JAXON Kunot noo na nilinga ko kung saan galing ang ungol na narinig ko. Daig ko pa ang nagulantang ng makita na naka-unan sa braso ko sa Amara at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Nag-iinit ang mukha na dahan-dahan akong kumilos para lumayo dito. Baka kung anong gawin nito oras na magising siyang nasa ganito kaming ayos. "Declan, ang likot mo," piksi nito sabay siksik pa lalo sa katawan ko. Napapikit ako, inakala niya pala na ibang tao ang katabi kaya ganito ito. Pakiramdam ko tuloy bigla ay may kung anong emosyon ang nararamdaman ko. "Amara gising na, tanghali na," sabi ko dahil hindi ako makabangon ng hindi ito gigisingin dahil nakapulupot ang braso sa katawan ko. "Inaantok pa ako," maktol nito. Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan ito. Mukhang masarap ang tulog niya kaya aya