ADONIS:
NAKABUSANGOT ako habang hinihintay ang pagtawag sa akin ng crew ng fast-food na pinasukan ko para sa order ng kliyente ko. Matapos gamutin ni Nanay ang mga pasa ko ay nagbihis din ako para gumayak ng trabaho. Pero bago 'yon ay sandamakmak na sermon muna ang inabot ko kay Nanay. Kahit si Tyago ay dinig na dinig ang pagtatatalak ni Nanay Glenda sa kanya.
Napapitlag ako na maramdamang nag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako na mabasa kung sino ang nagpadala ng mensahe. Si Madam.
"Are you free? Can we have lunch together?"
Napaayos ako ng upo na nireplayan ito.
"Busy ako, Madam."
Seconds lang at may reply na kaagad itong ikinabungisngis kong napailing.
"Tinatanggihan mo ba ang boss mo, hmfpt!?"
Parang naririnig ko pa ang maarte at may pagkamaldita nitong tono sa kanyang reply.
"Oo na. Nasaan ka ba, Madam?"
Reply kong pagpayag na lamang. Makabawi-bawi manlang ako sa kanya sa pagdala ko kagabi sa kanya sa lamay na para makalibre ng kape at sandwich.
NAIILING na lamang ako habang hinihintay ito dito sa in-sent niyang address ng restaurant na tagpuan namin. Ang Edzel Restaurant na pag-aari ng kanilang pamilya. Hindi pa naman nababagay ang suot ko sa ganda at gara ng lugar. Ako nga lang ang naiiba dahil puro naka-formal attire at dress ang mga nandidito. Habang ako ay naka-converse shoes, maong na kupas at tastatastas, puting sando at sweater na kulay green kung saan ang uniform namin bilang mga grab rider.
"Hi, baby. Kanina ka pa?"
Napaangat ako ng mukha na marinig ang malambing niyang boses. Namilog ang mga mata ko na pagkatingala ko ay sinalubong nito ng smack kiss ang mga labi ko. Napahagikhik pa itong napisil ang ilong ko.
"Kanina lang. Maupo ka, Madam." Aniko na napatayo at inalalayan ito.
Napapalingon tuloy ang mga tao sa amin na nagbubulungan. Kilala kasi si Madam Roxy sa publiko. At alam nilang isa itong heredera. Kaya marahil nagtataka sila na makitang may delivery rider itong kasama ngayon at kasabay kumain sa kanilang restaurant. Pero tila wala naman itong pakialam sa paligid. Bagay na lihim kong ikinangingiti. Pinapatunayan niya talaga sa akin ang salita niya. Na wala siyang pakialam sa opinyon ng iba kung bakit ako ang kasama at maibigan nito.
"Are you okay?" anito na mapansing hindi ako mapakali sa upuan.
"Um. . . pwede bang sa ibang lugar na lang tayo kumain?" sagot ko na ikinakunot ng noo nito.
"Hmm? Why, I mean. . . hindi mo ba gusto dito?" nagtatakang tanong nito.
Napakamot ako sa batok na pilit ngumiti.
"Naiilang kasi ako eh. Pinagtitinginan tayo ng nga tao," sagot ko.
Totoo naman kasing naiilang ako. Sa uri kasi ng ginagawad nilang tingin sa akin ay minamata at pinagtatawanan nila ako. Damang-dama ko ang mga mapang husgang mata nila na nakatutok sa amin kaya hindi ako komportable.
Napahinga ito ng malalim na napalinga sa paligid. Kaagad namang nag-iba ang ihip ng hangin dito sa loob dahil matamis na ngumiti ang mga tao sa amin. Ang iba ay tumatango at napapakaway pa.
"Fine. Saan mo gusto?" tanong nito na napatayo na.
Napatayo na rin ako na dinampot ang helmet ko. Inalalayan ko ito palabas na ikinasunod ng tingin ng mga tao sa amin. Ang iba nga ay kinukunan pa kami ng video.
"May alam akong masarap na kainan," kindat ko.
Napahawak ako sa malambot niyang palad at pinagsalinop ang mga daliri namin. Hindi naman ito umangal na nagpatianod sa akin palabas ng restaurant.
"Adonis, huh? Siguraduhin mong hindi mo na ulit ako dadalhin sa lamay para lang makalibre ng pagkain," pagbabanta nitong ikinabungisngis ko.
"Opo. Hindi na. Masyado ka namang sigurista, Madam," natatawang saad ko.
Siniringan lang naman ako nito ng tingin na ikinataasbaba ng mga kilay ko ditong namula at nag-iwas ng tingin.
"Angkas ulit tayo?" aniko na ikinanguso nito.
"Tirik ang init oh?"
"Ano ngayon? Ang hina mo namang nilalang, Madam. Okay lang 'yan para maarawan ka naman."
Mas lalo itong napabusangot pero hinayaan pa rin naman akong suotan ito ng helmet. Nauna akong sumakay ng motor bago ito na inalalayan ko. Patagilid sa akin ang upo nito dahil naka-dress siya. Kusa din itong yumakap sa baywang ko at isinandal ang sarili sa likuran kong ikinangiti ko.
"Okay lang ba sa'yo kung sa palengke tayo kakain, Madam?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Palengke? Wet market?" anito.
"Oo, palengke, wet market, 'yon din 'yon."
"Oh," napasinghap ito na ipinatong ang mukha sa balikat ko.
"Sige. Okay lang naman. Kaysa dalhin mo na naman ako sa funeral. Buti sana kung kakilala mo ang namatay," anito na ikinahagikhik ko.
Natatawa na rin itong kinukurot na naman ako sa hita at baywang.
DINALA ko ito sa pwesto nila Nanay. Madalas ay doon din kami kumakain ni Tyago ng tanghalian. Bukod sa libre ay talaga namang masarap magluto ang mga Nanay namin.
Napalinga-linga ito na pumarada ako sa harapan ng palengke. Marami-rami pa ring tao at kapag hindi ka maging alerto? Hindi mo mamamalayan na nahuhugutan ka na pala. Sa kumpulan kasi ng mga tao madalas ang puntirya ng mga mandurukot para hindi makahalata agad ang mga target nila.
"Akin na 'yang bag at cellphone mo, Madam. Mamaya mabingwit pa 'yan," aniko na ikinasunod naman nito.
Hawak ang kamay nito na iginiya ko papasok ng palengke. Naka-sombrero at shades pa ito na pasimpleng kinukubli ang mukha sa likuran ko. Naiintindihan ko naman dahil 'di malabong dagsain kami ng tao at reporters kapag may makakilala sa kanya na nandidito sa public places.
Napakahigpit ng hawak nito sa kamay ko habang nakikipag siksikan kami sa mga tao. Sa gitna pa kasi nitong palengke ang pwesto ng mga karinderya kaya daraanan mo muna ang mga nagtitinda ng ukay-ukay, prutas, gulayan at iba pa.
Pagdating namin sa tapat ng karinderya nila Nanay ay sakto namang nag-aalisan na ang ibang costumers na katatapos lang kumain.
"Tara, Madam," aniko na hinila na ito.
Pumasok kami ng karinderya na ikinamilog ng mga mata ng mga nandidito. May apat na kasama sina Nanay dito. Sila ang katulong nila na nagsi-serve sa mga costumer at tagahugas na rin ng plato dahil pagluluto lang ang ginagawa nila Nanay.
"Kuya Adonis!" ani Cynthia na unang natauhan.
"Hi, sa kusina na lang muna kami kumain," kindat kong ginulo ang buhok ng mga ito.
Mga teenager pa kasi ang mga ito na nagtratrabaho kina Nanay.
"Ha, eh. . . opo, dalhan na lang po namin kayo doon," natatarantang sagot nito.
"Tara," baling ko kay Madam na pilit ngumiting nagpatianod.
Pagpasok namin ng kusina ay naabutan namin dito sina Nanay na abala sa pagtitimpla ng mga mina-marinate na karne.
Nagulat pa ang mga ito na napatayo at palipat-lipat ng tingin sa akin at sa kasama kong nagkukubli sa likuran ko.
"Nay, mano po." Masiglang saad ko na lumapit sa mga ito.
Nakatulala namang nagpunas ang mga ito ng kamay sa kanilang suot na apron at hinayaan akong mag-mano.
"Hwag niyo naman po siyang tignan ng ganyan. Kita niyong nahihiya 'yong tao eh," kakamot-kamot sa ulong saad ko.
Saka lang napabaling ang mga ito sa akin na nagtatanong ang mga mata. Tumuwid ako ng tayo na inakbayan si Madam na napapitlag pa.
"Uhm, Nay Lorena, Nay Glenda, siya ho nga pala ang kasintahan ko, Si Roxanne." Pagpapakilala ko sa mga itong namilog ang mga mata at nagkatinginan.
"Kasintahan!"
"Kasintahan!"
Panabay na bulalas ng mga ito sa hindi makapaniwalang tono. Natawa akong napakamot ng batok na naiiling na lamang sa reaction ng mga ito.
"Opo. Kakain po kami dito. At para makilala niyo rin ang manugang niyo," kindat ko sa mga itong napakurap-kurap.
"Hija, hindi naman sa pang-aano, ha? Pero. . . totoo ba ang sinasabi nitong anak namin?" ani Nanay na naniniguro ang tono.
Napalapat ng labi si Madam na tumango at matamis na napangiti. Lalo namang natulala sina Nanay sa harapan namin na nakamata dito.
"Glenda, nahihilo ako," ani Nanay na biglang nanlambot!
"Nay!"
Taranta ko itong nasalo sa kanyang pagkawalan ng malay.
"Oh my God! Is she okay?" nag-aalalang tanong ni Madam na napasunod sa akin.
May maliit na silid dito sa karinderya kung saan nagpapahinga sila Nanay kapag wala namg iluluto. Maingat ko itong inilapag sa katre. Binuksan naman ni Nanay Glenda ang electric fan na itinutok kay Nanay na wala pa ring malay.
"Ito, Adonis, ipasamyo mo kay Lorena. Jusko naman kasi. Pambihira kang bata ka." Anito na iniabot sa akin ang maliit na botilya ng ointment.
Nagpahid ako sa daliri ko na pinaamoy kay Nanay.
"Gulatin mo ba naman kaming may kasintahan ka na," bulalas pa nito.
Mahina akong natawa na patuloy sa pagpapaamoy ng white flower ointment kay Nanay.
"OA naman kasi ni Nanay. Anong akala niyo sa akin? Walang magkakagusto sa mukha ko?" natatawang sagot ko.
Binatukan naman ako nito na ikinabungisngis ko. Natatawa na rin itong napailing sa akin.
"Pasensiya ka na, Ma'am. Nagulat lang ang ina ni Adonis kaya nahimatay. Maya-maya ay magigising din 'yan," anito na kay Madam nakamata.
Napaangat ako ng mukha at napangiti na makita si Madam na nakatayo sa gilid ko at namumutlang nakamata kay Nanay. Nakalarawan sa magandang mukha nito ang kaba at pagkabahala.
"Ah, R-Roxy na lang po, Tita. Nakakahiya namang ang pormal niyo," magalang saad nito na napamano pa kay Nanay.
"Ang bait mo namang bata. Kaawaan ka nawa ng Diyos, anak." Ani Nanay.
"Salamat po."
Maya pa'y marahang gumalaw si Nanay na ikinabaling namin ng paningin dito. Naupo na rin si Nanay Glenda sa gilid nitong katre katabi si Nanay.
"Uhmm," ungol nito.
"Nay?"
"Lorena?"
Panabay naming pagtawag ni Nanay Glenda dito. Gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata na unti-unting nagdilat. Naniningkit pa ang mga mata nito na napalipat-lipat ng tingin sa amin ni Nanay Glenda.
"A-ano nga ulit 'yong sinabi mo, Adonis?" anito sa mahinang tono.
Napahinga ako ng malalim na hinaplos ito sa ulo. Napatitig naman ito sa mga mata ko.
"Ano po bang sinabi ko, Nay? Pinakilala ko lang naman ang kasintahan ko sa inyo ah," sagot ko sa maalumanay na tono.
"Kasintahan?" ulit nitong tanong.
Saka lang ito napalingon sa likuran ko at hayun na naman ang pagkatulala niya na makita si Madam. Mahina akong natawa sa nakikitang emosyon dito na tila hindi makapaniwala sa kaharap.
"Glenda, sampalin mo nga ako ng magising ako," tulalang saad nito.
Natawa naman si Nanay Glenda na mahina itong sinampal na napakurap-kurap at nahaplos ang pisngi.
"Bakit mo ako sinampal?" bulalas nito.
"Para magising ka," ani Nanay Glenda dito.
Natawa na lamang akong napakamot sa batok sa dalawang matandang 'to.
"Nanay talaga. Umayos nga po kayo. Nakakahiya kay Madam," aniko na ikinalingon nito sa akin.
"Madam?"
"Opo, 'yon ang tawag ko sa kanya eh. Saka. . . boss ko ho siya sa Bar, Nay. Umayos po kayo," bulong ko.
Namilog ang mga mata nilang napasulyap kay Madam na nakangiting naupo na rin sa tabi ko.
"Magandang tanghali po, Tita. Roxy po pala. Girlfriend po ako ni Adonis," magalang saad nito kay Nanay na nagmano pa.
"S-sigurado ka ba, hija? Girlfriend ka ng anak ko? Aba. . . napakaganda mong bata at mukhang anak mayaman ka pa," bulalas ni Nanay na ikinangiti ni Madam dito.
"Nay naman, parang sinasabi niyo'ng ang pangit ko para sa kanya," pagmamaktol kong ikinahagikhik ng mga ito.
"Gusto ko po ang anak niyo, Tita. At masaya ho akong dito ako dinala ngayon ni Adonis. Akala ko kasi kung saan-saan na naman eh," ani Madam na nakurot pa ako sa tagiliran.
"Ah. . . eh, kung nagmamahalan naman pala kayo nitong anak namin, hija. Hindi naman kami hahadlang. Malugod ka naming tatanggapin sa aming pamilya."
Napangiti ako sa sinaad ni Nanay na parang humaplos sa puso ko. Maging si Madam Roxy ay napalabi na nangilid ang luha at kitang na-touch sa sinabi ni Nanay.
Hinawakan nito ang kamay ni Nanay na nakangiti sa mga ito at matiim na nakipagtitigan.
"Maraming salamat ho. Hwag po kayong mag-alala, Tita. Iingatan ko ho ang Adonis natin," nakangiting sagot ni Madam na ikinangiti na rin nila Nanay.
"Salamat din sa pagtanggap at pagmamahal sa anak ko, hija."
ILANG minuto din kaming kinausap nila Nanay bago kami iwanan ni Madam na makakain. Nangingiti naman akong napapasulyap ditong kitang walang kaarte-arte sa mga nakahain na pagkain. Kahit simpleng ulam lang ang mga pinagsasaluhan namin ay napakagana nito.
"Try mo 'to, Madam, masarap 'yan." Aniko na pinaglagay siya ng kare-kare sa plato.
"Thank you, baby." Malambing saad nito na tinikman ang ulam.
Nakangiti akong nakatirig dito na napaungol at pikit pa na nakalarawan sa magandang mukha na nagustuhan. Muli itong sumubo na napaungol muli.
"Uhm. . . ang sarap nito, baby. This is one of the best kare-kare I've ever eat," saad nito na maganang kumakain.
"Talaga? Mabuti naman nagustuhan mo, Madam. Si Nanay ang nagluto niya'n," pagmamalaki kong ikinangiti nito na nagniningning ang mga mata.
"Really?"
"Uhm, uhm," tumango-tangong sagot ko.
"Wow, you're so lucky to have her as your mother, baby."
"Oo naman, Madam. At maswerte din naman siyang may napakagwapo siyang anak tulad ko," kindat kong ikinatawa nitong napatango-tango.
"Pero ang sarap nito," muling saad nito na sumandok pa ng kare-kare.
"Alam mo kung anong nagpapasarap d'yan, Madam?" tanong ko habang sinasabayan itong kumain.
"Ano?"
"Yong hinahalo ni Nanay na mani. Ito kasi ang magpapalinamnam sa kare-kare, Madam. Ang mani. Kaya mahalaga ang kalidad ng ihahalo mong mani sa putaheng ito," sagot ko.
"Oh," napasinghap naman itong napatango-tango na nakamata sa ulam.
"Pero alam mo, Madam?"
"Hmm?"
Napangisi ako na makita ang kasabikan sa mga mata nito sa sasabihin ko.
"May alam akong mani na sobrang sarap," kindat ko.
"Really?"
"A, ha?"
"Saan naman 'yon matatagpuan?" pag-uusisa nito.
"Ahem, tinatago mo eh."
"Tinatago ko? Ako? Wala naman akong tinatagong mani ah?" naguguluhang tanong nito.
Napabungisngis ako na ikinatulala nito sa akin. Naipilig nito ang ulo na tila iniisip ang sinaad ko.
Nanlaki ang mga mata at butas ng ilong nito na nakuha ang ibig kong ikinahalakhak ko.
"ADONISSSS!!"