"Ano bang nangyayari sa'yo, Ken? Hindi na kita maunawaan. Bakit ba kailangan mo pang umakto sa ganoong paraan? At alam mo? Ako pa mismo ang nahihiya sa ginawa mo!" Naiiritang sambit ko sa harap nito samantalang nakaupo lamang ito sa gilid ng kama at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Ngunit sa totoo lang ay gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya at kung bakit. Kasi naguguluhan na rin ako. May mga kung ano-anong bumubulong sa isip ko na nagsasabi kung bakit nito ginawa ang ganoong bagay pero hindi ko magawang lunukin ang rason na iyon. Napakaimposible! Tapos kanina pagkaalis at pagkaalis pa lang ni Rohws ay hinila ko rin agad si Ken paakyat ng kwarto. Pero bago 'yun humingi muna ako ng pasensya kila tita at tito na siyang kinatango lamang nila. "Kung umakto ka kanina kala m