7 - Secret Admirer

2337 Words
Alya Maia “AMARIE” Rientes  “One, two, three…action.” ani direk Nakapwesto na kami ni Aaron sa harap ng camera kasama ang ilang co-star namin sa isang comedy teleserye na aming ginagawa. “Pak!” Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kaniyang mukha. “Ang kapal ng mukha mo! Akala ko mali ang tsismis. Totoo pala talagang babaero! Ang pangit-pangit mo naman!” Niyakap ko ang aking dib-dib at inirapan siya. Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. “Pangga naman! Anong babaero ba ang sinasabi mo riyan? Lumalayo na nga ako sa kanila pero sila ang kusang lumalapit sa akin! Ano ba ang gagawin ko para maniwala ka? I love you, ‘Ga!” lambing niya. Masama ko siyang tinitigan. Pinalaki ko ang butas ng aking ilong. “Wala! Wala ka ng dapat gawin dahil maghahanap na lang ako ng iba. Maghahanap ako ng gwapo, para kung sakaling magloko…forgiven. Tse!” “‘Ga, teka lang.” Hinabol ako ni Aaron. “Kakasagot mo palang sa akin break na kaagad?” “Sinagot? Testing lang ‘yun.” Sabi ko sabay suntok sa kaniyang mukha. Sumigaw si direk, “Cut. Very good, Amarie and Aaron.” “Thank you, Direk Almar.” Muling nakuha ang aking atensyon ng marinig ang nagtatawanan kong mga ka-trabaho. Nagtataka naman ako kaya pinagmasdan ko sila. Ang pinagtatawanan nila ay si Aaron na hanggang ngayon ay nakahawak sa kaniyang mukha. “Anong nangyari sa iyo?” tanong ko ng makalapit sa kanila. “Napalakas ata ang suntok at sampal mo,” sabat ng isa pang artista. “Tingnan mo.” turo niya sa mukha ni Aaron, “Pulang-pula ang pisngi. Hahaha” Nilapitan ko si Aaron at hinaplos ang kaniyang mukha. “Ui? Mahina lang naman iyon, ah!” sabi ko. “Anong mahina? Mamumula ba ng ganito kung mahina? Amarie, kung may galit ka sa akin sabihin mo na lang. Masyado kang mapanakit, e. Sinaktan mo na nga ang mukha ko, pati ang aking puso ay dinamay mo. Huhuhu! Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo?” tanong niya. Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Masasabi ko na nagbibiro siya pero may halong katotohanan. Pati ang mga crew at co-star ko ay nagsimula na ring mang-inis. Pinisil ko si Aaron sa pisngi. Sinadya ko talagang lakasan iyon hanggang sa mapa-aray siya sa sakit. “Kung ano-ano ang pinagsasabi mo! Baka maniwala pa sila at kung ano ang isipin sa ating dalawa.” “Aray! Nagbibiro lang naman ako, Amarie. Tama na!” Binitawan ko ang kaniyang pisngi, “Good! Huwag mo ng uulitin na biruin ako. Hindi nakakatawang biro iyon. At hindi dapat ginagawang biro ang seryosong bagay na iyon. Naiintindihan mo?” Naging seryoso ang kaniyang mukha at pinakatitigan ako. Hinawakan niya ako sa braso, “Paano kung seryoso nga ako? Paano kung totoo talaga ang sinasabi ko, Amarie? May pag-asa ba ako?” seryoso niyang tanong. Napahagikgik ako sa katatawa. “Charot! Tara na nga,” yaya ko. Kinalawit ko ang aking kamay sa kaniyang balikat. “Sorry kung napalakas ang aking sampal at suntok. Nadala lang ako sa scene. Hahaha!” “Hindi sapat ang sorry mo! Kailangan ko ng power kiss para gumaling ito. Baka mangamatis ang mukha ko sa ginawa mo. Pangit na nga, pinapangit mo pa!” reklamo niya. “In your dreams, bleh!” sabi ko sabay kaltok sa kaniyang ulo. Agad akong tumakbo palayo sa kaniya dahil kapag naabutan niya ako ay mas mangungulit pa siya. ‘Kahit kailan ay hindi pumasok sa aking isip na magkakaroon ng karelasyon. Paano ko pa susubukin na magmahal kung sa magulang ko pa lang ay hindi na maganda ang kinahinatnan nila. Love will kill you!’ Paalis na ako sa studio nang habulin ako ng isang crew. Inabot ang paper bag. “Thank you,” sabi ko sa crew bago umalis. Nasa sasakyan ako kasama si Yna. Pupunta kami sa next location ng bago kong project na gagawin. Ang tema ay semi drama, romance at comedy. Habang nasa byahe ay pinag-uusapan namin ni Yna ang manuscript. Alam niya ang limitation ko bilang isang artista niya. Hindi pwede sa akin ang heavy drama, horror at thriller dahil alam niya ang aking pinagdaanan. “Yna, hati tayo!” alok ko sa kaniya ng pagkain na isusubo ko sa kaniyang bibig. “Ang sarap-sarap ng pagkain sa Erie. Minsan kain tayo roon Yna.” “Erie? Last time doon ka nag order ng pagkain na pinadeliver mo sa foundation, ‘di ba?” “Opo! Nagtataka nga ako kung kanino nanggagaling ang pagkain na iyan. Palaging may nagdedeliver sa akin kapag may shooting ako.” “Baka fans mo. O baka may secret admirer ka na. Nahihiyang magpakilala.” “Baka fans lang po.” “Ayie!!!” Kinikilig siya habang inaasar ako. Dinuldol ko sa kaniya ang pagkain para tumigil na sa pang-aasar sa akin. “Stop teasing me, Yna. Alam mo naman ayokong pinag-uusapan ang ganiyang bagay.” Ngumunguya siya habang nagsasalita, “Walang masama na ma-inlove. Walang masama kung magmahal. Ang lahat ng bagay ay dapat balance. Hindi mangyayari sa iyo ang nangyari sa magulang mo.” “Yna!” mahinahon kong tawag sa kaniya upang manahimik na sa kaniyang pagsasalita. “Titigil na! Infairness ang sarap-sarap nga ng pagkain. Siguro Yummy din ang nagbigay nito. At hindi pipityuging restaurant ang Erie, ha. Siguro yayamanin ang admirer mo, Alya.’ Kantiyaw niya. “Yna!” madiin kong sabi. Nilakihan ko na siya ng mata. Tinawanan niya lang ako at umiling-iling. Dumungaw ako sa bintana nang makita na papasok kami sa isang kilalang subdivision. Nag arkila ng isang mansion ang production dahil doon ang main setting ng project. Maganda ang subdivion dahil lahat ng facilities ay kumpleto. Ang ambience ay nakakarefresh din dahil sa malalaking puno at makukulay na mga bulaklak. “Binigay ko na kay Dr. Kael ang bago mong schedule dahil sa nadagdag na project.” sambit niya. “Alam mo ba dito rin pala siya nakatira.” Nagsimula na naman ang kaniyang pagiging marites. “Si Dr. Kael?” tanong ko. “Oo! Bigatin, ‘di ba? Alam mo pinagtanong-tanong ko nga iyan si Dr. Kael. Puro doktor pala sila lahat sa pamilya. Nagmamay-ari ng ilang ospital dito sa Pilipinas. Ang yaman talaga! At alam mo pa ang magandang chika? Walang girlfriend.” Binunggo niya ang aking balikat. “Wala ka rin boyfriend.” “Nagsisimula ka na naman, Yna. Alam mong wala sa isip ko ang bagay na iyan.” “Alam ko. Kaya nga hanggang ngayon ay kabilang ka pa rin sa NBSB Group.” “Sapat ka na, Yna.” lambing ko sa kaniya. “Aalagaan na lang kita hanggang sa tumanda ako.” “Malungkot ang mag-isa, alam mo iyan.” Naging seryoso na si Yna ng sagutin ako. Iniwan si Yna ng kaniyang asawa at tinakas ang kanilang mga anak. Simula noon ay naintindihan ko na kung bakit ako kinupkop ni Yna at tinuring bilang isang anak. ‘Para maibsan ang pangungulila niya sa kaniyang mga aak.’ Niyakap ko siya, “Sorry po kung naging emosyonal na naman kayo. Alam ko po ang hirap at lungkot ng mag-isa. Pero nandito naman ako, ‘di ba? Habang hindi pa sila bumabalik, ako na muna ang mag-aalaga at magmamahal sa iyo.” “Pinapaiyak mo pa ako.” “Smile, Yna ko!” nakangiti kong sabi. “Tsee! Sabi ko sa iyo huwag mo kong tatawagin sa ganiyan, e!” Ang gagarbo at ang lalaki ng mga bahay sa aming paligid. Talagang may mga sinabi sa buhay ang mga nakatira rito. Ang lalaki ng gate at ng mga pader. Nakita ko sina Direk at iba kong mga co-star na makakasama ko sa project. Nagseset-up na ang buong team habang kami ay nagmi-meeting. “Sa mga gustong mag-stay dito sa mansion. Pwede naman. Pwede kayong magbaon ng mga damit at gamit para hindi na hassle sa inyo ang pag-uwi at pagpunta dito sa set. Malapit din ito sa studio kaya kung may mga taping kayo ay makakapunta kayo kaagad on time.” Nagbigay kami ng kani-kaniyang opinyon sa bawat isa. Madali lang namin nakapalagayan ang aming mga loob. Hindi lang kami seryoso dahil mga kalog din ang ibang mga artista na mga kasama ko. Mga vlogger sila kaya ang iba ay madalas na naka live sa kani-kanilang social media na never kong ginawa. ‘Off cam ay gusto ko pa rin panatilihin ang pagiging normal kong tao.’ Pinakita nila sa akin ang mga likes at views ng kaniya-kaniya nilang mga followers. Nginingitian ko lang sila at kaswal na nakikipag-usap. “Amarie, mag stay ka na rin kaya dito sa mansion?” ani ng isang artista sa akin. “I’ll talk to Yna kung gusto niya. Pwede naman siguro dahil malapit sa studio. Kung mag-uuwian pa kami ni Yna ay hassle at pagod na kaming dalawa. Huwag ka mag-alala pag-uusapan namin ni Yna.” “Tama! Madami tayong magagawa sa subdivision na ‘to. May recreational parks at swimming pool. Magiging malaya tayo rito dahil may privacy ang lugar. Hindi daw kasi pinapapasok ang media dito kaya kahit anong gawin natin ay pwede.” “Okay,” tipid kong sagot. Pag-uwi sa bahay ay bumangad sa amin ni Yna ang iba’t-ibang kulay na mga rosas. Namangha kaming dalawa at isa-isang tiningnan ang mga iyon. “Congratulations!” Nakalagay ang card sa isang kahel ng mga rosas at nakasulat iyon. Sa dilaw na mga rosas ay may nakalagay din na card. “Always smile!” nakasulat doon. Kinuha ko naman ang isang bouquet na berdeng mga rosas. “Enjoy your daily life.” Inabot naman sa akin ni Yna ang asul na rosas, “I’m your top fan! Don’t stop to reach your dreams.” “Lavander means inspiring. Like you, you inspire many people.” Ang huling rosas kong hinawakan ay combination ng white and red roses. Sinubukan kong hanapin ang card pero wala roon nakalagay. Napaisip tuloy ako at agad na kinuha ang aking cellphone para tingnan ang meaning ng red and white roses. ‘White rose means pure and eternal while red rose signifies passion and love.’ Hinanap ko kaagad si Yaya at tinanong kung kanino galing ang mga rosas. Wala siyang idea dahil dineliver lang lahat ng mga ito kanina. Iniisip ko kung sino ang maaaring magbigay nito at ang pumasok sa aking isip ay si Aaron. ‘I need to know! Tinawagan ko si Aaron at sinagot niya kaagad iyon. “Napatawag ka? Yayayain mo ba akong mag-dinner?” tanong niya habang tumatawa. “No! I just want to ask kung mag pinadala ka ba sa akin dito sa bahay? Wala kasing sender name, e.” “Ako? Wala akong pinapadala!” “Ah wrong deliver lang pala,” pagsisinungaling ko. “Bye!” Pinatay ko kaagad ang tawag at pinuntahan si Yna. Maging siya ay nagtataka rin pero may kakaibang ngiti sa kaniyang labi. “Baka nga may secret admirer ka na!” “Sino naman?” tanong ko. “Ang creepy naman, Yna. Baka stalker na ang nagbibigay nito sa akin.” “I don’t think so. Paranoid ka masyado. Tanggapin mo na kasing may lalaking gustong mapalapit sa iyo.” Hindi na ako umimik. Inamoy ko ang bulaklak na talagang napakahalimuyak ng amoy. Natulala ako sandali at narinig kong tumunog ang cellphone ni Yna. Lumayo sa akin si Yna at malaki ang ngiti sa labi. Everyday walang palya ang deliver sa akin ng pagkain. Kung hindi breakfast ay tuwing lunch iyon dinedeliver sa akin. Sinubukan kong tawagan ang Erie para alamin kung sino ba ang nagpapadala sa akin ng pagkain pero hindi nila ako mabigyan ng sagot dahil madami ang nag-oorder sa kanila everyday. ‘Hot chocolate or coffee with delicious bread every morning. Kapag lunch naman ay meron pasta, salad, pizza or rice Italian meal.’ ‘Yna, ready na po ba lahat ang gamit natin?” tanong ko sa kaniya. Nagdesisyon kaming dalawa na mag-stay sa Subdivision. Monday-Friday doon dahil puspusan na ang project. E-ere na kasi sa makalawa ang teleserye kaya kailangan naming maghabol ng mga scene. Tuwing Saturday-Sunday sa bahay kami uuwi. “Oo! Halika na at ready na ang lahat.” “Bakit nagmamadali ka?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Excited, Yna?” “Oo. Excited na excited!” kinikilig niyang sabi. “Inayos ko na ang schedule mo para hindi magkaroon ng confilct sa mga taping mo.” “Thank you, Yna. Ano na ang mangyayari sa akin kung wala ka sa aking tabi.” “Arte! Tara na nga.” Malalaki ang kwarto sa mansion. May dalawang kama, sariling banyo na may bathtub, at malaking veranda. Sa bawat kwarto ay apat ang magkakasama. Dalawang artista at dalawang P.A/Manager. Ang makakasama namin ni Yna sa kwarto ay si Ivory at ang kaniyang P.A na si Arlene. Katulad ko ay isa rin sa mga leading lady si Ivory sa ipapalabas naming telenovela. “Balita ko ay maarte at mahadera ang artistang iyan.” bulong ni Yna sa akin. Sinenyasan ko naman si Yna na tumigil at itikom ang bibig dahil nagsisimula na naman siya sa kaniyang pagmamarites. “Yna, sa susunod pigilan mo naman ang iyong bibig. Baka mamaya may makarinig sa iyo at kung ano na lang ang gawin sa iyo.” “Totoo naman ang sinasabi ko, Alya. Dapat hindi kasali iyan sa project na ito pero ginapang lang ng manager dahil malakas kay Boss AJ. “Tama na ang chika. Umakyat na tayo at magpahinga. Maaga pa ang taping natin bukas.” Tulog na ang mga kasama ko sa kwarto ngunit ako ay hindi pa dinadalaw ng antok. ‘Namamahay siguro.’ Pumunta ako sa veranda ng kwarto at nagpahangin. Agaw atensyon naman ang isang kotse na huminto at bumusina. Nagulat ako nang bumaba sa kotse si Kiendra, ang kapatid ni Kael. I waved my hand at nag Hello s akaniya sa ere. Nag flying kiss siya sa akin bago muling sumakay sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD