"Huwag mo naman masyadong palakihin ang tenga ko mahal," nakangiting sambit ko kay Ken kasabay ng pag-upo ko sa bakanteng upuan na katabi nito. Pero kahit na nakaupo na ako ay pakiramdam ko'y nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod sa kaalamang nasa harap ko lamang si Rohws. "You deserve it babe," may ngising sambit ni Ken bago nito hinarap ang mga magulang nito. "Nga pala hindi pa ba tayo kakain ma? Nakakagutom kasi 'yung exercise na tinuro sa akin ni babe ko." Napasinghap ako at kinurot ko si Ken mula sa ibaba ng lamesa pero ang gago hindi man lang dumaing. Pero natigilan na lang ako sa aking ginagawa nang maramdaman ko ang pagkailang dahil para akong tinutunaw ng mga nagbabagang tingin na tinatapon sa akin ng lalaking ilang pulgada lang ang layo sa akin at lamesa lamang ang pagitan n