EVA "Naku, anak! Ang dami naman nitong pinadala mo!" sabi ni Inay at kitang-kita ko sa camera ang kasiyahan nila. Sinabi ko na sa kanila na nakauwi na kami ni Rebecca ng Manila at nakakuha na rin ng apartment. "Papasyalan ka namin d'yan, anak!" sabi pa ni Itay na sinuot na ang sapatos na binili ko para sa kanya. Naglakad-lakad pa ito na parang model, "Ang gwapo ko sa sapatos na ito!" "Bakit paa ba iyang mukha mo?" Hindi ko napigilang mapatawa sa sinabi ni Inay. At nauwi na nga sila sa asaran. Pinatay ko na ang tawag at nagpagulong-gulong sa kama ko. Nag-ring ang cellphone ko at sinamaan ko iyon ng tingin. Pero napabangon na lang ako bigla nang pangalan ni Hujin ang nasa screen. Sinagot ko 'yon kaagad, "Hel—" "Ba't hindi ka makontak kanina? May katawag ka bang iba?" Halata s