Kael “DR. KAEL” Guzman Umalis lang ako sandali sa lamesa dahil tinawag ako nina Mommy at Daddy. Pagbalik ko ay wala na roon si Alya. Nakita ko ang kaniyang pigura na pumasok sa loob ng bahay nang mapalingon ako sa paligid. Napatingin ako sa kaniyang iniinom na baso at wala na iyon laman. Nang sundan ko siya sa loob ng bahay ay dumiretso siya sa banyo. “Kael!” gulat niyang tawag sa aking pangalan ng makita niya ako. “I’m just checking on you! Are you drunk?” tanong ko sa kaniya. Halata sa mukha dahil namumula na iyon. “Nope! Hindi naman nakakalasing ang wine.” sagot niya. Nasa hallway na kami papuntang garden nang masalubong namin si Kiendra. "Nandito ka lang pala!” sabi niya kay Alya. “Amarie, can you accompany me in my room for a while? Magpapalit lang ako ng damit. And beside, gust