Chapter 15

1907 Words

Dinala ni Rafael si Lorabelle sa mansion ng mga Smith. Ayaw sana ni Lora ngunit mapilit si Rafael kaya wala ng magawa ang dalaga kundi sumama kay Rafael. Nagtataka at napaisip naman si Lora dahil ang pangako ni Gavin na susunduin siya ay hindi natupad. At sumapit na lang ang hapon hanggang narating na nila ang mansion ay walang Gavin na sumundo sa kanya. Binaliwala na lang ni Lora ang gumugulo sa kanyang isipan at sumabay na ito kay Rafael papasok sa loob ng mansion. “Mauna ka na sa sala susunod ako magpapahanda lang ako kay manang ng makakain natin nakakagutom kaya ang exam.” Aniya Rafael at tumawa ng mahina. Agad naman naglakad si Lora papunta sa sala tahimik ang buong paligid walang ingay na maririnig sa buong kabahayan. “Baka nga nakatulog si Gavin kaya siguro hindi niya ako nasundo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD