Zey POV
I won't let him hurt my son oo saktan niya na ako pero huwag ang mga taong pinapahalagahan ko at mahal ko, kita ko ang gulat sa mga mata nito habang tinitingnan nito ako at si Milo.
Ang bata naman ay matapang na hinarap si Rohws hindi nito hinihiwalayan ng masamang tingin ang lalaki.
"A-Anak?" Napalunok ako nang makita kong nag-iba ang expression nito, kung kanina gulat ngayon ay galit na ang nakabakas sa mukha nito.
Pero kung inaakala niya bang siya lang ang galit pwes nagkakamali siya dahil galit din ako, ano ba akala niya na lahat na lang ng bagay ay magagawa niya sa'kin? At sa mga taong malalapit sa'kin?
"Oo anak ko siya kaya hinding-hindi mo siya masasaktan! Magkamatayan na tayo Rohws pero kahit dulo ng buhok ng anak ko ay 'di mo mahahawakan!" I saw him gritted his teeth pero tinalikuran ko na ito at hinila ko palayo sa kanya ang anak ko.
----------
Napasuklay ako sa aking buhok at napatingin sa hawak kong wallet.
I only have four days para ibigay ang pera sa tito ko pero ang pera ko ay three thousand pa lang ni hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera.
Dagdag pa 'tong problema ko kay rohws. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isipin kung bakit kasi ang malas-malas ko!
Alam kong sa nalaman ni Rohws ay mag-iisip na naman iyon ng kung ano ano, at mas pahihirapan ako non, at mas iisipin nitong isa nga akong maduming babae, pero wala na akong pakealam kasi sa totoo lang ayoko ng magpaliwanag so isipin na niya kung ano ang gusto niya, bahala siya.
"Uyyy Riel! Labas tayo mamaya! " napatingin ako sa isa kong katrabaho sa ngayon kasi nasa restaurant ako at sa kasalukuyan break time na namin at yung iba naman ang umaasikaso sa mga customers
"Pasensya na Shey pero hindi ako pwede mamaya may trabaho pa ako sa bar at kailangan ako ng anak ko, alam mo namang walang kasama iyon kapag gabi sa umaga ko lang iyon naiiwanan." Kumunot ang noo nito sa sinabi ko at napabuntong hininga.
"May problema kana naman ba Riel? Kasi kanina ko pa talaga napapansin na lutang ka at isa pa dami mong ginagawa at pinapasukang trabaho nakakapagpahinga ka pa ba?" Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi nito, hindi ko din naman kasi dapat sayangin ang bawat oras ko kasi kailangan ko iyon
"Kailangan ko lang talaga ng pera." umirap ito at humalukipkip
"Kailan ka ba hindi nangailangan ng pera! Ano ba 'yan Riel! Kailan mo ba maiisip yung kasiyahan mo naman? Kailan mo maiisip na matulog ng maayos, umupo ng ilang oras at magpahinga!" Tumawa lang ako ng mahina kasi para itong nanay na pinapagalitan ako pero nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko 'yung pag-alala sa katulad niya.
Matagal kong pinangarap na makalaya pero di ko kailanman makukuha ang kalayaan na 'yun.
"Malaki ang perang kailangan ko Shey kaya walang panahon o oras na dapat sayangin pero teka lang muntik ko na makalimutan may alam ka bang ibang trabaho? Kailangan ko kasi ng mas malaking pera eh." Tumaas ang isa nitong kilay at tinignan ako ng seryoso kaya medyo nailang ako. Para kasing sinusuri at binabasa ako nito.
"Meron akong alam na trabaho Riel—"
Napahinto ito sandali at tiningnan ako saka umiling na parang may napagtanto.
"Pero 'di iyon pwede sa'yo." Kumunot ang noo ko, pero desperada na ako at kahit anong trabaho ay papatulan ko. Wala akong pakealam kung 'di iyon pwede sakin pero kapag malaki ang sweldo ay tatanggapin ko.
"Magkano?" Puno ng determinasyong sambit ko na kinailing nito.
"Kalimutan mo na iyon Riel, kasi ayokong mapahamak ka sa gagawin mo o papasukin mo."
Hindi?
Matagal nang nasa impyerno ang isa kong paa kaya bakit pa ako magdadalawang isip? Bakit pa e' nagawa ko na nga ang lahat at gagawin ko pa ang pwede ko pang gawin mailigtas lang ang bata.
"Nakikiusap ako Shey. Wala na rin akong maisip na trabaho, pangako aatras naman ako kung alam kong 'di ko kaya pero please sabihin mo na sa'kin." She sigh at tumingin muna sa'kin kaya hinawakan ko ang kamay nito. Kung magmamakaawa ako ay gagawin ko kahit humingi itong lumuhod ako ay gagawin ko.
"P-Pero—"
"Please Shey." Umiling ito saka binunot ang cellphone na nasa bulso nito kaya binitiwan ko na ito at hinayaan ko ito sa ginagawa nito.
Hindi nagtagal ay inilagay nito sa tapat ng tenga nito ang cellphone nito
"H-Hello boss may gagawa na raw sa trabahong inaalok niyo." Napatingin muli sa'kin si Shey at tila nag-aalala ito sa'kin.
"O' sige kausapin niyo na lamang siya. "
Inabot sa'kin ni Shey ang cellphone kaya tinapat ko iyon sa tenga ko. Kinakabahan man pero wala na akong magagawa kailangan kong kumapit sa patalim at kailangan kong kumayod.
"H-Hello." Mahinang sambit ko na tila nabubulol na ewan.
"So can you really do the job?" Nang marinig ko ang malamig na boses sa kabilang linya ay tila nagdalawang isip ako pero kailangan ko maging matatag at malakas.
"Yes I can but it depends on how much you can pay me." Nakarinig ako ng pag-ismid at mahinang tawa sa kabilang linya tila ba tuwang tuwa ito sa aking sinagot.
"Tuso ka ring babae ka, at napahanga mo 'ko." I smirk mahirap na, kung malalagay man ako sa pahamak sana naman ay worth it naman ang bayad 'di ba?
"Hmm so how much can you pay me?" I asked na kinatawa nito muli pero kinuyom ko lang ang mga kamay ko.
Nagtitimpi lang kasi ayaw ko mawalan ng pasensya at nasigawan ko ito, sayang naman ang pera at trabahong mai-aalok nito.
"Five million." Napasinghap ako sa gulat at kung ano-ano na ang naisip ko, ang laking pera no'n.
Teka sino ba ang lalaking 'to at nagtatapon lang ng pera? Saka hindi kaya niloloko lang ako nito? Saka gano'n ba kahirap ang pinapagawa nito kaya ganito na lang kung bayaran ako?
"Shock? Don't worry dadagdagan ko pa 'yan kapag maayos ang trabaho mo," Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone, at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa kung ano mang ipapagawa nito. Kasi ang bilis ng t***k ng puso ko and I felt my blood pumping so fast I don't even know but my tears wanted to fall kasi kahit alam kong mahirap ang ipapagawa nito ay still malaking bagay na 'yon.
Ang perang 'yon ay magagamit ko upang makalayo, ang perang ding 'yon ang gagamitin ko para muling makabangon at sa wakas magagawa ko ng bigyan ng magandang buhay si milo, I can buy him new clothes and even food.
Magagawa ko na ang pangakong aalagaan ko ito.
"Ano ang gagawin ko? At nangangako ako na kahit ano pa yan ay gagawin ko, but be sure na 'di mo lang ako niloloko." Malamig na saad ko, ayoko na rin na maloko, ayokong mapunta sa wala ang gagawin ko.
"Very simple honey, at alam kong magagawa mo lang 'yon, medyo may leon nga lang na kailangan paamuhin pero problema mo na 'yon, kasi dapat mong gawin ang lahat para sa isang papeles make him sign them at kapag nagawa mo edi mas malaki ang makukuha mong pera. And as a bonus, kung 'di ka naniniwala na nagsasabi ako ng totoo then give me your bank account. I'll deposit one million bilang paunang bayad." Gano'n lang? Idedeposito agad nito ang pera? 'Di ba ito natatakot na itatakbo ko ang pera?
Napagtanto ko na hindi lang ito basta-bastang tao, makapangyarihan ito kasi 'di naman ito tanga para gawin 'yun 'di ba?