THE SECOND HUSBAND (M2M ROMANCE, MELODRAMA)
DISCLAIMER...
No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.
All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
Copyright (c) 2020
All Rights Reserve 2020
GENRE: MXM, ROMANCE, MELODRAMA
PROLOGUE
Nasa sala kaming tatlo... Ako, si Mama at katabi niya ang isang lalaking matangkad, matipuno at hindi ko ikakailang gwapo kahit na halatang may edad na. Sa tingin ko nga nasa late thirties na ito.
Pinipilit kong alisin sa utak ko ang mga sinasabi nito pero sadyang makulit siya kaya naman paulit-ulit itong nagsasabi sa akin na ayaw kong tanggapin. May hinala na ako kung sino ang lalaking ito gaya nang sinasabi ng utak ko pero ayokong paniwalaan dahil hindi ko tanggap.
“Anak... Pasensya ka na kung ngayon ko lamang sasabihin sayo ang lahat... Nahihiya kasi ako at the same time, inaalala ko ang magiging reaksyon at mararamdaman mo na nakakapagpahina ng loob ko... pero ngayon, handa na ako, handa na akong sabihin sayo ang lahat kaya sana, makinig kang mabuti at tanggapin ang kung anumang mga sasabihin ko.” Paunang sinabi ni Mama. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
Napatingin ako sa kanilang mga kamay nang maghawak iyon ng mahigpit. Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala napapansin ko nitong mga nakaraang araw na parang nagbubuhay dalaga ang aking ina. Sa pag-uwi, may dalang mga bulaklak at chocolates, akala ko binili lamang niya pero sa tingin ko, hindi.
“Anak... Ipinapakilala ko sayo si Greco... ang aking nobyo.” Sabi ni Mama. Napatingin ako sa lalaking katabi ni Mama. Nakatingin sa akin ang kanyang chinitong mga mata at nakangiti ang kanyang may kanipisan at mamula-mulang labi. Kahit ang balat niyang makinis at mestiso ay mamula-mula ang kulay, sa tingin ko nga, may lahi itong korean.
Bigla kong naalala noon ang tinanong sa akin ni Mama nung minsan kaming mag-usap.
“Anak... Kung sakaling magkakanobyo ba ako... tatanggapin mo ba?”
“Hindi.” Naisatinig ko ang dapat ay sa isipan ko lang. Ngayon ay nasagot ko na ang tanong niya na hindi ko nasagot noon.
Nagulat sila sa sinabi ko.
“Anak...”
“Ganun na lang ba sayo kadaling palitan si Papa na minahal mo ng higit labing-limang taon?” tanong ko kaagad sa kanya. Alam kong nagagalit na ako at dapat lang na magalit ako kasi papalitan na niya si Papa.
“Anak... Hindi sa ganun... Kaya lang... dumating kasi sa akin ang pag-ibig... Akala ko, hindi na ako muling magmamahal pero nung dumating si Greco sa buhay ko... nagbago ang lahat. Mahal ko pa rin ang Papa mo pero wala na siya... Pitong taon na siyang wala at sa mga panahong iyon, nangulila at nalungkot ako...”
“Kahit na!” sumisigaw na ako. Galit akong napatingin kay Greco na nakatingin pa rin sa akin pero wala na ang ngiti sa labi. Muli akong napatingin kay Mama. “Kung mahal mo talaga si Papa, hindi mo siya kailanman papalitan hindi lamang sa puso mo kundi pati na rin sa buhay ko.” Sabi ko pa.
“Anak naman... Kailanman ay hindi mapapalitan ang Papa mo... Siguro may darating lang at si Greco iyon pero hindi siya mapapalitan dahil iba siya, nakatatak na ang papa mo sa ating mga puso at buhay.” Sabi ni Mama.
Napailing-iling ako.
“Sana anak matanggap mo... Hindi ko napigilang magmahal muli... hindi ko man ito inaasahan pero bigla na lang dumating at tinanggap ko ng buong puso dahil gusto ko rin naman maging masaya... Sana maging masaya ka rin para sa akin...”
“Hindi pa ba ako sapat sayo Ma? Hindi ba kita napapasaya? Nasanay naman tayong dalawa lang sa bahay na ito pero bakit gusto mo pa yata magdagdag ng isa?” tanong ko kaagad.
Napabuntong-hininga si Mama. Naluluha na siya.
“Anak... Masaya naman ako na kasama kita... pero iba kasi na may katuwang ako... na may kasama akong mag-aalaga rin sayo. Iba pa rin kapag kumpleto ang pamilya.” Sabi niya.
“Ma... Matagal ng hindi kumpleto ang pamilya natin dahil nawala si Papa... at kung iniisip mong muling kukumpletuhin ng lalaki mo ang pamilyang meron tayo, nagkakamali ka.” Sabi ko sa kanya.
Halos dalawampung taon ng wala si Papa. Kinse pa lamang ako nun. Namatay siya dahil sa isang car accident. Mabuti na lamang at may kaya naman ang pamilya namin kaya hindi kami nahirapan sa pinansyal ngunit alam kong nahirapan si Mama na palakihin akong maayos ng nag-iisa lamang. Alam ko iyon pero nakaya naman niya e, bakit ngayon kailangan niya pang magkaroon ng katuwang?
“Anak Please... sana matanggap mo kami...”
“Hindi.” Sabi ko kaagad. “Hindi ko hahayaang mapalitan ng lalaking ‘yan si Papa.” Sabi ko pa. Tiningnan ko si Greco. Malungkot siya dahil sa mga binitawan kong salita.
Hindi ko kailangan ng isa pang ama, sapat na sa akin si Papa na naging ama ko kahit na sa sandaling panahon lamang.
Tuluyang umiyak si Mama, niyakap naman siya ni Greco at pinapatahan.
Ayokong nakikitang umiiyak si Mama lalo na at ako pa ang dahilan pero kailangan kong maging matigas para makita niya na hindi talaga ako sang-ayon sa pagkakaroon niya ng nobyo at alam kong magiging asawa niyang muli.
Tinalikuran ko silang dalawa at nagpunta sa kwarto ko. Nagmamadaling nagbihis ng uniporme dahil papasok pa ako sa opisina. Isa akong accountant at sa bangko ang trabaho ko.
Napabuntong-hininga ako. Bigla kong naitanong sa sarili ko... Tama ba ang mga sinabi at ginawa ko?
Ako nga pala si Eris Altajeros... at ito ang kwento namin ng aking ina... at ng pangalawang asawa niya na magiging pangalawang ama ko.