Approve na ang aking resignation at kailangan ko na lang na i-turnover ng maayos ang aking trabaho kay Lorena. Ang aking kaibigan na si Lorena ang papalit sa akin kaya panatag akong hindi mapapahiya sa ginawa kong rekomendasyon dahil magaling naman talaga si Lorena. Bukod sa magaling, matalino rin ito. Ilang araw na lang ang kailangan kong hintayin at maaari na kaming umuwi sa probinsya ni Marian. Kinausap ko na rin si Marian tungkol sa plano kong pagbabalik-probinsya at pumayag naman ang babae. Pagsapit ng lunchtime, normal na sa akin na mag-stalk sa account ni Aika dahil hindi naman nito napanindigan ang pag-deactivate ng account sa social media. “Lorena…,” mahina kong tinawag ang pangalan ni Lorena nang makakita ako ng hindi ko dapat makita. Tulad noong araw na nakipaghiwalay si Bren