Sumasabay sa indayog ng tugtugin ang mga taong nasa loob ng isang bar. Ang kanilang naghahalo-halong amoy ay ‘di alintana sa kanilang kasiyahan. Si Elias Ocampo, isang misteryosong bilyonaryo at kilala sa kan’yang makapangyirahang presensya ay nakaupo ngayon sa isang pribadong p’westo sa pangalawang palapag ng stripper’s club. Ang matalim n’yang mata ay walang pakundangan na nagmamasid sa paligid. Isa s’yang ekslusibong miyembro dito at regular na customer dahil may koneksyon siya sa may nagmamay-ari ng bar na ito. Sanay siya sa mundong ito kung saan maaari n’yang makuha ang anumang bagay—o sinumang nais niya.
Ngunit ngayong gabi ay kakaiba. Ito ang unang beses na nakuha ang atensyon niya ng isang babaeng nagtatrabaho sa club, isang mananayaw sa entablado. Ang galaw nito ay likas at kaakit-akit. Hindi mapunit ang kan’yang mata magmula nang mapatingin siya sa kinaroroonan nito. Si Ysabelle, ang natatanging babae na nakapukaw sa atensyon ni Elias sa lugar na ‘to. Marami s’yang nakilalang babae na mas maganda at mas nakaakit sa dalaga, ngunit iba ang hatak ng dalaga sa kan’ya na para bang may magnet ito.
Malakas ang appeal at maganda ang katawan ni Ysabelle. Napunta ang dalaga sa lugar na ‘to sa kadahilanang kailangan na kailangan niya ng pera. Napaalis na kasi siya sa restaurant na pinagtrabahuhan niya dahil sa mga sipsip na katrabaho niya na walang ginawa kung ‘di siraan siya. Marami kasi ang utang nila dahil nalulong sa bisyo ang kan’yang ama na yumao noong nakaraang taon. Ngayon ay hinahabol siya ng mga inutangan nito. Nakapanlulumo at napakahirap. Hindi naman siya ang umutang, sa kan’ya bumagsak ang responsibilidad para bayaran iyon.
Iginiling ni Ysabelle ang kan’yang katawan at ngumiti sa mga manonood na hayok na hayok na mahawakan ang kagaya niya. Hindi pa siya sanay ngunit kailangan niya kapalan ang kan’yang mukha kung gusto n’yang magkapera.
Nang matapos siya sa pagtatanghal, lumakad siya sa gitna ng entabledo at gumuhit ang pekeng mapang-akit na n’yang ngiti. Nagsigawan pa ang mga ito at nagtapon ng pera sa kan’ya na hindi niya naman pinulot dahil may gagawa n’yon. Sa kan’yang pagbaba ay ramdam niya ang isang mabigat na titig, ngunit isinawalang bahala niya lang ‘yon dahil gano’n talaga ang ibang manonood kulang na lang ay hubaran siya.
“Sino ang babaeng ‘yon? Ngayon ko lang siya nakita rito, Ismael,” casual na tanong ni Elias sa nagmamay-ari ng club.
Napatingin si Ismael sa tinutukoy nito at napataas ng kilay. “Si Ysabelle? Noong nakaraang linggo pa siya narito at malakas ang hatak niya sa manonood. Bakit Elias, interesado ka? Bawal silang ilabas sa club ko maliban na lamang kung kusa silang sasama sa’yo. Alam mo ang patakaran ko, kapag ayaw, huwag nang pilitin,” nakangiti ngunit mababanaad ng pagka-istrikto sa boses ni Ismael. Binibigyan ng seguridad ni Ismael ang kan’yang mananayaw kapalit ang paglalantad at pang-aakit nito sa manonood.
‘Ysabelle? Magandang pangalan, magandang pakinggan.’
“Interesado? Mukha bang gan’yan ang tipo ko sa mga babae, Ismael? Napatanong lang ako dahil ngayon ko ang nakita ang mukha niya rito.” Tumingin si Elias kung saan tumungo ang dalaga. Marahil sa silid nito kung saan nagbibihis ang mananayaw.
Tumawa ng marahan ang kausap nito. “Sabagay. Alam ko naman ang tipo mo, iyong sopistikado at mataas ang pinag-aralan, tipong kagaya rin natin ang estado ng buhay.” Sa katunayan ay may babaeng pumasok sa isip ni Ismael, ang unang nobya ng kaibigan.
Nilagok ni Elias ang alak bago binaba ito sa mesa at tumayo. “Muuna na ako.”
Ang akala ng kan’yang kaibigan ay uuwi na ang siya na, ngunit ang totoo ay para bang may sariling isipan ang kan’yang mga paa papunta sa dinaanan ng dalagang mananayaw. Hindi pa man siya nakakarating ay rinig niya na ang usap-usapan sa loob.
“Pinuntahan ka na naman ba ng mga ‘yon? Lumipat ka na kaya, Ysabelle? Ngayon wala pa silang ginagawa sa’yo, pero paano kung bukas meron na? Hindi ka na ligtas sa lugar na ‘yon. Hindi rin naman kita mapapatuloy sa amin dahil sa pamilya ko. Gusto mo bang humingi tayo ng tulong kay boss? Baka mapautang ka niya para bayaran ang utang ng tatay mo.”
Bumagsak ang balikat ni Ysabelle. Wala pa sa kalahati ang perang nalikom niya dito. Hindi naman madaling lumipat ng tirahan lalo pa’t gastos na naman ‘yon. Nakakahiya rin sa humingi ng tulong sa boss niya. Ayaw n’yang may iba pang nakakaalam ng sitwasyon niya.
“Pag-iisipan ko,” sagot niya sa kaibigan at ngumiti ng pilit.
“Sige. Para rin sa’yo ‘yon. Lalabas na ako at ako na ang susunod na sasayaw. Ang galing mo kanina.”
Nang makalabas ang babae ay napasandal si Ysabelle sa kan’yang upuan at tumingin sa salamin. Ano ba itong nangyayari sa buhay niya? Ang laki ng problemang iniwan sa kan’ya ng tatay niya. Napahinga siya ng malalim bago napag-desisyunan na magbihis. Hinubad niya ang kan’yang pang-taas na damit nang marinig ang pagbukas ng pinto. Hindi niya iyon inintindi dahil isa lang ‘yon sa mga mananayaw na katulad niya.
Tumigil ang mata ni Elias sa dalaga. Ang kan’yang mga labi ay bahagyang ngumiti habang pinapanood itong magbihis, ang banayad na kaluskos ng tela ang tanging tunog sa tahimik na silid, hindi alintana ang kanyang presensya. Hindi man lang ito nag-abala na lumingon, tila walang pakialam sa pagpasok ng estrangherong nasa loob ng silid at hindi iyon maganda para sa isang babaeng nag-iisa sa kwarto.
“Kaya kitang tulungan sa problema mo.”
Napatigil si Ysabelle sa kan’yang ginagawa, ang mga balahibo sa batok niya ay tumindig sa di-maipaliwanag na pakiramdam. Dahan-dahan s’yang lumingon at napatigil ang kan’yang paghinga nang makita ang lalaking nakatayo sa likuran niya. Hawak-hawak niya ang dibdib na tanging kan’yang braso lamang ang pantakip.
“Paano ka nakapasok dito?!”
Nakatayo si Elias doon, kaswal na nakasandal sa doorframe ngunit puno ng awtoridad ang pagkatao nito. Ang ayos ng suot nitong suit ay tamang-tama sa kan’yang matipuno na katawan, nagpapahiwatig ng kapangyarihan at kontrol na hawak niya sa loob at labas ng silid. Ang kan’yang madilim na buhok ay perpektong nakaayos, na kumokontra sa kan’yang matatalim na itim na mga mata.
Nakaramdam si Ysabelle ng panginginig sa kan’yang tuhod. Ang mata ng binata ay malamig at mapanuri, gumagala sa kan’yang katawan na may nakakabagabag na halong kuryosidad at tensyon. Ang presensya nito ay magnetiko, isang nakakalasing na halo ng panganib at alindog na mapang-akit.
Lumapit si Elias nang makita ang gulat sa mukha ni Ysabelle. Napaatras ang dalaga hanggang sa tumama ang likod nito sa mesa.
“It doesn’t matter how I got here. Kaya kitang tulungan sa mga utang mo. Kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo at hindi mo na kailangan pang magtrabaho dito.” Bumaba ang tingin ng binata sa dibdib nito na mabibilog at malaki. Kunting ipit lang ay kitang-kita na ang hiwa sa gitna.
Napakuyom ng kamao ang dalaga. “At ano ang kapalit? Parausan mo?”
Parausan? Sa trabaho ba nito ay hindi ito nagmumukhang parausan? Nagbibigay sila ng kaligayahan sa mga lalaki.
“Iyon ba ang gusto mo?” tanong Elias at pinaikot ang dulo ng buhok nito sa kan’yang mga daliri. Natutuwa siya sa ekspresyon ng dalaga. Napaatras siya at sumeryoso ang mukha.
“Sa isang kondisyon. Magiging babae kita sa loob ng apat na buwan. Pagkatapos n’yon ay lutas na lahat ng problema mo at babayaran pa kita.”
Ano raw? Nababaliw ba ang lalaking ‘to at ‘di makahanap ng magiging nobya?
“Pero bakit ako? Wala bang gusto maging nobya mo? Sa itsura mong ‘yan imposibleng wala.”
Hindi sinagot ni Elias ang tanong nito at namulsa. “Gusto mo bang mawala ang problema mo? Wala kang ibang gagawin kung ‘di maging partner ko sa mga dadaluhan kong events. Sampung milyon, Ysabelle. Sampung milyon ang makukuha mo pagkatapos ng apat na buwan.”
Ang banayad, nakakalasing na amoy ni Ysabelle ay nanatili sa ilong ni Elias, isang napakagandang timpla ng jasmin at natural na amoy nito. Higit pa ito sa simpleng halimuyak; isang nakakaakit na paalala ng presensya ng dalaga. Nakakabaliw na amoy at kuryusidad na nag-iiwan ng pagnanasa at epekto sa kan’ya.
Lumunok si Ysabelle. Ang lalaking ‘to… ano ba ang nakita nito sa kan’ya para siya ang alukin ng gano’ng kalaking pera? Pero kailangan niya iyon kaya kakapit na lang siya sa patalim nito.
“S-sige. Pumapayag na ako.”