grade 5 ako ay nawala na siya. Umuwi ako sa bahay ng wala na si Papa. Araw-araw ko nga siya hinahanap simula nun eh, pero dahil sa tumagal ng tumagal ay nasanay nalang din akong wala na siya. Saka isa pa, ayaw na ni Mommy na pinag uusapan siya." Dahil sa kinuwento ko ay niyakap ako ni Nikki. Naawa ata siya saakin. "Okay lang iyan, hanelloo, makikita mo din Papa mo." Lahat sila nalungkot sa kinuwento ko. Pag uwi ko sa bahay ay si Papa parin ang nasa isip ko. Napakadami kong tanong na gusto kong masagot ni Mami. "Jhanelle, gusto mo ba ng tinola? Magluluto ako, ‘diba favorite mo yun?" Sambit ni Mommy ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Ito na ang pagkakataon ko, para kausapin si Mommy. "Mommy, gusto ko po kitang maka usap." "For what, Jhanelle?" "Mommy, sorry pero, marami akong tanong tungkol kay Papa." "Jhanelle, tumigil kana!" "Pero, Mommy! Nasaan si Papa? Anong kasalanan ang ginawa niya at galit na galit ka sa kanya?" First time na sigawan ko ni Mommy. "Kelan mo pa natutunan yang pagsigaw mo saakin? Tumigil kana. Patay na ang papa mo, tapos!" Matapos nun ay lumabas na siya. "Patay na si Papa? Totoo ba ang nadinig ko? Patay na siya?" Bulong ko. Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Sana nagsisinungaling lang siya. Sana hindi totoo ang sinabi niya. Lumabas ako ng kwarto. Sinundan ko si Mommy. "Mommy, sabihin mo, nagloloko kalang. Hindi patay si Papa!" Nagulat ako sa ginawa ni Mommy. Humarap siya saakin at saka ako sinampal. "Tama na, Jhanelle!" "P-pero bakit? Bakit siya namatay?" "Ako na nagdesisyon na patay na siya kahit ang totoo ay buhay pa siya. Pinagtulos ko na siya ng kandila. Kadimonyohan ang ginawa niya, kaya matagal ko na siyang kinamumuhian." "Bakit kasi hindi nyo po kasi sabihin saakin ang dahilan para maintindihan ko kayo." "Pumatay siya ng tao. ‘Yun ang dahilan. So ano, okay na ba?" "Pumatay siya? Sino po? Sino ang pinatay niya?" "Jhanelle, please! Tama na. Ayoko ng pag usapan pa iyan. Parang awa mo na." Sa sinabi ni Mommy ay tumigil na ako. Umiiyak na siya. Ayokong nakikita na umiiyak ang Mommy ko. "Sorry po Mommy, kung nasigawan kita." Lumapit ako sa kanya at saka ko siya niyakap. Kahit papaano ay may nasagot naman si Mommy ang mga tanong ko. Pero hindi parin iyun sapat. Ako na ang bahalang tumuklas sa iba ko pang mga katanungan. Ayoko ng kulitin si Mommy, dahil ayokong mag away na naman kami. Ayokong umiiyak ang Mommy ko. Mahal na mahal ko iyan. "Anak, nabalitaan mo ba yung nawawalang mag kakabarkada?" Nagulat ako, nabalitaan nadin pala niya. "Opo, bakit po?" Bago sumagot si Mommy ay hinalo na niya muna ang niluluto niyang tinola. "Sana mali ako sa hinala ko." Sambit ni Mommy na pinagtataka ko. "Na ano po?" Tanong ko. "Sana tumigil na siya sa kadimonyohan niya." Anong bang sinasabi ni Mommy? Naguguluhan ako. Lumapit ako sa kanya. "Anong pong ibig niyong sabibin?" Tanong ko ulit. "Na sana hindi yun kagagawan ni Jamieson. Na sana hindi na siya pumapatay ng mga babaeng dalaga." "What?!!!" "Anak, kahit sa kadugo niya, hindi siya nagdadalawang isip na pumatay." Naiyak na naman si Mommy. ‘Wag niyang sabihin na may pinatay na si Papa na kamag anak namin. "Grabe naman po pala si Papa." Sambit ko. "Oo. ‘Yun ang dahilan kung bakit ko siya kinamumuhian. ‘Yun ay dahil, kahit mismo anak niya ay pinatay niya. Pinatay niya ang Ate mo, jhanelle!" Humagulgol na ulit ng iyak si Mommy. Nag iiyak nasiya kaya pati ako ay naiyak narin. Nagulat ako sa natuklasan ko. Ngayon alam ko na kung bakit, ganun ganun nalang ang galit ni Mommy. Pinatay niya ang ate ko? Walang akong alam na may ate pala ako? May kapatid pa pala akong babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD