JAXON "Kill him! Make sure na hindi na siya mabubuhay pa!" matigas na utos ng kung sino. Hindi ako pamilyar sa kan'ya pero alam ko na kilala ko siya. "Patayin n'yo na!" "Barilin mo!" Patuloy na naririnig ko ang paulit-ulit na salitang ito kaya napalingon ako. Isang mataas na kalibre ng baril ang ngayon ay nakatutok sa katawan ko sabay kalabit ng gatilyo at ramdam ko ang bala na tumagos sa katawan ko. "Hindi ka na sisikatan ng araw!" bulyaw ng lalaking naaninag ko ang mukha pero hindi malinaw. "Just make sure of it bastard dahil kapag nagkamali ka babalikan kita! Kayong lahat!" Sabay-sabay na tawanan ang narinig ko sabay dura sa direksyon ko ng lalaking bumaril sa akin. Gusto kong tumayo pero huli na nang mapagtanto ko na nakatali pala ang kamay at paa kaya walang kalaban-laban n