Episode 4

875 Words
Chapter 4 - Trouble Nicole POV. Nandito ako ngayon sa mall upang libangin ang sarili ko. Wala kasi ang dalawa kong kaibigan. Yung isa kong kaibigan na si Empress kasama ang kuya niya, kakauwi lang galing Canada. Tapos 'yung isa naman na si Summer ay wala daw siyang gana lumabas ng bahay hays. Kapag talaga nalaman kong si Jayson Torres ang dahilan kung bakit ganun ang kaibigan ko sasabunotan ko talaga ang lalaking yun at sigurado akong makakalbo ko talaga yun sa galit. Kahit hindi ko gusto itong malling malling na ito gagawin ko nalang para libangin ang sarili ko at iwasan sina mommy at daddy. Uuwi daw kasi sila dito sa Pilipinas at galing sila ng Hongkong. Ayokong mag stay sa bahay kasi naiinis ako. Ang ingay ingay kasi ni mommy tapos kukulitin na naman ako nun. At maglalandian na naman yung dalawa sa harapan ko at naiinis ako. Mga isip bata talaga. Naglalakad ako ngayon dito sa loob ng mall habang tinitignan ang ibang shoppers na busy sa pamimili ng mga bibilhin. Habang patingin tingin ako dito sa mga sales na mga damit ay may biglang humablot sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Hmp!Hmp!" Sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa may bibig ko. Nang matanggal ko na ang kamay niya sa bibig ko ay napatingin ako sa kanya. Para siyang natataranta at patingin tingin siya sa paligid. Hinihiningal din siya na halatang tumakbo ito galing. Sinuntok ko siya bigla sa mukha. "Aray!" sigaw niya at napahawak sa kanyang mukha. Nagtatalon siya sa sakit at napasigaw. Hindi ko naman mapigilang mapangisi. "What the horse! Bakit mo ginawa mo yun, miss! Ang sakit sakit. Ano bang problema mo at uupakan talaga kita kahit babae ka!"inis nitong sabi. Aba't— siya pa ngayon ang may gana magalit ah! Eh siya nga itong bigla bigla nalang nanghahablot. "Hoy! Lalaking ubod ng panget na kamukha ni kingkong!" Nanlaki ang Mata niya, mag sasalita na sana siya ng inunahan ko na ito. "Ang kapal naman ng mukha mong magalit sa akin! Eh ikaw nga itong nanghahablot nalang ng bigla! Kahit mukha kang unggoy papatulan parin kitang kingkong ka!" Napabuntong hininga siya at nag salita. "Look miss, kailangan ko lang talaga ng tulong mo ngayon. At sorry kung bigla nalang kitang hinablot, sana mapatawad ko ako."mahinahon niyang sabi. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Tulong? At ano naman kayang klaseng tulong ang kailangan nitong unggoy na ito. Nag salita siya ulit. "At isa pa miss, parang 'di naman siguro makatarungan ang tawagin akong kingkong diba? Sa gwapo kong ito."sabay kindat sa akin. Hindi lang siya mukhang unggoy, mahangin din siya. So dapat tawag sa kanya mahanging unggoy. "Nag papatawa kaba?"walang gana kong sabi. He chuckled. Problema nitong unggoy na'to? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman ah. "Nagsasabi lang po ako sa katotohanan ms. Sungit."nakangising sabi ng mahanging unggoy. Pero wait anong sabi niya! Ako? Miss Sungit?! Aba't— "Hoy—" Natigilan ako bigla nang may makita akong babae na sumisigaw at tumatakbo papunta sa direksyon namin. Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ng mahanging unggoy. "BABYYYYY TERENCEEEE!!!!!"sigaw nung babae. "s**t!"pagmumura nitong unggoy sa tabi ako at nataranta na. "Okay kalang?"taka kong tanong sa kanya. Nagtaka naman ako bigla nang lapitan niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat at tinignan ako ng seryoso sa aking mga mata. DUG DUG DUG HALA! Bakit ganito ang t***k ng puso ko?! "H-Hoy! Anong ginagawa mo!" "Look ms. Sungit, kailangan na kailangan ko na talaga ang tulong mo ngayon para lubayan ako ng babaeng yun. Makipagcooperate ka nalang sa akin."seryoso niyang sabi habang nakatingin parin sa aking mga mata. Hala bakit ang pogi niya. WAIT!! Ano yung sinabi ko kanina?! Siya pogi? Ugh..never.. Natauhan naman ako bigla nang may biglang yumakap sa likuran niya. "Omg! Akala ko tinatakasan mo na ako baby Terrence hehe."malanding sabi ng babae habang nakayakap parin ng parang tuko sa unggoy. Napakunot ang noo ko. Sino ba ang babaeng ito? Kinalakas naman ni Mahanging unggoy ang yakap nung tuko na hipon. Oo tuko kasi grabe kung makakapit sa unggoy na ito at oo hipon din kasi hindi naman ito kagandahan at ang kapal kapal pa ng make up sa mukha. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla ang akbayan ni unggoy. Nilapit niya naman ang mukha niya malapit sa akin at bumulong. "Please ms. Sungit makisabay ka muna dito sa gagawin ko. Kailangan ko na talagang matigil itong paghahabol ni Fiona sa akin."bulong niya. Hindi ko siya inimikan. Aba't! Bahala siya sa buhay niya. Napatingin naman ako dun sa Tuko na Hipon na Fiona ang pangalan ng magsalita ito. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa at tinaasan ang ng kilay. Aba! Hinead to foot pa ako ng babaeng ito ah! Napakakapal ng mukha. "Who is she?"matarang nitong tanong. "She's my girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakita ko ang ngisi sa mukha niya. Anong pinagsasabi nitong girlfriend niya ako ah! Kapag talaga may nakaalam na kakilala ko dito mapapatay ko talaga ang unggoy na 'to. "Hindi ako naniniwala sayo."maldita nitong sabi habang nakatingin sa akin ng masama. Tinaasan ko ito ng kilay. Kapal ng mukha nitong tarayan ako ako ah. "Ayaw mo maniwala? Sige, sigurado akong maniniwala kana talaga."nakangising sabi ni Unggoy at hinarap ako. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Hi.. Hina.. Hinalikan niya ako sa lips! "Ano? Naniniwala kana ba?"nakangising sabi nito. Nakita ko sa mga mata ko si Fiona na hindi makapaniwala. Naiiyak naman itong umalis at iniwan kami. Habang ako ngayon ay tulala parin at hindi makapaniwala na hinalikan ako sa lalaking hindi ko naman kilala at ngayon ko lang nakita. Napahawak naman ako sa labi ko. First kiss ko yun! TO BE CONTINUED..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD