8 - Morning Happy Pill

2271 Words
Kael “DR. KAEL” Guzman Kakaibang saya ang aking naramdaman nang malaman kong mamamalagi si Yna at Alya sa Subdivision. Magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya madalas. Hindi totally makita, pero kahit masulyapan ay okay na. ‘Ito na ata ang sinasabi nilang pagmamahal. Ako yata ay isa na sa tinamaan ng pana ni kupido kaya’t ngayon ay may kakaibang t***k ang aking puso.’ Bilang isang pagbati mula sa akin ay pinadalhan ko siya ng iba’t-ibang kulay ng rosas. Each roses has meaning. Nakangiti pa ako habang nagsusulat sa mga card ng bawat rosas. Nasa card na ako ng white and red roses nang mapahinto ako sa aking pagsusulat. ‘Ano ang aking isusulat?’ tanong ko sa aking sarili. Dahil walang maisip na salita ay hindi ko na iyon nilagyan ng card. ‘Sa kulay pa lang ng mga oras ay malalaman na niya ang aking damdamin at hangarin.’ Nang maipadala ang mga rosas ay nagtagumpay naman akong madeliver iyon sa bahay ni Alya. ‘Alam kong magugulat at matutuwa siya sa aking ibinigay pero maaari rin siyang matakot dahil hindi niya alam kung kanino ng galing ang mga iyon.’ Agad kong tinawagan si Yna upang sabihin sa kaniya na ako ang nagpadala ng mga rosa. Inamin ko rin sa kaniya na ako ang nagpapadala ng pagkain kay Alya. “Huwag kang mag-alala, ako na ang bahalang magpalusot sa kaniya. Iniisip nga niya na baka stalker ka. Mabuti at pinaalam mo sa akin.” Hindi na nag-usisa si Yna kung bakit ko ginagawa ang mga iyon. Basta ang alam ko ay masaya siya at handang ibigay ang buong suporta. ‘Nagsimula ang lahat ng ito ng pumunta siya sa akin para magpacheck-up. Simula nang araw na iyon ay nagkaroon na ako ng interes sa kaniya. Siguro nung una ay tinuturing ko siya bilang isa sa aking pasyente na gusto kong mapagaling. Pero sa maigsing panahon na nakilala ko siya ay nag-iiba. Mas gusto ko na siyang protektahan, alagaan at hindi na iwan mag-isa.’ Pauwi na ako sa bahay ng sumabay sa akin si Kiendra. Tinatamad siyang mag-drive kaya ako ang ginawa niyang driver. Papasok ng subdivision ay panay ang kwento niya tungkol kay Alya. “Kuya, imagine everyday makikita ko si Alya.” “And so what?” pabalang kong sagot sa kaniya. “Ang KJ mo talaga, Kuya! Nakakainis ka! Panira ka ng happy moments ko.” I cleared my throat at hindi pinahalatang interesado sa kaniyang kinu-kwento. Nasa daan ang aking tingin habang nakapangalumbaba at iniisip si Alya. ‘Magiging masaya rin ako kung makikita ko siya.’ In my mind, I prayed na sana makita ko siya. Suddenly, nagtitili na lang bigla si Kiendra at pinapahinto ang sasakyan. Doon ko napagtanto na isang babae na nakatayo sa veranda ang kaniyang kinakawayan. ‘Si Alya!’ sambit ko sa aking isip. Naramdaman ko na namula ang aking pisngi ng makita siya. At sa maikling sandaling iyon ay napagmasdan ko siya kahit sa malayo. ‘She’s wearing a pair of pajama. Fresh na fresh at halatang bagong ligo dahil sa kaniyang basang buhok.’ “Kiendra, let’s go!” utos ko kay Kiendra. Pabalagbag siyang sumakay sa kotse, “Ang bitter mo! Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya minamadali mo pa ako!” irap na sabi sa akin. Kinaltukan ko siya sa ulo at tinitigan ng masama. ‘Kailangan niya ng magpahinga. At heto ka iniistorbo siya!’ sagot ko sa kaniya sa aking isip. “Hindi ka ba nagagandahan sa kaniya?” tanong niya sa akin. “Gumaganda dahil sa make-up,” pag-kontra ko. ‘Kahit wala siyang make-up ay napakaganda niya.’ “Bulag ka ba?” inis na tanong niya. “Hindi ako papayag na ganiyan-ganiyan mo na lang ang aking kaibigan.” “At kailan pa kayo naging magkaibigan, aber?” tanong ko sa kaniya. “Kailan lang naman kayo nagkakilala tapos kaibigan na agad?!” “Basta kaibigan ko siya.” “Ikaw lang ang nakaka-alam.” Pinalo niya ako sa braso, “Nakakainis ka! Alam mo maganda siya. At hindi lang basta maganda dahil mabuti siyang tao. Napakabait at napaka-maalalahanin niya.” pagtatangol niya kay Alya. ‘Tama! Inside and outside ay maganda sa kaniya. Wala akong duda at hindi kokontra.’ “How did you know? Kailan mo lang siya nakilala. At hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao dahil sa kaswal niyong pag-uusap. Don’t judge the book by it’s cover!” “Alam mo Kuya ang dami mong hanash! May gusto ka siguro kay Amarie kaya ang bitter mo, no?!” usisa niya. Niyakap niya ang kaniyang dib-dib. “Pagsisisihan mo ang panlalait mo sa kaibigan ko. At kapag nagkataon na liligawan mo siya, sorry ka na lang. Hindi kita tutulungan.” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Kiendra. “Ipapakilala pa naman sana kita sa kaniya pero nagbago na ang isip ko. I have a lot of good friends na gustong-gusto siya. Iiyak ka ng bato, sinusumpa ko iyan! Itaga mo pa sa bato.” Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. “Subukan mo lang Kiendra!” bulyaw ko. ‘Subukan mo lang ipakilala si Alya sa ibang lalaki at malilintikan ka sa akin,’ inis kong sagot sa aking isip. “Ewan ko sa iyo!” Palihim akong ngumiti dahil sa talunan na aking kapatid. ‘Kung alam niya lang ang aking nararamdaman para kay Alya ay baka siya na mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit ako sa sinasabi niyang kaibigan.’ Nang tumunog ang alarm clock ay pinatay ko iyon at dali-daling nagpunta sa banyo upang maligo. ‘I will prepare for my morning routine, ang mag jogging.’ Bilang isang doktor ay kailangan panatilihing malakas ang aking pangangatawan dahil iyan ang mahigpit na bilin sa amin ni Mommy. ‘Hindi dapat kami magkasakit dahil kami ang gumagamot sa aming mga pasyente. Kung magkakasakit kami ay paano na lang ang mga taong umaasa sa amin na mapagaling sila.’ Napatingin ako sa hindi kalayuan. May mga babaeng mga nagkakagulo. Nang makalampas sa kanila ay nakilala ko ang babaeng kanilang pinagkakaguluhan. ‘Walang iba kung hindi si Alya.’ Bumalik ang aking tingin patalikod sa mga babae na nagpapa-picture kay Alya. Binagalan ko ang aking takbo upang maabutan niya ako. Pero imbes maabutan ako ay nauunahan ko pa rin siya dahil panay ang kaniyang hinto dahil sa mga kapitbahay kong nagpapapicture sa kaniya. Mapa kasambahay, nagpapatrol sa subdivision ay pinagbibigyan niyang makapagpakuha sa kaniya. Kita sa kaniyang mukha ang saya sa tuwing may mga taong lumalapit sa kaniya. Wala rin siyang arte sa katawan at hindi pinandidirihan ang mga kasama. Ang aking takbo ay naging lakad. Pinapakiramdaman ko ang babae sa aking likuran. Nang makalagpas sa akin ay hinabol ko siya. “Good morning!” bati ko. Nang humarap sa akin ay napakaganda ng kaniyang ngiti na binati rin ako, “Magandang buhay!” Ang kaninang ngiti ay nawala at napalitan ngpagkagulat, “Dr. Kael?!” “Yes, it’s me!” kaswal kong sagot sa kaniya. “How are you?” “I’m good!” Bumalik na ang ngiti sa kaniyang labi. “I didn’t expect na makakasabay kitang mag-jogging.” “This is my morning routine! Bilang isang doktor ay kailangan ko rin palakasin ang aking katawan para hindi magkasakit.” “Tama! At nakaka-enjoy din naman ang pagjo-jogging. Nagiging malusog ka na, nawawala pa ang stress mo sa buhay. Hehehe” “Yes! You should keep that in your mind. Malaking tulong na inaaliw mo ang iyong sarili sa mas beneficial na mga bagay.” Huminto ang aming usapan at nagpatuloy sa pagtakbo. Medyo malayo pa ng kaunti ang distansiya namin sa isa’t-isa pero may pagkakataon na nagkakalapit kami kapag pakurba na ang daan. “Dok, una na ako! May taping pa kami ng 7 am.” paalam niya. “Let’s go! Dadaanan ko rin naman ang mansion kung saan ka nag s-stay ngayon.” “Malapit lang ba ang bahay niyo roon? Nakita ko kasi kagabi si Kiendra, e!” “Yep. Dalawang kanto ang pagitan.” “I see!” tipid niyang sagot. Parang ang bilis ng oras habang kasama ko siya. Hindi ko namalayan na narating na namin ang mansion na kaniyang tinutuluyan. “Bye, Dok!” paalam niya. Pumasok siya sa isang open na gate. Doon natanawan ko ang ilang mga artista na kaniyang makakasama. Nakita ko rin si Yna na busy na nakikipag-usap. Ang umagang iyon ay nasundan pa. Four consecutive days ko na siyang nakakasabay mag-jogging. Hindi na nga lang katulad noong una ko siyang nakasabay dahil ngayon ay madalas na niyang kasama ang ilang mga katrabaho. Lately, napapagabi na ang aking uwi. Almost 11 pm na at nadadaanan ko sina Alya na nagta-taping pa rin. ‘Hindi maganda ang nagpupuyat sa kaniya pero dahil sa kaniyang trabaho ay hindi maiiwasan iyon.’ Nagkaroon ako ng pagkakataon na makabisita sa kanilang set ng harangin ako ng aking kaibigan na siyang may-ari ng bahay. Binaba ko ang salamin ng kotse, “Bro!” bati ko. Nakipagbunong braso ako sa kaniya. “Kamusta?” “Oks lang! Teka, gusto mo bang bumisita sa bahay? Baka gusto mo manood ng taping ng mga artista. Ipapakilala na rin kita sa mga chikas doon. Ang gaganda, Bro!” “Makakahindi ba ako? Sigurado naman hindi ka aalis sa harap ng aking sasakyan kapag hindi kita pinagbigyan.” Ito ang unang beses na makakapanood ako ng actual footage ng mga artista. Si Alya at ang isa pang babae ang naabutan kong nagsasagutan. “Bro, that is Amarie,” turo niya kay Alya. “And that hottie babe is Ivory.” Hinayaan ko lang magsalita si Raqui habang ako ay seryosong pinapanood si Alya. Ang iba ay tawa na ng tawa dahil sa kanilang mga linya. ‘But me? I can’t show my real emotion. Hindi totally natatawa pero nakangiti. “Cut!” ani ng isang matandang lalaki. “Good job, Amarie. You can rest now! Sa Monday na ulit ang scene na gagawin mo.” “Thanks, Direk!” Nakita ko ang pagod sa kaniyang mukha. Pinuntahan niya si Yna na nag-aabang upang ibigay sa kaniya ang isang bottled water. Todo punas din siya sa kaniyang mukha at leeg na pawisan. Magkaganun pa man ay maganda pa rin siya. Dahil sa liwanag ng camera ay kitang-kita ang maputi at makinis niyang kutis. Hinatak ako ni Raqui papunta sa nagliliwanagan na spot. Ipinakilala niya ako isa-isa sa mga artista. Nakipagkamay ang iba at ang iba ay iwinagayway lang ang kanilang kamay gaya ni Alya. Kaswal na nag Hi sa akin at hindi na ako pinansin pa. ‘Marahil upang hindi magkaroon ng hinuha ang mga katrabho tungkol sa relasyon naming dalawa bilang isang kaniyang doktor at siya bilang aking pasyente.’ “Hi, Dr. Kael!” bati ni Ivory sa akin. Binigyan ako ng malalagkit na tingin at kakaibang ngiti. “Ang sarap sigurong magpagamot sa iyo no?” sarkastiko niyang tanong. “Maybe! Pero wala ka naman sakit sa pag-iisip, ‘di ba?” Sa tingin ko ay na-offend siya sa aking sinabi dahil sa seryoso kong pagsasalita. Sa gilid ay nakita ko si Alya na pinipigilan na matawa dahil sa pagkapahiya ng katrabaho. “Ofcourse, Dok! Pero siguradong magpapa-check-up ako sa iyo dahil una pa lang kitang nakita, nabaliw na ako!” Sabi niya sabay kindat. Ilang sandali pa at binawi ang kaniyang sinabi, “Joke lang!” “Okay!” sagot ko. “Nice meeting you, Dr. Kael.” Nagpaalam siya kay Raqui at sa akin. Pumasok siya sa loob ng mansion kasama ang isang babae. Ilang sandali pa at nagpaalam na ako sa kanilang uuwi. “Bro, uuwi na ako! Maaga pa kasi ang appointment ko bukas sa aking pasyente.” “Sige, Bro! Next time gimik tayo. Mukhang tinamaan si Ivory sa iyo, e!” Umiling-iling ako sa sinabi ni Raqui at iniwan na siya. Pasakay na ako ng kotse nang may tumawag sa akin. Si Yna iyon na inaalalayan si Alya papasok ng kanilang kotse. Nang makapasok si Alya ay pinuntahan ako ni Yna. “Dok, kamusta?” Tumingin siya pabalik sa kotse kung saan sumakay si Alya. “Okay lang ba kung mga after lunch ka na lang pumunta sa bahay?” “Sure! See you, then.” “Thanks, Dok!” Napamura ako sa aking sarili nang maalala na hindi ako pwede bukas ng after lunch dahil weekly check-up ng mga pasyente sa foundation. Naka-set na ang lahat at hindi iyon pwede pang i-reschedule. Bumuntong hininga ako. Napalo ko pa ang manibela ng sasakyan dahil siguradong hindi matutuloy ang appointment ko kay Alya. Bago magtanghalian ay personal kong tinawagan si Alya. Ilang beses akong tumawag bago niya masagot ang aking tawag. “Hi, sorry! Nagising ba kita?” bungad ko. Hininga niya lang ang aking naririnig. “Hindi naman.” Halata sa kaniyang boses na kagigising lang niya. “Mabuti at tumawag ka, napasarap ang tulog ko. Teka magpre-prepare na ako.” “Alya, kaya ako napatawag para tanungin kung okay lang ba na i-reschedule natin ang session ngayon?” “No problem, Dok!” “Thanks! Sorry ha. Kailangan ko kasing pumunta sa foundation ng after lunch dahil may weekly check-up ang mga pasyente roon.” “No problem, Dok!” Pareho kaming hindi nakapagsalita at pinakikiramdaman ang isa’t-isa. “Gusto mo bang sumama? Siguradong matutuwa sila kapag nakita ka nila.” Narinig ko ang masigla niyang tinig, “Pwede ba?” tanong niya. “Sure! Gusto mo sunduin na lang kita riyan sa bahay mo?” “Hindi na! Hassle pa sa iyo ‘yun, e! Magkita na lang tayo sa foundation.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD