Kinabukasan nagmamadali siyang nagbihis para makababa na at makasabay sa almusal si Sebastian, isama pang umaasa pa rin siyang absent pa rin si Mang Dante at si Sebastian ang maghahatid sa kanya sa school. Alam niyang masyadong OA ang ginawa niyang pang-aakit kay Sebastian kagabi sa may pool area. At aware din siyang sumobra na din ang pakikialam niya sa relasyon ni Sebastian kay Irish. Kaya naman kagabi matapos siyang talikuran at iwanan ni Sebastian sa may pool area, napag isipan niyang ititigil na niya ang pakikialam sa personal nitong buhay. Hindi na siya magtatanong pa kay Sebastian tungkol kay Irish at sa panloloko ni Irish rito. Sebastian is mature enough ayaw nitong pinakikialaman ito, isama pang isa itong doktor at nasa tamang edad na, kaya wala siyang karapatan na makialam at ma