Ngumiti siya at lalong ginamit ang mapangakit na mga mata habang nakatingin kay Sebastian. "Iyon ba ang tingin mo Sebastian?" Balik tanong niya sa binata sa tanong nito kung inaaakit niya ito. "Scarlett!" Mariing tawag nito sa pangalan niya. Ewan niya pero masarap sa pandinig niya tuwing tinatawag siya nito ng Scarlett. May kakaiba siyang nararamdaman at gusto niya ang ganoong pakiramdam. "Here," sabi niya sabay balik sa kopita na may lamang alak. "Hindi pa kasi ako pwedeng uminom. But, next week after my birthday pwede na kong makipag sabayan sa iyo, Sebastian," malambing niya sabi rito at tumayo na mula sa kinauupuan. Kunot noo namang nakasunod ng tingin sa kanya si Sebastian. "What are you doing?" Sebastian asked. "Just, watch and see," she said at sinimulang hubarin ang suot na m