Kael “DR. KAEL” Guzman Nitong mga nakaraang araw ay hindi maganda ang lumalabas na balita tungkol kay Alya. Walang mga pakialam ang mga netizen kung makasakit sila ng damdamin ng iba dahil sa masasakit na pananalita nila. May halo pang panlalait ang iba. ‘Kung magsalita at magbigay ng kumento ay para silang diyos kung humusga. Kung makapanlait ay parang mga walang kapintasan sa kani-kanilang mga sarili.’ I text and call her everyday para ma i-comfort siya. Sinabihan ko siya na huwag ng pansinin ang lumalabas na balita. ‘She’s always telling that she’s fine. And I thought the same way dahil sinabi niya.’ Sa aking isip ay alam kong posibleng mangyari na mag-trigger ang kaniyang sakit, pero hindi ko inaasahan na mas malala pa ang kaniyang gagawin. Kakauwi ko lang ng bahay ng gabing iyon.