Chapter 2

1218 Words
JAXON Nanginginig ang tuhod na narating ko ang lugar kung saan ako malimit tumambay sa umaga. Pabor sa akin ang punong narito sa gilid ng kalsada kung saan malilim at makakapag-pahinga ako. Hindi na kasi ako pwedeng manatili sa araw sa lugar kung saan ako tumutuloy pag sumapit na ang gabi. Madalas kasing ipagtabuyan ako ng mga gwardya na nakakakita sa akin malapit sa mga establisyemento na binabantayan nila kaya, minabuti ko na dito na lamang sa ilalim ng puno maglagi. Dito tahimik ako, walang masakit na salitang naririnig mula sa ibang tao. Bagay na naging komportable ako dahil walang mga taong pumapansin sa akin at pilit na pina-paalis sa kung saan ako tumapak na lugar. Walang pakialam sa paligid na kumain ako at inubos ang nabili kong pagkain sa tindahan ni Aleng Rema. Hindi ako pwedeng magtira kahit konti dahil hindi lamang ang mga tao ang kalaban ko dito sa lansangan dahil pati na rin ang mga pagala-galang mga aso at pusang wala rin mga tahanan na gaya ko ay pilit na nakikiagaw ng makakain, mabuhay lang. Napapikit ako bigla matapos kong isubo ang huling piraso ng lumpia na binili ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil may mga tila kung anong eksena ang lumilitaw at sumusulpot sa balintataw ko. Maaaring dala ito ng masamang pakiramdam ko dahil biglang sumakit ng husto ang ulo ko matapos ang tila ilang flashback ng eksena na pinagbabaril ako. Alam kong imposible na naranasan ko iyon dahil kahit minsan ay hindi ko pa naranasan ang nakipag-away o basag ulo kahit pa laking kalye ako. Hindi lahat ng taong lumaki sa kalsada ay basagulero dahil isa akong patunay na kahit ang batas trapiko ay sinusunod ko. Wala rin akong maalala na nakasuot ako ng magarang kasuotan gaya ng nakita ko sa imahe na dumaan sa isipan ko dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakapag-suot noon. Sa status ko sa buhay, malabong mangyari na ako ang lalaking nakita ko sa imahe sa tila flashback ng nawawalang bahagi ng memorya ko. Masyado na yata akong dinadaya ng aking sariling imahinasyon dahil siguro sa kagustuhan ko na mabago ko ang takbo ng buhay ko kaya kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko. Salubong ang kilay habang naka-kunot ang noo ng mag-mulat ako ng mga mata. Walang pagbabago sa paligid ko, nasa ilalim pa rin ako ng puno at ngayon ay nakasandig ang katawan dahil sa matinding kirot ng ulo na nararamdaman ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari. Hindi ko alam kung pangitain ba ito o ano. Natatakot akong isipin minsan na paano kung ako nga ang lalaking nakikita kong walang awang binaril? Hindi kaya posibleng mangyari din ito sa akin sa totoong buhay? Paano kung isa pala itong babala na nagsasabi sa akin kung ano ang magiging kahihinatnan ko balang araw? Kung totoo ang pangitain na iyon, ibig sabihin ay yayaman ako. Pero teka, paano? Hindi naman nahuhulog sa lupa mula sa langit ang kayamanan kaya imposible na mangyari ang bagay na 'yon. Napailing ako sa mga bagay na laman ng isipan ko. Apektado pa rin kasi ako sa ilang eksenang basta na lang lumitaw sa isipan at tila isang nawawalang bahagi ng ala-ala ko. Siguro ay dala lamang talaga ito ng labis na gutom at sobrang pag-iisip kaya bigla na lang may mga ganitong bagay akong nakikita na tila ba ay isang babala. Posible rin na imahinasyon ko lamang ito dahil na rin sa matinding gutom na inabot ko. Bukod kasi sa hindi na ako nakakain ng hapunan ay tanging tatlong pirasong tinapay lamang at tubig ang laman ng tiyan ko. Halos hindi ako maka-bagon kagabi. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Ed, pulubi rin na tulad ko. Kung siguro hindi ako nito pinainom ng gamot ay baka hanggang ngayon ay para pa rin akong lantang gulay na nakahandusay sa gilid ng stablisyemeto kung saan ay madalas akong doon matulog. Kahit paano kasi ay sakop kami ng bubong. Umulan man at humangin ng malakas ay nagsisilbi itong proteksyon sa amin. Mabuti na lamang at mabait ang gwardya na naka-duty doon sa gabi. Hinahayaan kami ni Ed na tumuloy at matulog sa harap ng lugar sa kondisyon na hindi kami mag-iiwan ng kalat at panatilihin na malinis ang lugar kapag iiwan na namin sa umaga. Napatunayan na kasi namin sa kan'ya na mabuti kaming tao ng pulubing kasama ko bagay na ikinatuwa nito dahil may kasama umano siya na nagbabantay sa lugar. Mag-isa lamang kasi siyang naka-assign doon. Bukod sa madilim ang lugar ay may pagkakataon rin na may nagtangkang pumasok pero dahil naroon kami ni Ed ay natulungan namin si Kuya Delfin na maitaboy ang mga pangahas na magnanakaw na pumasok doon. "Uy, Jaxon, ayos ka lang ba? Maputla ka yata?" bungad sa akin ng traffic enforcer na si Kuya Jack. "Medyo masama po ang pakiramdam ko Kuya Jack," nakapikit na sa sagot ko. Umatake na naman kasi ang matinding sakit ng ulo ko kaya pinipilit kong kayanin na 'wag bumigay ang katawan ko. Ramdam ko ang kirot na gumuhit sa sintido ko at hindi ko maipaliwanag na kung anong liwanag ang lumitaw na naman sa balintataw ko na tila isang malabong alaala. "Jaxon, mukhang kailangan na kitang dalhin sa ospital. Nanginginig ka na at tumitirik ang mga mata mo," narinig kong sabi nito at mabilis na nag-radyo sa mga kasamahan. "Kuya, kailangan ko lang po makainom ng gamot," sabi ko. Inaalala ko kasi ang perang ipangbabayad ko sa ospital kung sakaling dadalhin niya ako doon. Walang kahit na sino ang kilala kong willing magbayad kahit singko para sa hospital bills ko. Sigurado na doon na ako mamatay ng tuluyan dahil wala rin naman akong kakayahan na magbayad. "Sa tingin ko, kailangan ka na talagang dalhin sa ospital. Teka," magsasalita pa sana ito ng pilit na ngumiti ako dito at umiling. "Sanay na ang katawan ko sa sakit kuya. Kailangan ko lang po talaga uminom ng gamot," dahilan ko. Wala itong nagawa kun'di ang umiling na lamang sa harap ko at pinasadahan ng tingin ang mukha ko na tila ba doon makakakuha ng sagot sa lahat ng katanungan na tumatakbo sa kan'yang sa isipan. "Bweno, kung talagang ayaw mo ay wala akong magagawa," sabi nito saka inabot ang plastik na hawak ko. "Dito ka lang, pupunta ako ng pharmacy para mabilhan kita ng antibiotic. Paracetamol lang pala itong meron ka, pero sa tingin ko ay may posibilidad na may infection ka sa katawan dahil na rin sa symptoms na nakikita ko," paliwanag nito saka mabilis na tumayo para tawagin ang isang kasamahan para tingnan ako. Walang pakialam na nakaupo lamang ako habang nakasandal ang likod at ulo sa puno habang nakatingin sa kalsada kung saan maraming tao ang nilalampasan lamang ako. Nakakatuwa talaga dahil kahit na nasa ganito akong sitwasyon ay may taong busilak ang puso na willing na tumulong pa rin sa akin. Mabait talaga ang diyos, wala man akong matatawag na kapamilya pero dito sa lansangan kung saan ako ay natagpuan ko ang mga taong gaya ni Ed, Kuya Jack at Kuya Delfin na handa akong damayan sa oras ng kagipitan. Sila lang ay sapat na para masabi ko na mahal din ako ng diyos at may mga taong nagpapahalaga din sa akin kahit pa hindi ako pinapahalagahan ng lipunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD