Chapter 21

995 Words
LIA'S POV Halos nahilo na kami kakasayaw nila Leslie, Maureen, Nel at pati narin si Jamaica. Nakainom kasi kami. May coocktails to go kasi dito. Kaso bawat student apat na beses lang ang pwedeng uminom. Mayamaya ay biglang nag ring yung phone ko. Kaya naman pumunta muna ako ng banyo kasi malakas ang tunog nung sound system dito. Nang sagutin ko yung phone ay si Mommy pala yung tumatawag. "Hello po?" "Aalis na kami ng daddy mo. Pupunta na kami sa baguio. Yung allowance mong pang one week ay inilagay ko nalang sa table mo, naka sobre ‘yun. Dinagdagan ko narin yun para may pang gastos kapa." "Ganun po ba Mommy?Sige, ingat po kayo sa biyahe. Saka Mommy, mag uwi po kayo ng ube, strawberry at saka pili nuts narin ha? I love you..." Bumalik narin ako kina Leslie pag katapos ng pag uusap namin ni Mommy. "Anubayan, hindi ko na ba makikita si Exequiel?" pag mamaktol ni Jamaica. Natutuwa ako dahil medyo ka close na talaga ni Jamaica ang mga friends ko. Mayamaya bigla akong nauhaw kaya naman uminom ako ng tubig. Habang umiinom ako ay biglang nalang nalaglag ko yung baso at itoy nabasag. Kasabay nang pag bagsak ng baso ay ang bigla akong kinabahan. Inabot kami ng hanggang 10pm. Kaya naman nang makaramdam kami nang antok ay nagpasya na kaming mag uwian na. Nag pa sundo na kami ni Jamaica. Ngayon naman ay driver ni Jamaica ang susundo saamin. Yung kotse ko ay ginamit ni Mommy at Daddy. Habang nasa kotse kami ni Jamaica ay hindi talaga ako mapalagay kaya naman sinabi ko na kay Jamaica ang nararamdaman ko. "Alam mo kinakabahan ako Jamaica. Hindi ko alam kung bakit?" "Bakit naman? Baka hindi kalang maka move on kay Exequiel kanina hahaha! Anyway, thank you! Ate lia at nakita ko si Exequiel Monteverde. Ang gwapo gwapo nya talaga sa personal.” Makaraan ang ilang oras ay nakauwi narin kami sa bahay. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko yung emvelope na may lamang pera. ‘Yun na allowance ko ng isang linggo. Madali akong nakatulog dahil medyo nahihilo ako sa nainom kong alak kanina. Pag ka gising ko kinabuksan ay agad sina Mommy at Papa ang nasa isip ko kaya naman naisipan kong i text si Mommy. Nagmessage ako sa kanya pero nagtataka ako na hindi manlang siya nagreply. Nang matapos akong mag almusal ay wala parin akong natatanggap na reply kay Mommy. Nakaramdam ako nang boring, kaya habang hinihintay ko ang sagot ni mommy ay binuksan ko yung tv. Habang nanunuod ako ng Tv ay biglang may news report na lumabas. "Ito na po ang nag babagang balita sa oras na ito. Isa pong kotse ang naaksidenteng nahulog sa bangin sa may baguio." Bigla akong napatayo sa narinig ko. "Malalim ang pagkahulog ng kotse kaya imposibleng mabuhay pa ang mga nakasay doon. Ang sabi sabi pa nang ilang tao doon ay bandang alas dose ng gabi naganap ang aksidente." dugtong pang sabi ng reporter. Bigla na akong kinutuban sa sinasabi ng reporter. "At ang ilan pang sabi sabi ng mga residenteng nakakita sa pangyayari ay kulay violet ang sasakyang iyon. Pagbagsak daw ng kotse sa bangin nun ay bigla daw itong nagliyab at sumabog!" sa huling sinabi ng reporter nayun ay hindi ko na napigilan ang pag tulo nang aking mga luha. Nag sisigaw na ako sa aking kinatatayuan na halos mag lupasay sa kakaiyak. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Jamaica. "Jamaica, baka sina mommmy yung naaksidente!" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. "Uminahon ka! Hindi pa tayo sigurado Ate Lia. Baka ibang kotse yun!" sagot ni Jamaica na patuloy parin sa pag comport saakin. Maya-maya pa'y lumabas na nang kwarto si tita Bhecca. "Anong ingay yan?! Natutulog pako ehhh!!!" pag sisigaw ni Tita Bhecca. Kinuwento ni Jamaica sa Mama niya ang balita. Mismo pati si tita ay kinabahan at nalungkot. Medyo napaiyak narin siya. Kaya naman todo tawag din siya sa phone ni Mommy. Pero laking gulat nalang namin na cannot be reached na ang phone nito. kaya pala nung nagtxt ako kay Mommy ay di sya nag r-reply. Nag sabay sabay kami sa nag hagulgol sa pag iyak ni tita bhecca. Lumipas ang ilang linggo pero wala paring balita sa kanila. Kaya lang isang araw...May mga police na biglang dumating sa bahay namin. Inabot ng mga police yung mga emvelope. Agad kong binuklat iyun. Nung nakita ko ang laman nun ay doon na ako nag simulang mag hagulgol. Confirm! Si Mommy at Daddy ang naaksidente. Si Tita bhecca humahagulgol na. Ganun nadin si Jamaica at Manang. "HINDI P-PWEDENG MANGYARI ITO! HINDI!" halos mag wala ako sa kakaiyak. Nag lulupasay sa sahig. Si manang naman todo yakap saakin pati narin si Jamaica. Halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Bakit kailangan agad agad kunin ni lord ang aking mga magulang? bakit? Pinakuha namin ang mga abo sa loob ng kotse at pinalagay sa isang maliit na vase saka namin tinuusan ng kandila. Isang linggo akong di pumasok sa school at ganun na din si Jamaica. Nagulat nga ako kina Leslie, Maureen at Nel at nag punta din dito sa bahay. Hindi din sila nag tagal at nag si uwian na rin dahil may pasok din bukas. Lahat ng kaibigan ko ay nakiramay saamin. Si Liam dumalaw din dito. Kaya lang hindi sya pwedeng maging sweet sakin kasi secret parin ang relasyon namin. Hanggang sa ilibing namin si Mommy at daddy ay sobrang iyak ang binuhos ko. Dun na din namin inilibing sina mommy at daddy sa tabi ng puntod ni lolo at lola. Pagkatapos nun ay mukhang wala nang saysay ang buhay ko. Parang bang gusto ko na rin sumunod kina Mommy at Daddy, kasi halos isang linggo akong hindi makakain ng maayos. Halos isang linggo din hindi makatulog. Isang linggo din akong iyak ng iyak na halos ma ngayayat na. Si manang ang nag aalaga saakin. Pinipilit niya akong kumain at patahanin sa kakayaiyak. Halos nawala ang kulay ng mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD