Kanina pa patingin-tingin sa labas si Ysabelle para abangan kung narito na ang lalaking ‘yon. Paano kung pinaglalaruan lang siya nito at lasing kagabi? Ang tanga niya dahil hindi niya inalam ang pangalan n’yon kahapon. Kapag hindi pa ito dumating ay aalis na siya. Sayang lang ang oras niya para magpahinga. Nagpadala siya sa itsura kaya siguro um-oo siya dito.
“Nandito ka na agad.” Umupo si Elias sa harap ng dalaga at tumingin dito. Kumpara sa nakita niya kagabi, nakasuot ito ng isang itim na t-shirt at maong na pants.
“Oo naman. Nakakahiya kung ikaw pa nauna.” Ang kisig nito. Halos pumuputok na ang suot na shirt dahil sa muscle ng binata. Medyo may kahabaan ang buhok nito at ngayon niya lang nakita ang tattoo nito sa braso.
“Narito ang kontrata. Kapag nabasa mo na at napirmahan, ngayon ang magiging epektibong ng kasunduan natin at babayaran ko na ang utang mo.” Ibinigay ni Elias ang dokumento at tumawag ng waiter.
Habang binabasa ni Ysabelle ang nasa loob ay hindi maiwasang napanganga siya dahil ang sabi doon, bibigyan siya ng fifty thousand every month na para bang pinapasahod siya. Maliban doon may karagdagang ding bayad para sa natatanging serbisyo.
“Teka, extra service ba ‘to?” tanong niya. Tama kaya ang iniisip niya? Napalunok siya at tumingin sa binata na kanina pa nakatitig sa kan’ya.
“Oo. Dapat namang hindi ako malugi sa kondisyon na ‘yan, ‘di ba?”
Pinagpatuloy ng dalaga ang pagbabasa. Lilipat siya sa penthouse nito sa durasyon ng apat na buwan. Tungkulin niya na samahan ito sa lahat ng events at ano mang personal gatherings, dapat ay palagi rin s’yang available sa lahat ng oras at kailangan n’yang sundin ang batas nito. Ang pakikipagsiping ay dapat ekslusibo lamang sa binata. Namula si Ysabelle. Ang laki pa naman yata ng kargada ng binata.
Inaasahan nitong susundin niya ang mga patakaran sa labas at loob ng bahay. Hindi rin siya p’wedeng makiaalam sa personal na buhay nito. Pinagbabawal rin na makipag-relasyon siya habang epektibo pa ang kontrata maging ang naging diskusyon nila tungkol dito. Kapag satisfied at nagawa niya ang lahat, magkakaroon siya ng sampung milyon na buo.
At ang huli na tumatak sa kan’yang isipan at dapat n’yang tandan na lahat ng ginagawa nila ay dahil lang sa kontrata. Hindi na p’wedeng sumubra pa doon ang kung ano man ang meron sa kanila. In short, no string attached ang mangyayari.
Sa baba ay may lagda na ng pangalan ng binata. Elias Ocampo.
‘Elias.’ Iyon pala ang pangalan nito.
Kinuha niya ang ballpen sa gilid at agad na pinirmahan ang kontrata. Sigurado na siya rito dahil saan pa siya kukuha ng pera para matubos ang utang ng ama niya? At least dito mararanasan niya pa ang mamuhay ng maganda at may pera.
Napangisi si Elias habang umiinom ng tsaa nang makita itong pirmahan ang kontrata. Ibinalik ni Ysabelle ang dokumento na may ngiti sa labi. Hindi niya napapansin na kanina pa siya tinitingnan ng mga lalaki sa loob, hindi lang makagalaw sa kan’ya dahil sa lalaking kasama niya.
“Kagaya ng sinabi mo, dapat bayad na ang utang ko ngayon.”
Kinuha ni Elias ang kontrata at tiningnan ang pirma nito. “Bayad na,” sagot niya. Kahapon niya pa nabayaran ang utang nito dahil kahit hindi ito pumirma ay gagawa siya ng paraan para mapapayag ito sa gusto niya.
“Talaga?” Ang bilis naman. Nagagawa nga naman ng maperang tao. Tumayo si Elias at biglang tumabi sa kan’ya na kinabigla niya.
Lumapit ang mukha nito sa kan’ya at hinawakan ang bewang niya bago nilapit ang upuan nito sa binata.
“A-ano’ng ginagawa mo?”
“Ano sa tingin mo? Pinapakita ko lang sa kanila na babae kita.” Binaba ni Elias ang kan’yang mukha sa balikat ni Ysabelle, amoy na amoy niya ang halimuyak nito na hindi niya makalimutan.
Hindi makagalaw si Ysabelle. Masyadong mabilis ang kilos ni Elias.
“Masyado kang tensyunado, Ysabelle. Dapat na masanay ka na sa mga ganito dahil kahit saan at ano mang oras ‘yan ay may mga gagawin ako sa’yo,” bulong nito pagkatapos dimpian ng halik ang kan’yang balikat. Bawat pagdampi ng labi nito ay nag-aalab ng masidhing init sa loob niya.
Umatras si Elias. “Tapusin mo nang kumain at dadalhin na kita sa bagong tirahan mo.”
—
Ayos na ang mga gamit ni Ysabelle sa isang kwarto dito sa penthouse ni Elias. May sarili s’yang kwarto ngunit kapag gusto ng lalaki na katabi siya ay dapat na sundin niya ito. Ang laki ng bahay ni Elias, ang kwarto niya nga ay halos lahat na ng sulok ng bahay nito, pero dito napakalaki. Ngayon lang siya nakatuntong sa ganitong kagarang bahay. Nasa kusina siya ngayon at naghahanda ng makakain. Iniwan siya ni Elias habang ito ay nasa isang silid kung saan ito nagtatrabaho. Ang dami ng gamit dito at pagkain, pero parang hindi nagagamit at nagagalaw. Buti hindi pa expired.
Ano kaya ang lulutuin niya? Hindi pa naman niya alam ang gusto ng lalaking ‘yon. Bahala na. Habang nagluluto ay dumating naman si Elias. Nangunot pa ang noo nito nang makita s’yang gumagawa n’yon. Kahit nakatalikod, ang ganda pa rin ng hubog nito. Tahimik itong naglakad sa likod at niyakap ang bewang ng dalaga.
Nanigas si Ysabelle at bumigat ang paghinga. Bakit ba pabigla-bigla ito? Masyadong touchy o gano’n talaga ito sa mga babae? Kinalma niya ang sarili at hinayaan ito.
“Alam mo ba kung gaano ka ka-sexy sa ginagawa mo? Hindi ko naman sinabing magluto ka.” Iginapang ni Elias ang kan’yang kamay sa tiyan nito patungo sa dibdib kung ‘di lang ito humarap sa kan’ya kaya napabitaw siya.
“Wala kasi akong magawa kaya nagluto na lang,” sagot ni Ysabelle. Halos hanggang labi lang siya ng binata kahit matangkad siya.
Tumitig ang maitim nitong mata sa kan’ya kaya napaiwas siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Kung ‘di siya gumalaw ay baka nasa dibdib niya na ang kamay nito. Oo at may nakakahawak sa kan’ya, pero hind isa ganitong paraan. Ito ang pinasok niya kaya ano’ng magagawa niya? Apat na buwan lang naman kaya makasusurvive naman siya.
“Ayokong gumagawa ka ng mga bagay na hindi ko naman iniutos sa’yo. May mga tagaluto ako at mamaya lang ay narito na sila kaya hindi mo kailangan gawin ‘yan,” wika ni Elias gamit ang malamig n’yang boses. Hindi nito binigyan pa ng pagkakataon si Ysabelle na magsalita at kinaladkad ito patungo sa kan’yang kwarto.
Binagsak niya ito sa kama. “Dito ka matutulog ngayong gabi.”
“Ngayong gabi? H-hindi pa ako nakakaayos ng gamit,” pagsisinungaling ng dalaga at kinuyom ang kamao sa sapin ng kama.
“Wala akong pake doon. My rules remember? Sabi ko sa’yo na dapat na ihanda mo ang sarili mo sa mga gugustuhin ko, Ysabelle. You accepted the contract; you might as well do your part to make me happy. Hindi mo gugustuhin na makitang galit ako,” pagbabanta nito. Hindi ito tumatanggap ng ayaw na sagot.
Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isipan ni Elias. Nag-aalala tuloy siya sa sarili at parang tumapak siya sa lugar ng leon na siya naman ang kusang lumapit. Minsan, mabait ito sa kan’ya at minsan naman ay napakalamig ng pagtrato sa kan’ya kagaya na lang ngayon. Sa kabila nito mayroong isang bagay na kakaiba tungkol kay Elias, isang bagay na nag-aapoy ng kuryusidad sa kan’yang isipan. Gusto n’yang alamin ang mga lihim na nakabaon sa ilalim ng pagkatao nito. Ngunit habang tumitingin siya sa malalim nitong mata, hindi maiwasan ni Ysabelle ang panlilimit na pag-aalala na nananatili sa likod ng kan’yang isipan.
“Ano’ng gusto mong gawin ko?” tanong niya sa mahinang boses na tila takot na marinig ng binata. Ito na ‘yon? Iyong extra service na sinasabi nito sa kontrata?
Lumapit si Elias at hinawakan ang baba nito. “Huwag kang umaktong inosente, Ysabelle. Ang mga nagtatrabaho sa stripper club ay imposibleng walang alam sa kaligayahan. Naintindihan mo naman ang gusto ko at binasa ang kontrata hindi ba? Umaatras ka kaagad, nagsisimula pa lang tayo?” Inalis niya ang butones ng kan’yang polo at tinapon ito sa gilid ng upuan.
Napakagat ng labi ang dalaga. Masakit ang salitang ‘yon. Hindi porket nagtatrabaho siya doon ay gano’n na ang tingin nito sa kan’ya.
Umangat ang kan’yang tingin nang sinimulan nitong alisin ang sinturon ng pantalon. Matalim ang matang pinukol niya dito.
“Wala pa akong karanasan sa pakikipagsiping, Elias.”