JAI Hindi ko na matandaan kung paano natapos ang dinner pati ang pag-uusap namin. Basta ang sinigurado n'ya sa akin ay ikakasal kami bukas at sa probins'ya kami titira. Nakipag-compromise ako sa kanya at sinabing tuwing Miyerkules ay kailangan kong umuwi ng penthouse para sa trabaho ko. I have someone to do the job anyway if I am away. Ganoon ang routine ko kapag nawawala ako ng ilang araw. Pero ngayon ay iba na ang usapan. This is not just a simple vacation. I am going to live in the province pagkatapos ng kasal hanggang makapanganak ako. May oras pa para magbago ang isip ko. It's only two in the morning right now at mulat na mulat pa rin ako habang nakahiga sa kama. Sa inis ko ay bumangon ako at lumabas ng silid. I should have chamomile tea para makatulog ako. Nagpakulo ako ng tubig a