JAXON Pumasok ang sasakyan ni Amara sa isang malaking bakal na gate pero wala akong nakita na kahit anong bahay maliban sa kubo sa gitna ng malawak na bakanteng lote na labis na nagtataka ako kung bakit narito kami ni Amara. Napatingin ako dito pero hindi ito kumibo matapos pindutin ang kung ano sa relo na suot nito. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na gumalaw ang sasakyan pababa at bigla ay dumilim ang paligid maliban sa harap kung saan nakabukas ang headlight ng sasakyan ni Amara. Magtatanong sana ako ng umandar ang sasakyan nito at binagtas namin ang tunel na patungo sa kung saan. Sigurado ako na kung may gagawin sa aking masama si Amara ay hindi na ako makalabas ng buhay dahil sa tindi at kakaibang security feature sa lugar. Sinong mag-aakala na sa ilalim pala ng bakante