Chapter 2

2108 Words
Chapter 2 Maagang pumila si Althea sa Supermarket para bumili ng mga groceries sa bahay ng mga Cervantes. Dahil hapon panaman ang schedule niya, at siya ang tiga bili ng mga dapat gamitin dito. Ayaw naman niyang paalisin ang nanay niya dahil sa katandaan nito. Lumapit siya sa Wine section dahil si Mrs. Neriza Cervantes ay mahilig uminom, ito ang ginagamit para makatulog sa gabi. "Excuse po, bawal po ang underage." Pag suway sakaniya ng guard. "Hindi ko alam kung matutuwa ako Manong Guard or maiinis ha, pero ito. Look at my ID, birth year ko ay 1988." Ngumiti ito sa Guard at hinayaan siyang mamili ng alak. Madalas siyang pag kamalan na teenager pero hindi nila alam EXPIRED na ang pagiging Teenager niya. Katunayan lagpas narin siya sa Kalendaryo. She's Half Pinay Half Korean, nilahian lang ang nanay niya ng isang Koreano noong kabataan nito. Dating Napilitan na Pick-up girl ang ina at sa unang subok nitong maging dancer sa bar nakuhang i-tinable ng isang Koreano, pag tapos nabuntis at hindi na umulit ang ina ni Althea. Bitbit ni Althea ang surname ng Ina niya, pero kung na recognize siya ng Ama niyang Koreano Park ang surname niya. Laking pasasalamat din niya sa Ama dahil sa mala baby face niyang hitsura. Maganda kung titignan si Althea. Pero hindi siya ang tipo ng babae na ligawin, yung bang unang tingin magagandahan ka pero pangalawang tingin hindi mo na babalikan. Hindi din niya alam kung may sumpa ang beauty niya kaya inabot siya ng trentay dos anyos na VIRGIN Fresh na Fresh. "BAKLA!!" Narinig niya ang sigaw ng kaibigan niyang si Marie, pak na pak ang make up. Fitted dress at pwet ang labanan nito, "Alam mo ang lakas ng radar mo na-detect mong nandito ako?" Sagot ni Althea habang tulak tulak nito ang big cart. "Samahan mo akong mag pa salon please! Kailangan mo rin kasi patay na ang buhok mo see? Yuck" hinawakan nito ang buhok niya at pinandirihan pa siya. "At least walang Kuto ano kaba, busy ako maraming ginagawa sa bahay nila Doña Cervantes, darating kasi ulit 'yong anak niya, remember yung tinututor kong bata, apo non." Pag kukwento nito. "Alam mo ba, wala akong paki alam tara na kasi may Students night tayo kailangan maganda! Last sem na ito bakla! Dapat makahanap kana ng boylet Imagine thirty two kanang inaagiw!" Pangugutya nito sakaniya. "Kurutin ko kaya yang silicon boobs mong hayop ka," sagot nito at hindi na pinansin ang kaibigan. "Hay bahala ka aalis na ako basta ha pupunta ka sa Students night!" Sigaw nito sakaniya. Wala din siyang balak pumunta dahil maraming dapat gawin sa mansyon, basta sila ang inaasahan ni Mrs. Neriza Cervantes. Ito ang pinaka mabait na boss na napuntahan nila. Dito lang nila na feel na belong sila, sa ayaw at sa gusto naman ni Althea, minahal na niya ang pagiging kasambahay dahil malapit na at maiaahon na niya ang Ina niya sa bangungot. Pero sa kabila ng kabaitan nito ay may nag babadyang katopakan ang matanda na boss. Dumagdag pa sa gastusin nila ang kapatid niyang suwail na si Aerza Veronica Reyes. (Erza Veronica Reyes) kapatid na niya ito sa ibang tatay, ganoon din malas sa pag ibig ang Kapatid niya. Ito narin siguro ang isa pang rason kung bakit ayaw na niyang mag asawa at gusto nalang niya ang mag kaanak. Pero naiinggit padin siya sa may mga happy love life. Paiba iba ang sumaagi sa isip niya minsan, Dahil takot siyang mag mahal, takot siyang iwan mag isa lalong hindi siya ganoon kalakas, wala naman siyang experience na mainlove, puro crush lang na Fictional Characters sa Libro o sa mga E-book online. Dahil sa dunong na taglay niya, Naging sideline din niya ang pag gawa ng stories sa mga kaklase niyang hindi ganoon kagaling sa literature. Kaya sakaniya din nanghihingi ng payo ang mga kasama niya kahit ang tawa sakaniya ay MANANG ALTHEA. Sakay siya ng kotse pauwi, pinag kakatiwala sakaniya ang kotseng Mitsubishi Lancer para kapag siya ay namalengke hindi siya mahihirapan. Siya lang ang gumagamit dito dahil ang mga kasambahay nila sa bahay tanders lahat, siya lang ang may alam sa pag mamaneho nito. "Ma andito na ako." Dumaan siya sa backdoor at nakita niya ang Ina na nag sasampay. "Nako anak at mukha kang bruha?" Pag uyam ng ina nito. "Isa kadin Ma no? Para kang si Marie!" Padabog nitong sinabi habang binababa ang mga pinamili. "Totoo naman kasi, bakit inaaya kananaman bang mag salon non?" Tanong ng ina nito. "Oo ma, pinapapunta niya ako sa students night. Hindi ba 'yun ang araw ng pag uwi ni Madam Beatrice?" Nangamot pa ito ng ulo. "Eh ano? Pumunta ka lalona't graduating kana! Gusto kong ma-experience mo ang mga bagay na hindi ko naranasan, anak naman." Saad ng ina nito at tinuloy ang pag sampay. "Mama si Marie kasi gustong gusto pinag didiskitahan ang itsura ko, ano ano nanamang make up lalagay sa'kin!" Sinabi ni Althea "Hayaan mo na tinuturing kana ngang ate non, intindihin mo na malapit na kayong matapos sa pag aaral, kumbaga return the favor, dahil tinutulungan mo siya sa klase" nakangiting sinabi nito. "Osige po ma, os'ya mag luluto na muna po ako. " pag boboluntrayo nito. "Nako si Tsang na ang mag luluto! Mag review kana may exam ka diba?" Sinabi ng ina at tumango nalang si Althea. Binuksan niya ang electric fan, sinalpak sa teynga ang headset humiga at tinaas ang paa sa bintana habang nag rereview. Nakatulala ang dalaga at biglang hinawakan ang noo. Napabalikwas siya sa kama at tinignan ang sarili sa salamin. "Hindi na talaga makakailang tumatanda na ako kahit na baby face pa ako." Binitiwan niya ang reviewer at lumabas ng kwarto. Pinuntahan niya ang iba pang kasama sa kusina, "Oh anak tapos kana mag review?" Tanong ng ina nito, kinuha niya ang basahan at walis. "I'll clean the house, bored na'ko mag review ma." Ngumiti lang siya sa ina at tinuloy ang second floor para mag linis. Punas doon punas dito, walis dito walis doon. Pumukaw sa kaniyang atensyon ang isang picture frame, nandoon ang mukha ni Mrs. Cervantes si Mrs. Beatrice na anak nito at isang batang lalaki. "May kapatid si Madam?" Bulong niya at kinuskos niya ulit. Pupwede naman silang pumasok sa kwarto nito basta mag lilinis lamang. Matinik ang mga mata ni Mrs. Cervantes marami naring napaalis sa mga kasamahan nila dahil na te-temp na nakawin ang mga alahas nito. Akmang bubuksan ni Althea ang pinto nang marinig niyang paswitan siya ni Mrs. Cervantes. "Althea, hindi mo ba nakikita, no entry. Hindi pwedeng pumasok sa kwartong yan." Masungit na sinabi nito "Ah pasensya na po Madam." Saad nito at tinungo ang pag lalakad. Mabait ang boss nila pero attitudera ito madalas, hindi din niya alam kung may topak ba ito o bipolar. "Ay mama, oras na maliligo na pala ako!" Nag madaling pag takbo nito. Kakaunting pulbos lang, liptinit at suklay ayos na. Tumakbo na siya Papalabas ng Subdivision, dahil mag aabang siya ng jeep. Katabi lamang ng terminal ang subdivision nila kaya wala siyang problema. Narating niya ang eskwelahan at doon nakita si Marie. "Sis, may ipapakilala akong boylet sa'yo" sinabi nito. "Really? Mag papabuntis na yata ako." Sinabi ni Althea. "Ay gaga bakit buntis lang! Asawahin mona rin!" Sinabi ng kaibigan niya at nilabas nag cellphone para ipakita ang mukha ng lalaking irereto sakaniya. "Ay sis gwapo! Sa palagay mo magugustohan niya ba ako? Kasi hindi ko naman ikakaila gusto ko narin mag asawa, ang tanda tanda kona pinag lipasan na ako ng panahon, or kahit anak man lang." seryosong sinabi nito. "Wow iba na yata ang pananaw mo ngayon really?" Pang aasar ng kaibigan nito. "Kasi si Mama siyempre tumatanda na gusto nadaw niya ako mag asawa. Pero kahit anak lang masaya na ako" nangamot ng ulo si Althea dito at nag tabi sila ng upuan. "Bakla kailangan mo din nga ng lalaki, paano ka manganganak tiyaka kailangan mong pumunta sa students night." Pag papaalala ulit nito. "Oo pupunta na ako pinayagan ako ni mama, wait lang! Anong pinakita mong itsura ko at napapayag mo ang lalaking 'yan? Alam niya bang gurang na ako? Alam niya bang lagpas na ako sa kalendaryo?" Sunod sunod na tanong ni Althea, nagulat si Althea ng nakita ang picture niya, todo ang photoshop. "Gago ka! Bakit naka photoshop ang mukha ko? Bano ka talagang bakla ka!" Sigaw niya dito "Babae nako ngayon excuse me! Mag papasalon ka huwag kang matigas ang ulo!" Sinabi ni Marie at hinatak ang buhok niya, "Kinakabahan ako kasi baka mag expect siya saakin." Sinabi nito. "Alam mo maganda kanaman, kulang kalang sa ayos Althea. Kaya wala ring nag temp na ligawan ka kasi masyado kang seryoso, masyadong inuna mo 'yung iba kaysa sa sarili mo. Dapat balanse lang o kung tumanda kang dalaga sino mag aalaga sayo kapatid mong suwail? Ngayon lang nga hindi niya kayo pinapansin." Diretsong sinabi ng kaibigan. Totoo naman, kaya nalipasan ng pag kakataon si Althea dahil din sa sobrang pag kayod niya, pag tustos sa kapatid niyang ubod ng bait, puro pera lang ang hinihingi sakanila. Samantalang siya at ng ina ay halos makuba na sa pamamasukan. Natapos ang examination at ramdam naman nila ang success, pasado sila. Dahil pinakopya lang naman niya si Marie. Marie Acuña Ngayon ang pangalan ng kaibigan niya pero kung titignan mo ang ID niya hindi padin mawawala ang MALE GENDER at pangalan nitong MARBERT ACUÑA. Isang transgender ang kaibigan nito, repeater, gawa ng katamaran at nabroken hearted kaya ginamit nito ang yaman doon nag pa retoke sa Thailand. Mayaman ang kaibigan niyang ito dahil ang tatay nito ay isa sa mga may ari ng school, kasama siya sa mga Director at stockholder ng school. Dating Pulis ang ama ni Marie, kaya nagulat ang buong angkan nilang mga tigasin at biglang naging binabae ang anak niya. Kahit ganito naman si Marie ay may sariling Botique at salon sa mall kaya naman hindi problema kung araw araw niyang imake over ang kaibigan niyang si Althea dahil libre naman. Matapos ang sunod sunod na exam. Alas otso na ng gabi nakapag out ang dalawa, nakasakay siya sa kotse ng kaibigan at kumakain sila sa loob. "Bigyan mo nalang kaya ako ng spermcell" out of the blue na sinabi ni Althea. "f**k NO! OH MY GOD ALTHEA NO! This is INSANE!" Tili ng kaibigan nito. "grabe wala nabang pag asa sa sperm mo!?" Pasigaw nitong tanong. "No ayoko, gusto ko ng Etits hindi Tahong! It's a big no! Paka tandaan mo 'yan, ayokong maging asawa ka no! Kadiri hindi ko maimagine na pumatol sa babae." Maarteng sinabi nito. Binatukan ni Althea ang kaibigan para matauhan. "Gusto ko lang talaga mag ka-anak, lahat ng kaklase natin or halos, may buntis na. Ako thirty two na wala padin." Saad ni Althea dito at malungkot na napabuntong hininga. "Hayaan mo malay mo itong si Mr. Timothy na ang kasagutan saiyo." Pag ngiti ng kaibigan niya sakaniya, "Timothy, sana maranasan ko man lang mainlove bago ako tumanda ng lubusan, teka ilang taon naba yan at saan mo napulot ang lalaking yan?" Tanong ni Althea dito. "Pinakilala lang ng kaibigan ko, don't worry babae naman hindi bakla. Walang sinabing Age si Tim, gusto daw siya sayo niya sasabihin o diba!" Malanding sinabi ng kaibigan nito. Narating ni Althea ang bahay at dumiretso sa kwarto kasama ng nanay niya. "Nako naman anak ano bang itsura yan? Paano ka makakahanap ng mayaman at gwapong lalaki kung mukha kang nene na nalipasan nang gutom?" Pang aasar ng ina nito. "Mama nako binubugaw mo nanaman ako." Saad nito. "Anak walang masamang ma in love i-try mo, masaya ang may partner lalo na kung sa hirap at ginhawa mag kasama kayo. Sana mabigyan mo na ako ng apo. Gusto ko narin lumipat tayo ng bahay." Saad ng ina nito at humiga. "Mama malapit nakong gumraduate siguro give me six months hindi kana magiging Yaya. Lalong bibigyan din kita ng Apo, at yung mapag mamalaki kong asawa saiyo." Tumabi siya sa ina at yumakap. "Hay nako tumayo ka at ang baho mo." Tinaboy siya ng ina niya at doon napakamot ng ulo tumayo at kinuha ang gamit. Hiwalay lahat ng katulong sa bahay na ito kahit na katiwala sila, iba padin ang lugar ng Boss sa mga Katulong, nasa labas ang banyo nila kaya kinakialangan niya pang lumabas ng bahay para puntahan ang banyo. Minadali niyang maligo dahil nirarayuma na ito, SIGNS OF AGING ika nga nila. "Aahon din tayo Ma, hintayin mo at magiging sikat na artist ako lahat ng pinag hirapan mo magiging worth it." Sa tuwing tumitingin siya sa bituim nangingiyak-ngiyak siya, masyadong mapait ang tadhanda sakanilang mag ina, dumagdag pa ang kapatid niyang walang inatupag kundi mag pa buntis pag tapos nilang paaralin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD