13 - Indescribable Feeling

2386 Words

Alya Maia “AMARIE” Rientes Nakaunan ang aking ulo sa mga hita ni Yna. Nakapikit ang aking dalawang mata habang malumanay niyang hinahaplos ang aking buhok. “Yna!” tawag ko sa kaniya. “Hmm?” “May ikwekwento ko sa iyo,” sagot ko. “Tungkol kay Kael.” “Ahhh!” Tumili siya ng malakas. Inalog-alog niya ang aking ulo, “Anong tungkol kay Kael?" Halatang kinikilig na naman siya dahil si kael ang topic. “Ano ba ‘yan, Yna!” Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa sofa at tiningnan siya ng masama. “‘Di bale na lang! Hindi ko na sasabihin sa iyo.” Niyakap ko ang aking dib-dib at umupo sa dulo ng sofa. “Ang KJ mo naman!” inis niyang sagot. “Sasabihin mo tapos pa-suspense ka pa.” Nilapitan niya ako. Ginitgit niya ako at kiniliti sa baywang. “Sabihin mo na dahil hindi kita titigilan!” banta niya. “Tama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD