Chapter 3

2688 Words
Chapter 3 Ilang araw din ang nakalipas at inayos nila ang bahay, tumulong din siya sa pag hahanda ng pag kain, dahil kinakailangan niyang umalis ng tanghali. Ipapamake over siya ni Marie, dahil pag dating nang gabi  kailangan niyang enjoyin ang pagiging dalaga. "Babalik na po si Nanahara?" Pag tukoy niya sa batang lalaki na anak ni Mrs. Beatrice, ang anak nito ay isang Japanese. Hiwalay sa asawa ang babae dahil sa sama ng ugali, mabuti pa ang batang anak na ito ay napaka bait, dibale inosente palang ito. "Anak sige na lumarga kana kami na ang bahala dito, enjoyin mo ang pagiging dalaga mo, mag hanap karin ng lalaki ha?" Natatawang sinabi ng Ina nito at hinampas ang pwetan niya. "MAMA kahit kailan!" Kahit kailan ay napaka pabebe niya. Parang dalagang pilipit. Palabas palang siya ng Subdivision at narinig na niya ang busina ng kotse ni Marie. "Ano kaba! Ang sakit sa teynga!" Pag sigaw nito kay Marie. "'Yan ba ang isusuot mo? Girl party 'yon cannot be yang soot mo." Dinala siya sa botique at salon nito. Inayusan at pinamili ng damit, bukod sa hindi naman niya afford ang pag bili ng mga damit na mamahalin. "Ay girl nililibre na nga kita pang attorney pa ang outfit mo! Party tayo girl hindi pang corporate attire!" Bulyaw ng kaibigan nito. "Ayoko okay na ako dito. " tinapik niya nag kaibigan at tumungo na sila sa kotse nito. "Hay ewan ko sayo, excited kana ba kay Timothy?" Tanong ni Marie. "Kinakabahan, inaantok din ako dahil hindi ako sanay na nag pupuyat." Saad nito. "Yuck tanders." Pang uuyam ng kaibigan niya. Hindi naman niya hilig mag puyat kaya ngayon na alas nuebe palang inaantok na siya. "Welcome to PHILIPPINE NATIONAL UNIVERTSITY STUDENTS NIGHT!" Tili ng kaibigan nito at rumampa kasama siya. Kung ano anong lumilipad sa ere, puro Condoms mga malalanding patagong nag hahalikan sa dilim. Pag nag rounds ang guard humihiwalay ang mga estudyante. Lalong may mga iba na nilagay sa isang bote ang Alak. Hindi pa nag sisimula ang 12MIDNIGHT mukhang mga may tama na ang mga kaklase niya. "MANANG MAG PARTY KANAMAN!" Sigaw ng mga kasama nitong mukhang susuka na. "Okay na ako dito." Bored na sinagot nito. "Wait girl! Andiyan na si TIMOTHY!" Isang outsider na ginawan ng paraan ni Marie, malamang anak ito ng director. Inayos ni Althea ang sarili at tinusok sutok ang dimples. "Aray bakit moko sinampal!" Tanong ni Althea sa kaibigan, "para mamula yang pisngi mo namumutla ka! Mag papakilala palang ha hindi pa kayo mag sesex wag kang echosera!" Sinabi nito at hinatak siya. Pinuntahan nila ang sinabi nitong area, sa may gilid ng Chapel. "Iwan na kita dito okay? Goodluck lumandi ka ha pag kakataon mona yan! Kundi bubugaw na kita sa Bar!" Nang asar pa ang kaibigan bago siya iwan nito. Nag aantay lamang siya sa gilid kung saan siya iniwan ni Marie. "Hello, Are you Althea?" Tanong nito at tumabi sakaniya. "Ah Ye-yes I am. And you are Timothy?" Tanong niya, naaninag lang niya nag pag tango nito. "You are cute. By the way gusto mo bang sumama? Para makapag usap tayo ng maayos. Don't worry.I Don't bite" sinabi nito at inilahad ang kamay sakaniya. "Ah sige." Sumama siya dito at mag kahawak kamay silang dumaan sa likod ng gate. Iba talaga ang nagagawa ng may kapit sa kahit saan. Nakasakay siya sa Kotse nito at hindi mapakali si Althea. "Giniginaw kaba?" Tanong nito at doon hininaan ng lalaki ang aircon. Ang hindi nito alam sobrang kinakabahan siya, para bang nag blind date siya. "We are here!" Sinabi nito at tumigil sa isang bakanteng lote. Bumaba sila sa kotse at doon inayos ng lalaki ang likuran na parte ng kotse. "Wow ready ka?" Natatawang sinabi ni Althea. "Here.." inalok siya ng San Miguel Apple ng lalaki. "Ah thank you." Kahit hindi siya umiinom ay tinggap padin niya tulad ng sinabi ni Marie huwag pabebe. "Balita ko Top one artist ka?" Tanong ng lalaki. "Ay oo, nako nachismis na ako ni Marie?" Tanong ni Althea. "Medyo, she said you want a husband." Diretsong sinabi nito. "Ha grabe naman 'yong baklang yon!" Bulong ni Althea. "But I'm sorry, ayoko sanang umasa ka na mas lalalim pa sa pag kakaibigan. Pwede kung mag kaibigan nalang." Saad ng lalaki. Parang binohosan nang malamig na tubig si Althea at na tunganga, hindi niya alam kung saan siya pwedeng mag tago, dahil sa sobrang kahihiyan. "Hey? Are you okay?" Hinawakan ng lalaki ang balikat niya. "Ah oo naman! Sino ba kasing nag sabi na gusto ko ng asawa, tyaka si Marie lang nag chismis sayo non hindi naman galing saakin." Pag pilit niyang ngiti dito at bumaba siya. "Sana ka pupunta? Ayoko namang maging rude o bastos na lalaki that's why sinipot kita. And I insist, malayo ang itsura mo sa sinend ni Marie." Pailing iling na naka ngiti ito. "Balik nalang tayo sa students night mas maraming magaganda don," lakas loob niyang sinabi. Hindi niya akalain na wala pang tatlong oras rejected na siya. Unang subok wala na, unang subok negative result agad. Tahimik lang sa byahe si Althea at nag panggap na tulog. Gusto niyang matawa sa sarili and at the same time gusto niyang maawa. Narating nila ang school at hinatid lang siya nito. Hindi na siya nag paalam sa lalaki at doon pumasok sa loob ng school. Hinanap niya ng table nila ng mga ka batch niya. "Oh kamusta ang date?" Tanong ni Marie. Inagaw ni Althea ang hawak nitong C2 pero ang totoo alak ang laman nito. "Hoy ano nangyari?" Tanong ni Marie. "Marie mag enjoy tayo please? Isa pa huwag mo na akong ihanap ng lalaki, kung darating darating, kung wala wala! Hindi 'yung nag mumukha akong desperada na mag ka boyfriend." Saad nito at pinunasan ang luha sa mata. "Hala sorry Althea hindi ko naman ginusto na masaktan ka gusto ko nga sumaya ka." Yumakap nag kaibigan nito sakaniya. "Mas masaya akong ganito nalang at tumandang dalaga." Hinatak niya ang kaibigan at sumayaw sa  covered courts. First time in the history na mag lasing ni Althea, tuwang tuwa ang mga kaklase nito dahil sa kalikutan nito, para bang nakatira ng drugs ang dalaga. Minabuti niyang pasiyahin ang sarili kaysa sa umiyak dahil sa walang kakwenta kwentang dahilan. "Mukang lasing nayan ha?" Tanong ng kaklase nila. Alas kwatro na ng umaga at mas naging wild ang mga estudyante. "Nako ang bigat naman Althea!" Angal ng kaklase niyang binuhat siya papasok sa kotse ni Marie. Si Marie parang walang nangyare, dahil official drunkard na Transgender to. Nakangangang tulog ang kaibigan nito. "Kung straight na lalaki lang ako magugustohan kitang gaga ka, hindi lang talaga nila alam ang tunay na taste at standard ng babae. Ang alam lang nila sexy at maganda. Even though maganda kanaman kumbaga expired na." Pag momonologue ng kaibigan nito habag nag mamaneho. Tinapik tapik niya ang mukha ng kaibigan para magising. "WHAT!" Napabalikwas ito at nauntog sa kotse ng biglnag tumayo. "Nasa bahay kana umuwi kana bago mag liwanag sigurado mababatukan ka kay tita." Saad ng kaibigan. Hindi na kumibo si Althea at doon lumabas ng kotse. Pagewang gewang ito na nag doorbell. Kulang nalang at hindi ma mukhaan ng mga gwardya sa bahay. "Nako si Althea ba iyon? Saan ang birthday bakit pulang pula ang damit." Pag osyoso ng gwardya. Nag lalakad si Althea papunta sa kwarto nila salikod ng bahay. "I'm ugly and nobody wants to love me. Aminin mo Althea na hurt ka kahit mataas ang pride mo nilunok mo dahil lang sa pagiging desperada mong mag ka boyfriend o mag kaanak o alin pa sa dalawa! Tang ina Top one ka! Huwag kang mukhang boba na nagmamakaawa sa lalaki o mag kandarapa para makatagpo!" Pag momonologue nito Bumagsak siya sa may gilid ng pinto papasok sa kwarto. Doon siya humiga tabi ng basahan at walis. "Ughh mga katropa ko." Pag tukoy niya sa mga basahan na katabi. Kahit anong mangyari, nag karoon siya ng high hopes kay Timothy lalong sobrang gwapo ng lalaki, isa pa ito ang kinakatakutan niya ang FALLBACK kapag failed ka sa misyon mo. Kinaumagahan "Nako anak ko!" Nagulat ang ina ni Althea nang makita siyang nakahandusay sa labas ng bahay. Alas sais pasado ng makita siya ng ina nito. "Nako anak bakit diyaan ka natulog" akay akay niya ang anak at hiniga sa sahig kung saan ito natutulog. Sa lapag natutulog ang dalaga dahil iisa lang ang kama sa kwarto nila, para ito sa ina niya. "Diyos ko amoy alak!" Piningot niya ang anak at nagising si Althea, "Mama naman ang sakit! " saad nito at pumikit ulit, "Bakit namamaga 'yang mga mata mo?" Tanong ng ina nito at pilit siyang Ginigising. "Ano ba ang nangyayari sa anak ko." Asar na sinabi ng ina, minabuti nitong alisin ang sapatos at itabi ang bag niya. Tinutok niya dito ang electric fan at sinara ang pinto. Tinungo ng ina niya ang kusina para mag luto ng agahan. Naubos ang mga pag kain dahil pinatapon ito ni Mrs. Beatrice ang anak ni Mrs. Cervantes. Pero hindi nila tinapon kundi tinago para gawing pag kain ng nga gwardya at kasambahay, "Good morning po" bati ng ina ni Althea. "Nasaan ang anak mo? Hindi ba't dapat kasama mo siya dito na nag lilinis?" Malditang sinabi ni Beatrice. "Ah nasa loob lang po ng kwarto at may inaayos pero tutulungan niya po ako." Pag tatakip butas nito sa anak niya. Kilala niya ang ugali nito. Minsan ng binuhosan siya ng tubig dahil nag kamali siya sa mga inuutos nito. Hindi marunong mag basa at mag sulat ang ina nito kaya kung ituring ni Mrs. Beatrice ay basahan. Nahahawa lang ang ina nito sakaniya pero mas maayos ang Mommy niya kumpara sakaniya. "Gisingin mo na ipapalinis ko ang kwarto ko at ang kapatid ko." Sinabi nito ng pabalang, agad namang pumunta si Antonia sa anak niyang si Althea. "Anak gising may inuutos si Mrs. Bea sayo." Tinapik tapik nito ang mukha niya at tulog padin si Althea. "Althea naman anak gumising ka." Sinabi nito. "Akala ko bang gising nayan bakit tulog padin? Ganiyan ba ang pag tatrabaho niyo sa bahay ko ha!" Sigaw ni Beatrice na nakasunod pala sakniya. "Nako Madam, ako napo ang mag lilinis. May students party po kasi sila kagabe kaya napuyat po ang anak ko." Pakikiusap nito. "Tumabi ho kayo." Sinabi nito at binuhosan ng malamig na tubig si Althea. Agad siyang napabangon at pinunasan ang mukha. "Hindi kita pinapasahod para matulog lang mag hapon." Galit na sinabi ng boss nito. "Ano pang ginagawa mo diyan? Bumangon kana!" Sigaw nito sakaniya. Nakayuko lang ang ina niya at walang angal habang si Althea na kahit masakit ang ulo ay bumangon. Pinunasan lang niya ang sarili, hindi narin ito nag palit ng damit. Nag lakad siya sa papunta sa bahay at doon pumunta sa kwarto ni Ma'am Bea para mag linis. "Althea bakit ganiyan ang itsura mo?" Pag aalalang tanong ni Mrs. Neriza Cervantes ina ni Beatrice. "Ay nag hilamos lang po ako kaya ganito." Sinabi nito. "Halika mag palit ka ng damit." Hindi alam ni Althea kung maniniwala pa siya dito. Kahit na mabait ito at kinupkop sila paminsan ay sobra na kundi lang niya kailangan ng pera. "Huwag na po mapapawisan din naman po ako." Pag tanggi niya at doon tinuloy ang pag lilinis. Narating niya ang kwarto kung saan off limits pumasok pero ngayon pinayagan siya. Nagulat siya sa nakatalikod at naka hood habang nakatapat sa Computer, dinig niya ang pag lalaro nito. "Ah baka ito ang batang lalaki sa litrato." Maosyoso niyang sinabi, pinag mamasdan niya ang family picture nito. Walang picture na bago kundi puro luma. Buong akala niya ay hindi siya pinapansin ng lalaking nakatalikod, pinag mamasdan siya nito sa gilid ng salamin. Inaantay ng lalaki na humarap siya. "Siya 'yong babaeng nakalupasay at tulog sa labas ng bahay." Bulong nito sa sarili. Inaabangan niyang humarap ito pero natatakpan ng mahaba niyang buhok ang mukha. "Sir okay na po." Biglang saad ni Althea at lumabas ng kwarto. Tumayo ang binata para sundan ang babae habang nag lalakad. Pinag masdan niya lang ito hanggang sa makababa na ng hagdanan. "Anak halika uminom ka ng gamot." Nakita ng binata ang matandang katulong na lumapit dito. Hindi padin niya makita ang mukha nito, tanging alam lang niya na maputi, mahaba ang buhok at may katamtaman na height ang babae na nag linis ng kwarto nito. "Oh gising kana pala, baka gusto mong mag paaraw? Nang hindi ka namumutla." Saad ng kapatid nitong si Beatrice. "No thanks." Mahinang sinabi nito at sinoot ulit ang headset. Hindi sila mag kasundo ng ate niya. Bukod sa lahat nalang ng ganap nito sa buhay ay pinakikialaman nito, lahat ito ang naka desisyon. "Anak huwag matigas ang ulo, ako na ang mamamalengke." Sinabi ng ina nito. "Ma hindi pwede, Ma sa totoo lang nag titiis nalang ako. Gusto konang makapag trabaho at huwag kanang mamasukan dito. Hindi tao ang pag trato ni Beatrice saatin, tapos pag nag kamali ka ganon ganon nalang? Maliit na nga tayo tuturing niya pa tayong Mas liliit sa walang kwenta." Galit na kinuha ni Althea at listahan at pera, ganon din ang susi ng kotse. Nag palit lamang siya ng damit at doon nag maneho para pumunta sa supermarket. "Kundi ko lang mahal yung batang tituturuan ko at kung bastos lang talaga ako sasabunutan ko na siya." Gigil na sinabi nito. Kinakalkal niya nag bag dahil nalimutan niya kung saan niya nalagay ang llistahan. "Oh? Ano 'to?" Biglang nakita niya ang isang pangalan sa calling card, hindi na niya binasa ang nakalagay sa likod nito at lumabas na ng kotse. Mabilis siyang nag lakad papasok ng mall para matapos agad, balak din niyang matulog muna sa kotse pag tapos mamili."f**k!! Saan ko naman hahanapin ang ginseng niya!? Nakakainis na!!" Paikot ikot siya sa Mall at hindi niya padin mahanap ang gusto nito. "Bruha talagang Beatrice 'to!... Aray ano ba mag ingat ka nga." Bulyaw ni Althea sa lalaking naka facemask, hoodie at naka shades. Nabunggo siya sa tagiliran gamit ang big cart. "Sorry." Maikiling sinabi ng lalaki sakaniya, "Bwisit ang aga aga naka shades, nasa loob ng mall naka shades mukang tanga." pag bulong ni Althea, 'yung galit niya parang ang hinhin pa. "May sinasabi kapa? Kung galit ka babayaran ko nalang yang pinamili mo?" Saad ng lalaki at hinawakan pa ang cart. "No thanks." Sa wakas at nakakita siya ng ginseng tea kaya nilagay niya agad sa cart niya. Hinatak ng lalaki ang cart at diniretso sa cashier. "Ano ba may dala akong pera!"suway niya dito. "Just shut up! Okay? Ayoko lang may ngumangawang babae dahil nasaktan ko, babayaran ko iyan." Mabilis na pinunch lahat ng kahera ang pinamili niyang umabot ng Sampong libong mahigit. Nakita niyang cash binayaran ng lalaki ang pinamili. "Here.. para hindi kana nag sasasabi ng patalikod." Natameme si Althea at tinulak nalang ang Cart papunta ng kotse. Doon niya pinag bubuhat ang mga pinamili, pag tapos nagpalamig sa loob ng kotse. "Aba ang yabang ng gago, eh kung pera kolang ang hawak ko Nako pinakain ko sakaniya tong libo libo'!" Nag maneho siya pabalik ng mansyon at nag patulong sa mga gwardya na buhatin ang pinamili. Hinanap niya agad si Mrs. Beatrice para ibalik ang pera na binigay sakaniya. "ALTHEA !" Nagulat siya ng biglang yumakap ang batang si NANAHARA sakaniya, kaisa isang anak ni Beatrice, anak ito ng hapon pero hiwalay. "Ohh!! I miss you, you look handsome ha! Mukha kang anime." Yumakap din siya dito. "You look pale, are you okay?" Tanong ng bata at hinawakan ang kamay niya. "Im just tired baby boy! Asan si Mommy mo." Tinuro ng bata ang ina niyang naka higa sa sofa at nag babasa. "Ma'am excuse me." Saad niya dito. Tumingin ang babae sakaniya. "Ito 'yung fifteen thousand cash, and resibo. Hindi po nagamit 'yung pera. Kasi nilibre po ako nong lalaking naka bunggo saakin." Sinabi niyo, totoo namang masakit padin ang tagiliran niya. Dahil malakas ang impact, "Are you sure okay kalang? Here five thousand for you, for being honest." Inabot sakaniya ang limang libo at pinilit din ilagay sa bag niya. Doon nilingon niya ang second floor dahil mukhang may naka tingin sakaniya pero wala naman palang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD