Chapter 6

1099 Words
VICTORIA ALERTO ANG lahat ng senses ko sa katawan. I should not let those tamers get me. For I know, once na mapasakamay nila ako, I only have two fates: to be killed right away or to be tortured before getting killed. Mabilis akong umakyat sa puno at nagpalipat-lipat sa mga sanga nito. Pilit kong pinapakiramdaman ang mga tamer na humahabol sa akin, at napamura na lang ako nang maramdaman kong palapit na sila nang palapit. Damn those trainings they have undergone! Mabilis akong yumuko nang maramdaman ko ang paparating na kutsilyo. Bumaon ito sa sanga, kasunod nito ang pagbulusok pa ng ilang mga kutsilyo. Bwisit. Mabilis akong tumalon paibaba saka gumulong papunta sa likod ng isang puno. Hindi ko mapigilang hindi hingalin. Naging tahimik ang buong paligid, nangangahulugang tinutunugan nila ako. They want to ambush me. Heck. I grabbed a twig nearby and threw it, at nang tumama ito sa kahoy ay kaagad na nagsiliparan ang mga kutsilyo. I grabbed the chance para tumakbo, pero hindi pa rin ako nakatakas nang tuluyan dahil nagawa pa rin nila akong mapansin. Mas binilisan ko ang pagtakbo ko nang sa ganoon ay mahirapan sila. At nang mapadaan ako sa masukal na parte ng gubat ay biglang may humila sa akin. Mabilis kong hinawakan ang kamay ng humawak sa akin at akmang babaliin na sana ito nang marinig ko ang boses niya. "Woah, woah, stop!" Iyong lalaking binuwisit ako sa bar. "How did you---" "Stop talking," he cut me off and covered my mouth with his right hand. "They are just near," bulong niya. Tama nga siya. Rinig na rinig ko ang mga mabibilis na hakbang ng mga tamer. Pati na rin ang mga pag-uusap nila kung paano ako huhulihin. At nang makalagpas na sila ay mabilis kong inalis ang kamay ng lalaki sa aking bibig saka siya hinarap. "How did you get here?" tanong ko sa kaniya. Ngumisi lang siya at nagkibit-balikat. "Ikaw, how did you get here? At bakit may humahabol sa iyo?" he asked. Natigilan ako. I was caught off-guard. I should not tell him that I am a succubus, but what should I say? Anong alibi ang sasabihin ko? "Siguro ay mga siraulo ang mga 'yon at balak ka sanang gahasain, 'no?" saad niya at tumango na lang ako. "Nasaan ba ang mga kasama mong lalaki kanina?" tanong niya ulit. Naikuyom ko ang kamay ko at hindi napigilang mapamura nang mahina. Nag-igting ang panga ko saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "They left me when those people threatened them. Ipinagkanulo nila ako," sagot ko. "Dapat kasi sa akin ka na lang sumama," saad niya bago inilahad ang kamay niya. "Let's go?" alok niya nang nakangiti. "Saan?" tanong ko at pilit na tinanggap ang kamay niya kahit na hindi pa rin aki komportable sa presensya niya. "I'll send you home," sagot nito saka ako mabilis na hinila saka kinarga na parang bride. "I'll carry you. Mahirap maglakad nang naka-paa," litanya niya nang mahalatang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. "Don't think na tini-take advantage kita." Natahimik na lang ako at hinayaan siyang maglakad. Ilang minuto lang ay nakalabas na kami sa kagubatan. Wala na rin ang mga tamer sa buong paligid dahil hindi ko na sila maramdaman. "I'm sorry, wala akong kotse. Siguro maglalakad na lang tayo," saad niya kaya napataas ang kilay ko. "Kaya mo ba?" "Oo naman! Ako pa!" Bahagya niya akong ibinaba saka ipinakita sa akin ang braso niya. "Kita mo itong muscles ko?" he boasted while flexing his biceps. "Kaya ka nitong kargahin kahit na isang milya pa ang lalakarin," dagdag niya dahilan para mapangiti ako. This man is really something. So silly, yet so irritating. But I don't understand why I am feeling comfort in his warmth. Napailing ako. Damn. I shouldn't be feeling this thing. I must not. Tinalikuran ko na lang siya saka naglakad palayo. Tinawag niya ako pero mabilis akong tumakbo pabalik sa gubat. Lumingon ako at napanatag nang makitang hindi na siya sumunod. Huminto ako at tumingin sa maliwanag na buwan. Ikinuyom ko ang kamay ko saka ngumisi. It's payback time, Dion. KARIM WALA AKONG nagawa kundi ang hayaang makalayo ang succubus na iyon. Mabuti na lang talaga at naunahan ko ang mga kasamahan ko na maabutan siya. Dahil kung hindi ay baka pinatay na siya ng mga ito, at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari dahil kailangan ko pa siya. Mukhang nakukuha ko na ang kaniyang loob dahil pansin kong parang komportable na siya sa akin. Napansin ko rin ang saglit na pagsilay ng kaniyang ngiti kanina nang ako ay magbitiw ng biro. At pansin ko rin na hindi niya napapansin ang aking suot na banal na bato, na dapat sana ay kaagad niyang mapapansin dahil ito ang palatandaan ng pagiging isang tamer. Napailing na lang ako bago tumingala. Tumingin ako sa buwan saka hinubad ang suot ko at itinira ang kasuotan naming mga tamer, at naglaho na rin ako sa dilim. Mabilis akong tumungo sa aming lungga na matatagpuan lang din sa kagubatang ito. Nang makarating ako ay kaagad akong sinalubong ng mga kasamahan namin. "Karim, saan ka ba nanggaling?" medyo inis na tanong ni Kleo. Si Kleo ang isa sa mga pinagpipiliang papalit kay Guro bilang pinuno ng mga tamer. Magkasing-edad lang kami, pero alam ko ang agwat sa pagitan naming dalawa. Mahusay siya kesa sa akin. "May ginawa lang akong importante, Kleo, pasensya," saad ko at akmang maglalakad na sana ako palayo nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko. "Importante? May mas importante pa ba sa tungkulin natin, ha?" Napataas na ang kaniyang boses kaya napatingin na ang iba sa amin. "Meron," sagot ko dahilan para mas humigpit pa ang kaniyang pagkakahawak. "Tama na 'yan!" saway sa amin ng aming pinuno. Mabilis akong binitawan ni Kleo at sabay kaming humarap sa aming pinuno. "Guro," sabay naming sambit. "Walang patutunguhan ang pagtatalo ninyo. Tama na iyan," saad nito. Sabay kaming tumango pero napansin ko ang pag-igting ng panga ni Kleo. Pasimple niya akong sinulyapan saka bumulong, "Hindi pa tayo tapos, Karim." Binangga niya ako bago siya tuluyang umalis. "Pagpasensyahan mo na si Kleo, Karim. Alam mo naman siguro kung bakit ganoon ang iniasal ni Kleo." "Alam ko po guro," sagot ko. "Naiintindihan ko siya." Ngumiti lang siya bago tinapik ang balikat ko. "Salamat." "Sige po, kailangan ko pang puntahan ang kapatid ko," pagpapaalam ko bago pumunta sa likurang bahagi ng lungga namin kung saan nakalagay ang motor ko. Nang makarating ako ay kaagad kong pinaandar ang motor at pinaharurot papunta sa ospital kung saan naka-confine ang kapatid ko. Pagkarating ko ay kaagad kong pinuntahan ang silid ni Kuya Rogel. At nang makapasok ako ay muli na naman akong nanghina. Pinigilan ko ang aking sarili na hindi maiyak. Nilapitan ko ang kapatid ko saka hinawakan ang kaniyang kamay. "Kuya, malapit na. Konting panahon at tiis na lang, magigising ka na." ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD