“IKAW nga umamin sa akin Ruan Simon,” untag ni Silas sa kanya. Pareho silang nasa balcony ngayon ng mansion ni Silas. Matagal na siyang hindi nakakapunta doon at si Keira lang pala ang magiging dahilan ng biglaan niyang pagsugod doon. That mansion holds a lot of memories from his childhood. Doon siya lumaki kasama ni Silas dahil magkababata ang kanilang mga ama. Nang sabay na mamatay ang mga ito, sinabi ng abogado nila Silas na maari sila tumira doon ng mama niya na tinanggihan naman sa huli. Masyado malaki ang bahay na iyon para sa kanilang tatlo ni Silas kaya mas pinili nilang mangupahan na lang. Unti unti na din naman siya nakakaipon kaya mabibigay na niya ang gustong bahay ng mama niya. For that mansion, Silas and him decided to give it to manang Lucille. Doon na nakatira ang pamilya