Chapter 6

1027 Words
Saka gaano ba kahalaga ang papeles na sinasabi nito at ganito na lang ito kung mag-isip na halos gusto nitong ipamigay na lang ang pera nito. "Ano bang klaseng papeles iyon." Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay lumabas na iyon sa bibig ko. At wala akong nagawa kundi pakinggan ang mahinang tawa ng lalaki "Curious aren't we?  Hmm it's a marriage contract, mahirap kasi ipakasal ang lalakeng 'yun and I need him to marry my daughter kaya kailangan mong magawa iyon sa lalong madaling panahon." Kumunot ang noo ko may sira ba ang utak nito? Ipapapirma niya sa lalaking kung sino man 'yun ang isang marriage contract tapos ako pa talaga ang inutusan?  Hindi ba pwedeng sila na lang? Saka gano'n na lang ba niya kagustong ipakasal ang anak sa lalakeng yun na kahit wala sa kagustuhan ng lalaking makasal ay pipilitin talaga nila? Mga mayayaman nga naman may sira ang utak, pero sige sasabayan ko ang saltik sa utak ng lalakeng to kasi,  kailangan ko ng pera e'.  Kailangan ko yun para mabuhay.  At hindi ako pwedeng magdalawang isip o umatras pa,  malaking pera ang ibibigay nito at isa pa mukhang ipinain talaga nito ang isang million para 'di na ako makatanggi. "Okay gagawin ko, give me more details sir." Natahimik ito sandali at nakarinig ako ng konting ingay bago ito muli nagsalit. "The man live in a penthouse so para makapasok may inihanda na kaming mga bagay na gagamitin mo, so kung pumasok ka sa address na ibibigay ko look for the woman named Eliona and she will give you everything you need and even the papers and in addition I'll give you three days para magawa ang pinapagawa ko and after that you'll be a millionaire." Gano'n lang ba iyon?  Bakit kung makasalita ito ay parang wala lang dito? Kung sabagay hindi ito ang gagawa kundi ako ang malalagay sa pahamak nito kapag nahuli ako..  Pero nakakagago lang wala akong magawa. I need this promise last na to at hindi na ako muli babalik sa mga gawaing ganito. Magpapakalayo na ako, I will escape from my uncle at hinding hindi na nito mababantaan ang buhay ni Milo I will make sure that the money that I would have would be the key to my freedom. "So do we have a deal?" Napapikit ako para kay Milo gagawin ko 'to at para sa sarili ko na rin. "Yes we have, bukas na bukas din ipahanda mo na ang dapat na gagawin at ihanda mo ang pera. I need 10 million and sinisigurado kong malinis ang trabahong gagawin ko." I heard him tap his fingers on a wooden surface maybe he was on his office tapping his fingers on his office table. "10 million? Hmm okay you have it woman, basta gusto ko maayos ang trabaho dapat walang makakaalam at dapat di ka mahuhuli kasi kung mahuli ka ay hindi ko na kasalanan. Saka isa pa hinding-hindi mo rin ako madidiin. And one wrong move woman hindi mo alam ang kung anong kaya kong gawin. I can make your life a living hell." I gulp from a happy tone his tone change into a cold one making me shiver. Hindi ko ito nakikita pero alam kong hindi ito nagsisinungaling this man is dangerous. "Yes makakaasa ka, isa pa 'di kita kilala kaya paano kita madidiin." "Good, buti at nagkakaintindihan tayo,  ayokong mapunta sa wala ang lahat,  and oh before I forgot kailangan kilalanin mo na ang target kahit ngayon palang para hindi ka mahirapan kasi baka makatulong iyon." Huminga ako ng malalim ito na gagawin ko na to. This is my chance I won't  blow it away "Give me his name and I will conduct a search." Ready na ako sa hamon na 'to madami na akong nagawa at hindi na ito bago sa'kin.   "Rohws Taylor he is your target wala na 'tong atrasan umoo kana so again goodluck." Pagkasabi non ay narinig ko na lang na pinatayan na ako nito ng tawag. Habang ako ay naiwang nakaawang ang labi at nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Parang pinukpok ang ulo ko,  at tila panandalian akong tila nabalisa Rohws taylor? Marriage contract? Fuck Ano na naman 'tong napasukan ko? Bakit ba parati na lang ako nalalapit sa lalakeng iyon? Bakit? What should I do? Ako ang magiging rason upang makasal ito? I would betray him again? So ano na ang gagawin ko?  Kaya ko ba?  Akala ko malakas na ako na gagawin ko ang lahat pero bakit ngayon ganito ang nararamdaman ko bakit parang gusto kong umatras? Bakit parang may tumutulak sa'kin na tanggihan ang alok sa'kin? "Riel okay ka lang ba? Uyy tulala kana Riel!" Umiling ako at napatingin ako kay shey na tila lutang pa rin kaya she snap her fingers in front of my face "Huy nagriring ang phone mo sagutin mo muna." Nag-aalalang pahayag nito at doon ko lang napansin na ang ingay ng cellphone ko kaya kinuha ko iyon na parang may sariling buhay ang mga kamay ko. Lutang pa rin kasi ang isip ko. Sinagot ko ang tawag, saka wala na akong pakealam at teka may ikakagulat pa ba ako? E' parang bombang sumabog sa harapan ko ang sinabi ng lalake. He wanted me to make rohws sign a marriage contract at ni hindi ko alam kung papaano? At kapag nahuli ako hindi ko na alam ang gagawin. He would kill me. s**t! Anong gagawin ko? "Where are you? Nakalimutan mo bang may kailangan ka pang gawin. I need to paint you naked. So bring your ass here! Tomorrow I'll send you the address be here at 6pm and be sure you're not late, because I hate wasting my time." Pagkatapos no'n ay binabaan na ako nito ng tawag napasinghap na pinagmasdan ko ang aking cellphone. Oh dear 'di ba matatapos tong gulat na nararamdaman ko sa araw na 'to. Bakit ba nakalimutan ko 'yon? "Huy Riel! Tulala ka talaga! Ano nangyari ano ba ang sinabi? Putek naman kung alam ko lang sana 'di ko na sinabi sa'yo. Bwesit kasi 'tong bunganga ko e' uyy Riel?" Paano ko siya haharapin? Oh f*****g s**t I am dead meat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD