Hindi ako mahilig manood ng basketball ngunit ayaw pumayag ni Marian na maiwan lang ako sa bahay. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero keber lang ako at nauna na akong pumasok sa basketball court at kaagad na naghanap ng magandang pwesto. Sakto naman na nang maupo na kami ni Marian ay nakita ko si Jericho sa kabilang side ng court at may katabi itong babae. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang aking reaksyon nang makita ko siyang may katabing iba dahil wala akong karapatan na makaramdam ng pagseselos. Wala naman kasing kami. “Sino ‘yon?” Tinanong ko si Marian habang itinuro ng aking nguso ang kinaroroonan ni Jericho. “Ha?” “Sino ‘yong katabi niya?” “Baka nobya niya,” sagot ni Marian at tumango lang ako habang nagtagis ang aking mga panga. My God, ang sarap nilang tirisin! Base