Chapter 5

1227 Words
VICTORIA I CURSED silently as I think of a way on how to escape the tamers who are just standing in front of us, with their hands on their back-grabbing their weapons secretly. "Who the hell are these people?" kunot-noong tanong ni Dion bago binuksan ang bintana at dumungaw. "Hey! What is your problem? Get out of the way!" singhal nito. "Damn," mura ni Clark nang hindi man lang sumagot o gumalaw ang mga tamer. Nakatingin lang sila sa amin. "These people are creepy and scary," puna niya. Shit. I badly need to find a way. I can't fight all of them! I am sure that I'll be dead as f**k when I will choose to fight them. I got no chance of winning. "Why are they just standing there? Aren't they gonna move?" inis na sabi ni Steven at binuksan ang pinto at lumabas. "Hey, you, people! Ano ba ang problema ninyo? Can you please move your asses out?!" Biglang napaatras si Steven nang humakbang palapit sa amin ang mga tamer. Naging aligaga ako at nawala na ang konsentrasyon ko. All I know right now is that I am terrified. "Ilabas ninyo ang kasama ninyong babae!" sigaw ng isa sa kanila. I cannot point who just talked, because they were all wearing the same outfit-a black suit with black leather mask covering their faces. Kaagad na napatingin sa akin ang mga kasamahan ko. And basing from the way they look at me, I know that they will throw me to them at any moment. That's why I immediately kissed Dion and marked him. "Don't listen to him, guys," I said, trying to convince. "You don't know them, they might he dangerous and might harm me." "Victoria," Clark called and held my shoulder. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakatingin kay Dion. "What you have said is right. They might be dangerous..." "Good thing that you listened to m-" "That's why I will do what they wanted us to do," he cut me off as he drag me out of the car and threw me in the rough and cold concrete road. "Dion!" I shouted as his car left me. Bullshit! Mabilis akong tumayo at ipinosisyon ang sarili ko. I should not let these tamers see me as a weak and fragile s**t. I must look tough so that they will fear me. I am a demon, and I am capable of doing demonic things! "Sumama ka sa amin, succubus!" Akmang lalapitan na sana ako ng isa sa kanila nang mabilis kong hinubad ang suot kong heels at ibinato ito sa kaniya, na tumama naman sa kaniyang ulo. Pagkatapos niyon ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. I even heard them calling and warning me, but heck, I am not dumb to stop and follow them. I am not in a movie! I am in a real s**t right now, and practicality is the best policy for me; and that practicality means running away from them to spare my own life. Mabilis akong tumungo sa masukal na parte ng lugar. Good thing dahil sa magubat na parte kami hinarangan ng mga tamer. It will be an advantage for me, for I can see clearer during night. I ran as fast as I could, not looking behind. I know that they are following me. I can feel their presence, and can smell the small amount of lust lingering throughout their body. Fuck! Kaagad akong napayuko nang marinig ko ang tunog ng umiikot na kutsilyo. Bumaon ito sa kahoy. Nang makabawi ako ay mabilis ko itong hinugot at muli akong tumakbo. Iwas ako nang iwas sa mga bumubulusok na mga sandata mula sa iba't-ibang direksyon. Damn, these tamers are too desperate to get me. But sorry, they can't. They must not. "Tigil!" Nabigla ako sa pagsulpot ng isang tamer at itinutok sa akin ang isang bolo na may marka ng langit. Mga sinaunang titik na nakaukit sa talim, na kapag hiniwa ang aming balat ay mag-iiwan ng isang nakakapasong sugat na maaaring maging dahilan ng pagkasunog ng aming mga katawan na maaaring humantong sa aming kamatayan. But I am not stupid to stop. I immediately cut his arms, causing him to loose his grip on his weapon. Then I grabbed the opportunity to attack him: I kicked his chest as hard as I can, then his face, and his knees. Nang mawalan siya ng balanse ay mabilis ko siyang dinaganan at pinadaan ang talim ng aking kutsilyo sa kaniyang leeg. Bumulwak ang masaganang dugo niya, na tumama pa sa aking damit at balat. Mabilis akong tumayo para tumakbo, dahil nararamdaman kong malapit na malapit na sa akin ang mga kasamahan ng pinaslang ko. Bwisit naman kasi ang Clark na iyon, pati na rin ang Dion na iyon. Tingnan lang natin mamaya kapag nakatakas ako mula sa mga tamer na ito. I will make sure that I will kill that bastard, Dion. I will make him pay-bloodily. KARIM GINAGAWA KO na ang mga paunang hakbang para makuha ko ang loob ng succubus na iyon nang biglang tumawag sa akin ang aking kasamahan at sinabihan akong may haharangan daw kaming succubus. Kaya kahit na hindi ko gusto ay mabilis kong nilisan ang bar. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko kanina: ang pag-i-ingles ko para magtunog sosyal ako; ang reaksyon ng succubus na iyon nang harangan at halikan ko siya; pati na rin kung paano siya humalik. Napailing ako sa mga naisip ko. Dapat hindi ako mahulog sa kaniyang nakakapanlinlang na anyo. Isa siyang demonyo. Isa siyang halimaw na nagbabalat-kayo. Nang makarating ako sa lugar kung saan namin aabangan ang succubus na sinasabi nila ay kaagad akong nagsuot ng itim na suit at maskara nang sa ganoon ay hindi ako mamukhaan ng succubus. Natuto na kasi kami. Noon ay hindi namin ito ginagawa, pero nang atakihin ng mga succubus at incubus ang mga pamilya ng mga namumukhaan nilang tamers, sinimulan na naming maging mas maingat. "Humanda ka na, Karim. Kapag hindi sumama sa atin ang succubus nang matiwasay, siguraduhin mong papatayin mo siya," bilin sa akin ng aking guro at iniabot sa akin ang isang katana na may marka ng langit. Ang mga markang ito ang pumapatay sa mga demonyong nakakalaban namin. "Walang problema, guro," sagot ko bago kinuha ang sandata. "Tara na, maghanda na tayo," saad nito bago nagtago sa kakahuyan. Tumango lang ako bago sumunod. Ilang minutong paghihintay lang ang nangyari at may nakita na kaming kotseng paparating. Mabilis kong naramdaman ang presensya ng succubus na nasa loob ng kotseng iyon kaya naman kaagad kong ipinaalam ito sa mga kasamahan ko. Mabilis naming hinarangan ang kotse at sinubukang kausapin nang maayos ang mga mortal na nasa loob ng kotse. Sa una ay nagmamatigas pa ang mga ito, pero nang humakbang na kami palapit sa kanila ay kaagad nilang inilabas ang succubus at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo. Nang makita ko kung sino ang succubus na hinarangan namin ay nabigla ako. Siya iyong hinarangan ko sa bar! Kaagad akong napahakbang palapit sa kaniya pero laking gulat ko nang binato niya ako ng suot niyang heels, pagkatapos ay mabilis na tumakbo papasok sa masukal na parte ng gubat. Mabilis kaming kumilos at hinabol siya. Pero habang tumatakbo kami ay bigla akong napangisi. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito, pero mukhang itinadhana talagang magkita kami ng succubus na iyon. At sa tingin ko, siya na ang sagot sa problema ko. Siya na ang matagal kong hinahanap na gigising sa kapatid kong matagal nang nahihimlay. Tunay ngang makapangyarihan ang tadhana. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD