Episode 3

675 Words
Empress POV. "Empress gusto ko lang sana sabihin sayo na matagal na kitang gusto."sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Omg! Totoo ba 'to? Magkaka boyfie na ba ulit ako? "T-totoo ba yan?" nauutal kong sabi. "Yes, my queen and I just wanna say I-" "Ma'am Empress?" "Hmm! Ano ba.." "Ma'am Empress, gumising na daw po kayo," rinig kong sabi ni manang sa labas ng aking kwarto. "5 minutes more manang," inaantok kong sabi at muling pumikit. May muling kumatok ng malakas sa aking pintuan kaya nairita ulit ako. "5 minutes more pa nga kasi manang!"inis kong sabi at tinabunan ng pillow ang mukha ko. "Bumangon ka na jan sis o babasain kita jan ng malamig na tubig." Atomatiko naman akong napadilat at napabangon sa pagkakahiga. Omg! Hindi ako pwedeng magkamali. Dali dali akong pumunta sa may pintuan at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. "Omg, Ford!"sigaw ko at yumakap sa kanya. Napatawa siya at niyakap ako pabalik. "I miss you, kuya!"sabi ko habang nakayakap parin sa kanya. Muli siyang napatawa at hinalikan ako sa noo. "I miss you more, sis,"nakangisi niyang sabi at kinindatan ako. His name is Ashton Ford Lee and he's my older brother, my one and only brother. Galing siyang Canada at wala talaga akong ideya na uuwi pala siya ngayon. "Kuya, why did you uwi pala here?"tanong ko kay kuya. Nandito na kami ngayon sa may dining area at kumakain. Ngumiti  sa akin si kuya. "Secret little sis." Napapout ako. Madaya talaga ang isang 'to eh. "So kumusta na pala ang pinaka pretty kong sister?"nakangising tanong ni kuya. Napairap ako. "Still pretty parin kuya, Duh." Napatawa siya sa akin. "Wala ka pa bang boyfriend jan?"nakangisi niyang tanong. "No! At wala pa akong time magkaboyfriend kuya,"masungit kong sabi at kumain ulit. "Baka gusto mong ireto kita sis? May kaibigan akong same age mo lang at kasing gwapo ko din at sigurado akong magugustuhan mo talaga yun,"nakangisi niyang sabi. Napasimangot ako. "No thanks, kuya. I don't need that, mag hahanap ako nang magiging jowa ko on my own." Napatawa siya sa sinabi ko. "Yeah..yeah.. Empress. By the way, gusto ko sanang samahan mo ako sa mall ngayon mamili ng damit ko." Napangiti ako sa sinabi ni kuya Ford. "Yay! I love that, kuya!" MALL "Kuya, I'm so hungry na talaga." Ulit kong sabi kay kuya habang nakanguso. Nakahawak pa ako sa tyan ko para maniwala talaga siya. "Wait lang hindi pa ako tapos,"sabi niya habang namimili parin ng mga damit. Ugh! I'm so naiinis na talaga kay kuya seriously! I thought magiging masaya itong pagpunta namin ni kuya sa mall pero nagkakamali pala ako. It's so tiring pala! Nakakainis huhuhu. Kanina pa kasi pumipili ng mga damit si kuya at sa dalawang oras niyang pamimili ng damit ay dalawa palang ang napipili niya. At gutom na din ako! "Kuyaaa!" Inis niya akong tinignan. "Wait lang nga kasi. Tignan mo oh, dalawa palang napipili ko at wala akong dalang mga damit. Mabuti pa at tulungan mo ako mamili ng damit ko para mapadali tayo." Napairap ako sa inis. "Uwi uwi ka dito tapos wala ka palang dalang damit tsk."sabi ko at lumayo na kay kuya. I hanap hanap clothes for him na para maka eat na kami kasi. I'm so hungry na talaga. Habang tumitingin ako sa mga damit ay may bigla akong natipuhan. Simple polo lang siya pero alam ko na babagay siya kay kuya. Ngumiti ako at hinawakan ang hanger. Aakmang kukunin ko na ito nang may biglang humawak sa kabilang side ng hanger. Napatingin ako dito. Natulala ako bigla ng makita ko ang face niya. He's so pogi and..and..and.. "Paki bitaw sa kamay mong nakahawak sa hanger ng damit ko," malamig niyang sabi habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong sabi niya?! "E-excuse me! This is not you damit pa kaya! And also ako nauna nakakita nito tapos ako una naka-" Hindi ko natapos ang sinabi ko ng bitawan na niya ang hanger at nagsalita. "Fine. Hindi naman kawalan sa akin ang damit na yan,"mayabang niyang sabi at umalis na parang walang nangyari. Napatulala ako. What did he say? Ang..ang.. Ang kapal ng mukha niya! "I hate you mr. Masungit!" inis kong sabi sa lalaking kausap ko kanina na nakalayo na sa akin. Sumulpot naman bigla si Kuya Ford sa harapan ko. "Hey, sis are you okay? Wait, sa akin ba yan?"nakangisi niyang sabi. Napasimangot ako at binigay sa kanya ang damit. "Sayo na yan! Saksak ko sa baga mo. Ugh!"inis kong sabi at umalis. Gwapo nga masungit at hambog naman tsk. TO BE CONTINUED..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD