49.5 Briel's POV

1013 Words

"A-anong pinagsasabi mo? H-hindi kita maunawaan." Napaatras ako dahil tila hindi ko kilala ang taong nasa harap ko. Samantalang hinayaan niya lamang akong makalayo habang nakabakas pa rin sa mga mata nito na para bang gusto niya akong pigilan at gusto niya akong hawakan. "Hindi mo ba talaga maunawaan o sadyang ayaw mo lang marinig iyon mula sa akin?" Napamaang ako at kahit gusto ko man isipin na nagbibiro lamang ito ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi na ito biro. Pero ano ba ang dapat kong isagot sa kaniya? Ano ba ang dapat kong isipin at gawin. "Ken, nagbibiro ka ba? H-Hindi ba't lalaki ang gusto mo? Isa pa hindi tayo talo! Umayos ka nga!" Sinubukan kong magbiro at tumawa ngunit tinigil ko rin agad, nang makita kong wala itong reaksyon at seryoso niya pa rin akong tinitingnan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD