KINAKABAHAN, 'yon ang pangunahing nararamdaman ni Keira ngayon papunta na sila ni Ruan sa Manila para humarap sa prosecution. She was summoned to give her own statement with regards to the suicide note found in the crime scene. Paano niya nga i-explain iyon? Buong gabi siya nag-isip ng maaring gamiting salita para doon kaya hindi siya gaano nakatulog. Napatingin siya kay Ruan na kalmadong nag-drive. Wala silang imikang dalawa magmula ng umalis sa mansion ni Silas. Hindi niya ngayon alam kung mamaya makakalabas pa siya o tuluyan nang ikukulong. Ang sabi sa kanya ni Primo, sa prosecutor's office na sila magkikitang dalawa kasama ang abogado ng pamilya nila. Desisyon din naman niyang h'wag na gawing abogado si Sebastian o ang daddy niya. To avoid conflict and another issue that can b