Chapter 2

2138 Words
SA TUWING IHAHATID ni Travis si Joy sa University ay lalong lumalalim ang paghanga niya sa dalaga. Maganda si Joy at maganda din ang katawan nito, kaya alam ni Travis na maraming lalaki ang gustong manligaw sa dalaga. Kaya naman naka buo siya ng plano kung paano niya mababantayan si Joy, kahit nasa loob ng University ito. Muli niyang pina andar ang kanyang kotse at nagtungo sa kanilang Base. Kailangan niyang makausap si Henry, ito lamang ang makakatulong sa kanya upang mabantayan niya si Joy sa lahat ng oras. "What? are you out of your mind, Pare? hindi sa tutol ako sa pagkaka gusto mo kay Joy. Pero Pare, naririnig mo ba ang sinasabi mo? lalagyan mo ng Camera ang katawan niya? paano pala kapag maligo siya at magbihis. Kapag haharap siya sa salamin? kaya mo bang magtiis sa mga makikita mo?" gulat na wika ni Henry sa kaibigan. Hindi ito maka paniwalang masyadong obsessed ang kanyang kaibigan sa isang napaka batang babae. "Ako na ang bahala doon, Pare, basta ang mahalaga makita ko ang lahat ng lalapit sa kanya at marinig kung anong pinag-uusapan nila. SA PAGLIPAS ng mga araw ay laging naka abang si Travis sa labas ng University. Isang lalaki ang kanyang hinihintay na lumabas upang bigyan ito ng leksiyon. Nang makita na niya ang kanyang pakay ay agad na siyang lumabas ng kanyang kotse. Sininyasan din niya ang kanyang mga tauhan, upang ipaalam sa mga ito na lumabas na ang kanyang hinihintay. Mabilis naman na nilapitan ng dalawang lalaki ang binata na naglalakad at agad na tinutukan ng baril sa tagiliran nito. Takot na takot ang lalaki sa maaring gawin sa kanya ng dalawang lalaki. Baka patayin na lamang siya ng mga ito ng walang kalaban-laban. "Anong kailangan n'yo sa akin?!" takot na takot na tanong ng lalaki. "Sumama kana lang ng maayos sa amin kung ayaw mong masaktan." sagot naman ng isang lalaki. Habang ipinag didiinan nito ang baril sa tagiliran ng binata. "Kung pera ang kailangan ninyo, ibibigay ko sa inyo. Huwag lang n'yo akong sasaktan." paki-usap ng lalaki. "Kay Boss kana lang mag makaawa. Dahil sa kanya ka may atraso!." sagot naman ng isa pang lalaki. Agad na isinakay ng dalawang lalaki ang binatang ipinapakuha sa kanila ng kanilang amo. Dinala nila ito sa Hideout nila at ikinulong sa isang kuwarto. Nang maihatid ni Travis si Joy sa Elevator paakyat sa bahay ni Attorney Lisa, ay agad din siyang umalis. Kailangan niyang puntahan ang lalaking ipinadakip niya sa kanyang mga tauhan. Nagtataka naman si Joy, kung bakit hindi siya kinakausap ng kanyang kuya Travis kanina. Parang may malaking problema ito at napansin din niyang madilim ang mukha nito at tila may kaaway. "Hmm, bahala siya sa buhay niya!." wika ni Joy sa kanyang sarili. Agad na rin siyang naligo at at nagbihis ng pambay. Kailangan din niyang puntahan ang kanyang alaga, upang turuan ito sa kanyang mga aralin. Nag-aaral na rin si Pj ngayon, at nasa Kinder 1 na ang kanyang alaga. Dalawang taon pa ay ga-graduate na rin siya sa kanyang kurso na Education. Magiging ganap na siyang Teacher at puwede na siyang magturo ng mga bata. Kinabukasan pagpasok ni Joy sa University. Masaya silang nag meryenda na magkakaibigan sa Canteen ng University. Masaya silang nag-uusap na magkakaibigan ng may isang groupo ng mga lalaki ang biglang lumapit sa kanila. Napa angat ng mukha si Joy, dahil sa mga lalaking biglang sumulpot sa harapan nila. "Hi miss beautiful!" pagbati ng isang lalaki at nakatingin ito kay Joy. "Puwede ka bang makilala miss beautiful? Ako nga pala si Rhine Gomez, sa Engineering department kami nag-aaral." pakilala ng isang lalaki sa kanya. Naka lahad din ang palad nito sa harapan niya upang makipag kamay sa kanya. "Hello!" matipid na pagbati ni Joy sa lalaki. Guwapo naman ito pero hindi niya type ito, mukha kasing babae ito at ang kinis din ng balat. "Miss puwede bang malaman ang pangalan mo?" muling tanong ng lalaki kay Joy. Magsasalita na sana si Joy, nang biglang magring ang kanyang Cellphone. Agad naman itong sinagot ni Joy, dahil nakita niya na ang kuya Travis niya ang tumatawag. Parang bigla din siyang nasabik na kausapin ang kanyang kuya dahil halos isang lingo na siyang hindi kinikibo ni Travis. Nag excuse muna siya sa mga kaharap at lumayo sa mga ito, upang sagotin ang tawag sa kanya "Hello, kuya!" masayang sagot ni Joy sa kanyang cellphone. "May subject kapa ba? kung wala na ay susunduin na kita diyan!" narinig niyang wika ni Travis. "May isa pa akong Subject, kuya. Same time pa rin po ang labas namin." magalang na sagot ni Joy sa kausap. "Nasaan ka ngayon?" muli na namang tanong sa kanya ni Travis. "Dito sa Canteen, kuya, nag snack kami ng mga kaibigan ko." sagot niya sa kanyang kuya, saka nagpaalam na rin dito dahil nag ring na ang kanilang bell. "Sige na kuya, kailangan na naming bumalik sa classroom namin." paalam niya sa kausap. "Okay, i'll see you later. Take care!." wika pa sa kanya ni Travis. Napangiti na lang si Joy, dahil sa ka-sweetan ng kanyang kuya. Nagpatuloy ang ganoon setup nina Joy at Travis. Hanggang sa malapit nang mag graduate si Joy, bilang Teacher. Isang buwan na lang at ga-graduate na siya, masayang-masaya si Joy dahil natupad na ang isa sa mga pinangarap niya. Ang maka pagtapos sa pag-aaral at utang niya ito sa kanyang amo na si Attorney Lisa. Labasan na nila para sa kanilang Break time, nang may lalaking biglang lumapit sa kanya. "Hi miss, puwede ka bang makilala?." malumanay na tanong ng lalaki kay Joy, nasa mukha din nito ang pagka mahiyain. "Ako nga pala si Landon Mata." pakilala niya kay Joy "Hello, Landon, i'm Mary Joy Cajalne. Nice to meet you!." sagot naman ni Joy at nakipag kamay pa sa lalaki. Nag-usap pa saglit ang dalawa habang naglalakad patungo sa Canteen upang mag meryenda. Nakasalubong naman niya ang kanyang mga kaibigan, kaya sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng Canteen. Si Landon na rin ang nagbayad ng lahat ng kanilang kinain. Masaya din silang nagkuwentuhan habang kumakain. Masaya pa silang nagpaalam sa binata, bago sila nagkahiwa-hiwalay. Paglabas naman ni Joy sa University ay nagulat siya sa hitsura ng kanyang kuya Travis. Mukhang may kaaway ito at ang dilim ng mukha nito na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Hindi na lamang pinansin ni Joy ang hitsura ng kanyang kuya Travis. Sanay na rin siyang laging ganito ang tabas ng mukha ng lalaki. Parang laging may dalaw lang at pabago-bago ang mood nito. Kinabukasan ay nagtaka si Jasmine, dahil masaya na naman ang mukha ng kanyang kuya Travis. 'Siguro tapos na ang dalaw niya' sa isip-isip ni Joy. Kaya binati na lang niya ang kanyang kuya. "Good morning kuya!." masayang pagbati ni Joy kay Travis. Masayang nagkuwentuhan ang dalawa habang patungo ang mga ito sa University. Pagbaba ni Joy ay nagbilin pa si Travis sa kanya. "Maaga ako mamaya, Joy, hintayin na lang kita dito." wika ni Travis sa dalaga, bago ito umalis. ... Palabas ng Library sina Joy at mga kaibigan nito, nang maka salubong nila ang isang lalaki. "Joy, diba si Landon yon? bakit kaya biglang umiwas sa atin? diba nelibre lang tayo kahapon?." nagtatakang tanong ni Mitch na isa sa mga kaibigan ni Joy. "Ewan ko nga rin kung bakit? pero napapansin ko rin na halos lahat ng mga lalaking nakikipag kilala sa akin ay laging umiiwas kina bukasan. Siguro pangit ako sa paningin nila, kaya nila ako iniiwasan." sagot nito sa kaibigan. "Anong pangit ang pinag sasasabi mo, Joy, ang ganda ganda mo kaya. Mas maganda kapa nga kaysa kay Danna. Popular lang siya dito sa Campus kaya siya napapansin. Pero kung sa mukha at katawan naman ang pag-uusapan. Di hamak na mas maganda ka sa kanya 'no!." sagot sa kanya ni Mitch. "Bakit mo naman ako ikukopara kay Mitch? e, sa estado pa lang ng buhay ay malayong malayo na kami. Anak din siya ng isang Senator kaya anong binatbat ko sa kanya, wala naman akong maipag mamalaki." agad na saway niya sa kaibigan. Ni minsan ay hindi niya ikinompara ang kanyang sarili sa iba. "Siya nga pala, Joy, baka naman payagan ka ng amo mo sa sabado. Gusto ko sanang e celebrate ang birthday ko kasama kayo. Sa Bar tayo ng kuya ko pupunta, ipapagamit daw niya sa atin ang isang VIP Room. Tayo-tayo lang naman nina Piper at Trish. Sige na, pumayag kana, para makapag paalam kana rin sa amo mo. Diba mabait naman yun?!." pag-anyaya sa kanya ng kanyang kaibigan na si Mitch. Nag isip muna si Joy sa sinabi ng kanyang kaibigan. Gustuhin man niyang pumayag, pero nag-aalala siya na baka hindi siya payagan ng kanyang ate Lisa. "Hindi ako sure, Mitch. Mag papaalam muna ako kay ate, malalaman mo bukas kung papayagan ako o hindi." sagot naman niya sa kaibigan. Ayaw din niyang paasahin ito. Nag paalam na rin si Joy sa kaibigan, upang mauna nang lumabas ng Campus. Baka kasi kanina pa nag hihintay ang sundo niya. Ang sungit pa naman ng lalaking yon, akala mo pasan lagi ang mundo. Dahil hindi man lang marunong ngumiti. Nang malapit na si Joy sa kotse na lagi niyang sina sakyan ay meron naman biglang bumangga sa kanya. Napaka lawak naman ng daan kung bakit biglang dumikit sa kanya ang babaing akala mo super model kung maglakad pero pangit naman. "Aray!" daing ni Joy, dahil malakas na tumama ang balikat ng babae sa kanyang braso. Mas maliit din sa kanya ang babae ngunit maangas ito. "Tatanga-tanga ka kasi! ang laki ng daan pero sa daraanan ko pa ang gusto mong daanan." singhal sa kanya ng babae. Bigla naman naningkit ang mata ni Joy, dahil sa tinuran ng babae. Isa sa pinaka ayaw niya ay ang sinasabihan siyang tanga. "Kung meron man ditong TANGA! ikaw yon, dahil bigla ka na lang sumalubong sa akin at binangga ako. Tapos ikaw pa ang may ganang magalit?." singhal niya sa babae. ipinag diinan din nya ang salitang TANGA. Kuyom din ang kanyang kamao, at ano mang oras ay gusto na niyang masapak ang mayabang na babae na kanyang kaharap. "Aba! matapang ka ha?" sigaw ng babae, saka nito iniangat ang kamay niya upang sampalin si Joy. Pero nabitin lang sa ere ang kamay ng babae, dahil mabilis na nahawakan ito ni Joy. "Tanga ka nga talaga! dahil hindi man lang lumapat ang palad mo sa mukha ko. Ito ang tatandaan mo, babaing mayabang! huwag na huwag mo akong susubukan, dahil hindi kita uurungan. Baka gusto mong baliin ko ang leeg mo ngayon din? Oras na makita pa kita na haharang-harang sa daraanan ko ay hindi ako mag dadalawang isip na balian ka ng buto. Tandaan mo yan!." mariin ngunit pabulong na wika ni Joy sa babae, inilapit din niya ang kanyang bibig sa tainga ng babae, upang marinig nito ang sasabihin niya dito nang maliwanag. Habang mahigpit na hinahawakan nito ang pulsuhan ng babae, saka medyo pinilipit din niya ito, dahilan ng pagngiwi ng babae. Mabilis din na iwinaksi ni Joy ang kamay ng babae, saka naglakad ito na parang walang nangyari. Agad din siyang pumasok sa kotse na nag hihintay sa kanya. Busangot ang mukha niya na umupo sa tabi ng driver na walang iba kundi si Travis. "Ikaw na nga ang nagbanta sa kawawang babae, pero ikaw pa ang naka busangot! sige ka baka hindi bumalik ang nguso mo sa dati at maging ganyan na yan katulis!." biglang sabi sa kanya ni Travis, habang umiiling pero nasa daan naman ang paningin nito. "Excuse me, kuya?! sinong may sabi naman sa'yo na nag banta ako sa babaing yon?!." nagtatakang tanong ni Joy sa lalaki. "Narinig ko, kaya huwag kanang magkaila pa sa akin. Hindi maganda sa isang babae ang sinungaling." malamig na sagot ni Travis sa dalaga. Wala din itong kangiti-ngiti at nasa daan lang ang paningin. Naguluhan naman si Joy, kung paano ito narinig ni Travis? samantalang ang layo ng kotse nito at hindi rin lumabas ang binata. Sarado din ang mga bintana ng kotse, kaya paano nito narinig ang sinabi niya? Saka mahina lang ang pagkakasabi niya sa babae, upang walang makarinig. Nagtataka man si Joy ngunit hindi na lang niya ito pinansin. Tumingin na lang siya sa bintana at pinanood ang mga building na nadaraanan nila. Wala naman imik si Travis, habang nag mamaneho. Nakikita din niya sa kanyang peripheral vision ang pagka dilim ng mukha ni Joy. Kaya naman minabuti nitong dalhin muna ang dalaga sa isang kainan, upang e lebre ng meryenda. Baka sakaling gumanda ang mood nito. Agad niyang ipinarada ang kanyang kotse sa harap ng isang Cafè. Saka ito bumaling kay Joy. "Halika, mag meryenda muna tayo!" pag-anyaya niya kay Joy, saka mabilis na lumabas ng kotse. Umikot din siya sa kabilang pinto, upang pagbuksan ng pinto si Joy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD